TCH 21

728 12 1
                                    

Eurica’s P.O.V.

        

Mahigit isang linggo na rin ako nandito sa condo ko. Kung kailan pa kami nakalipat tsaka pa bumagyo. Isang linggo na kaming walang pasok. Ang boring na dito. Si Shin at Ji naman, nasa kani-kanilang probinsya. After kasi nilang tumulong maglipat ng gamit ko, umalis kaagad sila kasi miss na daw nila pamilya nila. And I understand them.

May kumakatok. Pumunta kaagad ako sa pinto at binuksan ito. Nakita ko si…

“ Wayne? Anong ginagawa mo dito?” tanong ko. Bakit siya nandito? Eh, wala namang pasabi.

“ Hi, neighbor. “ sabi niya at kumaway pa.

“ Ano? Neighbor ka dyan. Teka? Dito ka na rin nakatira?!” gulat na tanong ko. Si Dominique, nandito na rin. Si Lester din. Pati pa naman siya?!

“ Bakit? Ayaw mo ba?” sabi niya at pumasok sa loob ng unit ko.

“ Oy, anong gagawin mo? Labas na!” sabi ko habang nakaturo sa pintuan na saktong may kumatok ulit.  Sino nanaman to?

“ Hi, Ica—  Oh! May bisita ka pala? Hi, Wayne. “ sabi ni Lester. Pero hindi siya pinandin ni Wayne.  “ May dala nga pala akong pagkain. Want some? “ Pinakita niya yung dala niya cookies, ice cream na rocky road, siopao, siomai at donuts.

“ Ang dami naman niyan. Tara pasok. “ sabi ko at pinaupo siya sa sofa.

“ Wow, pag ako ang pumasok, labas agad? Pero pag yang unggoy na yan, tara pasok? Unfair!” sabi niya at nag pout. Natawa naman ako sa pag pout niya.

*

Umupo ako sa sofa, so katabi ko na si Lester. Bigla kong naramdaman na may umupo sa kaliwa ko. Si Wayne. Nagdecide na lang kami na manood ng movie. She’s Dating The Gangster.

Ano nga ba ang love? Tss. Napatawa na lang ako. Bitter!

“ Ica, aahh” ngumanga naman ako at sinubuan niya ako ng siomai. Hindi pa man tapos yung kinakain ko meron pang sumunod, siomai ulit.

“ Woyt long, hondo po oko topos.” Sabi ko habang ngumunguya. Pano ba naman kasi, may nakaabang na ulit.

Napaubo ako, “ Ito. “ sabi nilang dalawa.

Kinuha ko na lang yung baso na nasa lamesa.

Hindi ko na naintindihan ang daloy ng kwento dahil ang gulo ng dalawa kong katabi.

“ Tama na, may sarili akong kamay oh!” sabay taas ng dalawa kong kamay at itinipat ito sa mukha nila.  “ Kaya ko naman kumain eh. Para saan pa yung binigay sa aking kamay kung hindi ko gagamitin? “

Tumigil naman sila at tinutok na lang ang atensyon sa palabas.

“ I love you .. “ rinig kong sabi ni Wayne. Napatingin naman ako sa kanya at tulog ito. Baka mali ako, pero boses iyon ni Wayne eh. Tumingin ako kay Lester at nakitang malapit ang mukha niya sa akin. Unti unti niyang nilapit ang mukha niya, napapikit naman ako. Bigla akong nakaramdam na may humila sa ulo ko papalayo sa mukha ni Lester. Walang iba kundi si Wayne.

“ Tama na, dude. Tama na ang isang araw. Tss. “  sabi ni Wayne kay Lester. Inakbayan ako ni Wayne at si Lester naman ay humiga sa lap ko.

Ano bang ginagawa nitong dalawang to? Anong meron bas a araw na Feb. 13, 2015?

“ Happy Valentine’s Day.” Sabi nilang dalawa.

“ Ano yun?” tanong ko.

“ Bitter!”

 _

Happy Valentine's Day sa mga nagmamahalan. 

At Happy Nutrition month / Condolence sa taong bitter! 

mwahahah. k. 

The Cold Hearted Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon