Eurica's P.O.V.
Bakit kasi dumating siya nang walang pasabi? Tsaka bakit... bakit ang lakas ng kabog ng puso ko? Ay teh, kabog agad? Hindi muna kinabahan o nabigla ka lang kasi hindi mo alam na nandito na siya? o kaya hiningal ka lang kasi tumakbo ka ng mataas? tsktsk. Aish! Panira ka inner Euri! tsk!
Hindi kaya may gusto talaga ako sakanya? Aish! Hindi pwede! Alam kong may feelings pa ako kay Ether, naramdaman ko yun nung nagdampi- blah blah! Erase! , Pero si Wayne? Ano siya para sa akin?
Wayne! Isa kang sakit! Sakit sa ulo! Baka naman sakit sa puso? Ano ba, inner me! Shtup!
Napatigil ako sa pakikipag-usap nang tumunog ang cellphone ko.
" Euri.." Ang boses na yan..
" Hahhaha! Ica na nga lang! Hindi ako sanay. Yung bag mo. Naiwanan mo sa kotse ko. Pabayang Ica tsk tsk." Sabi niya na para bang nagdidisiplina ng isang batang pasaway.
" Oo na! Kunin ko na lang sa'yo bukas, Ay wait! Asan ka nga pala? Wag mo na ihatid dito baka nakalayo ka na ako na lang pupunta diyan." sabi ko baka kasi nakalayo na hiya naman ako sakanya. Sus! If I know gusto mo lang siya makalandi. Haaay.. Ano ba Inner me! Shtup sabi eh! Epal ah!
" Nasa pintuan niyo na ako. May lalaki dito ako, baka kilala mo?" sabi niya. Sino yung lalaking yun? Painosente Eurica? ha? Si Wayne yan! Walk-out-an daw ba? Ano ba! Quiet Please! Bawal ang maingay! Imposibleng si Wayne yan, siguro naka uwi na yun.
" Huh? Baka sa kapit bahay lang yan? O baka naman kasamahan ni Mama? Wait! Lalabas na ako. " sabi ko at ibinaba na ang tawag.
Pagbukas ko ng pinto...
" Euri/Ica " sabay nilang sabi..
" Kilala mo 'to? " Sabay ulit nilang sabi at nakaturo pa sa isa't isa.
" Teka nga! Oo, kilala ko kayo. Tsaka Lester, yung bag ko? " sabi ko. Binigay naman niya agad.
"Euri, mag usap tayo." sabi ni Wayne.
" Ica, sino ba 'to? " tanong naman ni Ether.
" Oh! Wayne, Lester! Pasok kayo, wala ang papa ni Euri eh. Pasok! Paghahanda ko kayo ng meryenda. " sabi ni mama na bigla bigla na lang sumusulpot.
" Salamat po, Tita." sabay ulit sila. Aba bongga Euri, ha! Sabayang pagbigkas lang ang peg? Hahah. Haba ng hair. Punta na mamaya sa salon? ha? Shtup!
Nagpalitan sila ng masasamang tingin. Na parang kulang na lang mag boxing sila.
Wayne --> >.> ---- <.< <-- Lester
" Baka gusto niyong umupo? " sabi ko. Nagunahan pa silang umupo sa couch.
Spell A-W-K-W-A-R-D. Sila yon!
" Ah, Wayne, si Lester. Ex ko na nang iwan. Lester, si Wayne, alam mo bang idol ka niyan? Ginaya ka nga niyan eh. nang iwan din yan! Galing nga eh. Iwan ko muna kayo. " sabi ko. Pero sa isip ko lang yan sinabi.
" Wayne, Lester. Lester, Wayne. " sabi ko habang tinuturo turo pa sila.
Aba't! Isnabin daw ba ako? Ha?! Ang jinit na ditech, Euri. Wooo. Shtup sabi eh, Inner me! Shh.
" Woooo? Ang init naman ata dito? Eh ang lakas naman ng aircon? Baka may sira nanaman? Eh, kakapalit lang niyan kanina... " sabi niya habang nagpapaypay kuno sa mukha niya. Sulpot nanaman ng sulpot kung saan si mama.
" Ma! ha ha? Ah.. eh? Yung ano! Yung m-meryenda! Tama! Baka gutom na sila? ha ha ha? " sabi ko. Ano ba yan. Ang Awkward. er?
" Ang haba ng hair, nag rejoice ka ba girl?~" kanta ni mama. Pero sa tingin ko inaasar lang ako nito. Umma is bad! tsktsk.
Umalis na si mama para kunin ang pagkain, pero itong dalawang ito! Hindi pa rin kumikibo!
I like to buget buget~ kanta ng inner me ko. Anong buget? Move it yun! Shunga! tsk.
Sorry not sorry? sagot naman niya. Ewan! Aish!
Tama nga si Mama! Ang init! Wooo!
**
Kakatapos lang namin kumain. Walang nagsasalita. Awkward.
" Alam niyo? Kung di kayo magsasalita magiging amoy panis mga hininga niyo!" sabi ko.
" Ay, Eurica, anak. Bukas ka na nga pala lilipat sa condo mo. Naasikaso na nga pala ng papa mo ang gamit mo, Okay na lahat. Ay nak! Punta lang akong grocery, bibili ng pangkain mo doon. bibili lang ako ng foods. Remember? Pag nasa condo, kailangan may foods? haha. Corny mo, Euri wag na mag joke. Bye! " sabi ni mama. Aish! Siya nga nag joke eh. Lakas ng tama ni mama ah.
At umalis na si mama. Oo nga pala, bumalik na ako sa school. Wala raw kasama si Ether. Lumipat daw ako para may kasama siya. Sinabi ko naman agad kay mama. Hindi ko naman alam na magpapacondo pa si Mama.
**
Pumunta muna akong kusina. Masyadong mainit kahit na may aircon. Pinagpapawisan ako sakanila eh. Sumandal muna ako sa lababo.
" Ica..." sabi ni Ether. Papalapit ito sa akin. Pawis na pawis na siya. Naiinitan din ba siya?
"A-ano y-yun?" nauutal kong sabi. Sana hindi niya gawin yung nasa isip ko. Sus! If I know gusto mo rin. Heh! Manahimik ka!
" Ica... hindi ko na talaga kayang pigilan ko sarili ko... Hindi ko na kaya.. " sabi niya at kinulong niya ako. Inilagay niya ang dalawa niyang braso sa giliran ko at nasa gitna ako ng mga ito.
" Sobrang lapit niya sa akin. Konting galaw ko na lang magdadampi na ang mga labi namin. Baka magkaroon ng part two ang, " The Kiss" scene namin.
Ganto yung mga scene na napapanood ko, kaya unti unti kong pinikit ang mga mata ko. At hinihintay na dumampi ang mga labi nito sa akin.
Landii, Eurica ah! Psh! Panira ng moment!
" Anong gagawin mo? " sabi ng isang tao. Na nakilala ko sa pamamagitan ng boses niya. Si Wayne.
Saktong pagkasabi ni Wayne ay ang pagdilat ko sabay naman ng pagdilat ko ang pagdami ng labi ni Ether sa akin sabay naman ng pagdampi ng labi naman ang pagpsok sa eksena ni Shin at Ji at ang pinaka malala sabay din ang mga pangyayaring naganap ang isang malakas na...
" ANG BAHO! " sigaw namin at natulak ko siya ng malakas. Wtf?!
BINABASA MO ANG
The Cold Hearted
RomanceIs she going to love again? Or her heart is going to be cold as an ice? Completed.