Ilang linggo ang lumipas ay lalo pa kaming naging close ni Ange. (Anj) Dahil daw close na kami ay yon nalang ang itawag ko sakanya. Lagi siyang nasa bahay at nag kwekwento tungkol sa karanasan niya sa pilipinas. Mayaman sila at dahil ay halos ng lalaking mamahalin niya ay ginagamit lang siya. Human bank ganon? But may nasabi siya na lalaking minahal siya ng sobra at ganon din siya ngunit sinabi niyang hiwalay na sila. Natutuwa ako dahil kahit ilang linggo palang kaming mag kakilala ay may tiwala na agad siya sakin.
"And then yung parents ko is nasa korea, may business kasi kami don. Nandito ko para mag aral kaya ako lang mag isa dito. "
Tuloy parin ang salita niya. Grabe para siyang nakaenergy drink araw araw.
"May I ask? Bakit kayo nag hiwalay nung guy?" Tinanong ko nalang bigla. Siguro dahil sa curiosity?
Ngumiti siya ngunit kita ang sakit na nararamdaman niya sa kanyang mga mata. "Ako ang may kasalanan, iniwan ko siya para makapag aral dito. Naisip ko kasi na bata pa kami kaya madami pa kaming pwedeng pag daanan pero ngayon ay nag sisisi parin ako dahil sa ginawa ko." Tinignan niya at yumuko. "He loves me, And I love him too but I need to choose between him or my dream. Zamie, mahirap diba?" Nakita kong may tumulong luha sa mga mata niya.
Yes, mahirap nga. Torn between dream and love. "I understand, Ange. I'm sorry." She just smiled.
"Okay lang. Siguro pag nakita mo siya baka mag kagusto ka din don. Hahaha!" Biro niya. Imposible naman kase may iba akong gusto.
"Hindi naman siguro." Sabay tawa ko.
"Pero wag talaga ha? May kapatid naman yon siya nalang yung sayo. Hahahaha" Biro pa ba to? Totoo na ata.
"Ange, hindi. Wala akong balak mag kagusto sa iba." Paninigurado ko sakanya.