Lester's P.O.V.
" Hala?! Mali ka naman, eh! Ganto kasi yan! Hay nako." Sabi niya, Kinuha niya sa akin yung pan. Hinugasan niya ang mga ito at inilagay ang mantika. Pinainit niya ng ilang segundo bago ilagay ang chop chop na manok na may lagong harina. In short mag fried chicken kami.
" Aray! " natalsikan kasi ako ng mantika! Ang sakit kaya!
" Parang yun lang, lalaki ka ba? " sabi niya. Aish! Kala mo talaga eh!
" Pag marunong na akong magluto, who you ka sa akin! " sabi ko. Sorry naman diba? Hindi ako marunong magluto. Hindi naman ako tinuturuan. Psh.
" Bleeeeh :P "
" Ikaw ah! Binebelat mo pa ako!" sabi ko, lumapit ako papunta sa direksyon niya. At pinahiran siya ng harina sa mukha.
" Waaaaaaaaah! Wag kasi! baka masunog yung manok! Waaaaah! " sabi niya at tumakbo papasok sa sala. Tss. Pinatay ko muna yung kalan mahirap na baka magkasunog dito.
Pagkapasok ko ng sala, nakapatay lahat ng ilaw. Asan na kaya yun? Binuksan ko yung ilaw at,
" Aray! " sabi ko, pinalo ba naman ako ng unan?! Sakit kaya pag hindi ka ready!
" HAHAHAHHHAHAHHAHA! Buti nga! Bleeeeeh :P " sabi niya, at nakalagay pa ang mga kamay niya sa magkabilang tenga niya.
" Ikaw!" sabi ko at binuhat siya,
" WAAAAAAAAAH! Ibaba mo ako! Waaaaaaah! " sigaw niya. Nilapag ko siya sa sofa at sinimulan siyang kilitiin.
" HAHAHHAHAHAHAHHA! Tama na, pleas-- HAHAHHAHAHHAHA - please! Nakaka- HAHAHAHHAHAH"
" Ayaw ko nga! hahah Inaasar mo ako eh " sabi ko. At kiniliti pa siya.
" Hi-hindi na-AAHAHHAHAHAHHA! " sabi niya habang tumatawa.
**
Tinapos na namin ang niluluto, mamaya na lang kami magbebake.
" Kakain na! " sabi ko. Ako na raw maghanda kasi napagod daw siya sa pagluluto. Okay.
" Ica-" naputol ang sasabihin ko nang makita ko siyang tulog. Wala pa rin siyang pinagbago. Ang bilis makatulog. Hinaplos haplos ko ang kanyang buhok at sunod naman ang kanyang mukha.
" Alam mo? ang ganda ganda mo pa rin. Parang ako nga lang nagluksa oh. Wala pa ring nagbabago sayo. Unfair mo! hahah. Ica, sorry kasi iniwan kita ah. Ayaw ko mang gawin yun, pero wala na talaga akong oras. Kailangan ko na talagang umalis. Sorry. Sana hindi pa rin nagbabago yung nararamdaman mo para sa akin. Kasi ako? Ganon pa rin. Walang pagbabago. Mahal na mahal pa rin kita. Sana ganon ka rin, pero impossible na ata yun noh? Haha. Siyempre, nagalit ka sa akin. May tutulong sayo. Magkakahulugan kayo. Ganon naman diba? Sana kahit konting pagtingin, meron ka pa rin para sa akin. Para kapag dumating ang panahon na kailangan kitang bawiin, madali na lang pa ra sa akin. " Hinalikan ko ang kanyang noo,
Bigla siyang napatayo, na sakto nagkasalubong ang aming mga labi, Walang gumagalaw sa amin. Gulat kaming parehas. Ako na ang unang bumitaw,
" Ay ano, oo nga pala, kakain na. Ano! Bibili lang ako sa ano ah oo! sa baba! tama. Dito ka lang ah! " sabi ko, wala naman talaga akong bibilin, gusto ko lang makahinga ng maluwag. Pakiramdam ko kasi sasabog na ako eh.
" Eh? Bye? " sabi niya at tumayo na. Pumunta na siyang kusina.
" Ah, sige! baba muna ako." sabi ko at dali daling lumabas.
________________________________________________________________________________
VOTE AND COMMENT! :)
BINABASA MO ANG
The Cold Hearted
RomanceIs she going to love again? Or her heart is going to be cold as an ice? Completed.