V

183 5 1
                                    

A/n: Guess who's our guest in this chapter. Lol XD

Kai's POV

Ngayon ay ang araw ng check-up ko kay Dr. Oh Han, ang family doctor/ gynecologist ko. Nasa ikatlong buwan na ako ng pagbubuntis at excited na ko dahil sabi ni Dr. Han, maaring malalaman na namin ang gender ni Baby Taeoh. Yes, pinangalanan na namin siya kahit hindi pa namin alam ni Jagi ang gender niya! Ano kaya itsura niya? Kamukha ko kaya siya? Cute rin ba siya katulad ko, o kamukha ni Jagi na may malaking mata? Magaling kaya rin siyang sumayaw at kumanta tulad namin? Kasing sungit kaya rin siya ni Jagi? Hahaha shh lang kayo kay Jagi ah, ang sungit kasi talaga nun! Sana hindi mamana ni baby yun! Grabe excited na talaga ako! Maaga akong nag-ayos para makapunta kami ng maaga kasi laging maraming pasyente si Dr. Han at ayokong maghintay ng matagal.

"Baby, good morning! Later malalaman na namin if you're a handsome boy or a lovely girl, so stay put ka lang dyan ha!" Kinakausap ko muna si baby habang hinihintay si Jagi bumaba. Grabe daig pa ang babae sa sobrang tagal mag-ayos.

"Jongin, Tara na?"

"Tara na! Excited na ko malaman gender ni baby!"

Sa Cayser Medical Hospital:

"Jongin, Kyungsoo, nice to see you again! How's your baby? I know you two are excited about the baby's gender! Well, so do I. Ako ninong sa binyag ah?" masiglang bati samin ni Dr. Oh Han, hindi pa rin talaga siya nagbabago, masayahin at makulit pa rin siya. Siya ay isa sa mga kaibigan namin ni Kyungsoo nung college pa kami, kaya ang turingan namin kahit dito sa opsital ay parang magbabarkada lang.

"Naman, ikaw pa! Ikaw kaya ang pinaka-una sa listahan ng mga ninong sa binyag ni baby" sabi ni Jagi kay Dr. Han at nag-fist bump sila.

"O siya, halika na para makapagsimula na tayo."

Pumasok kami sa isang kwarto na may isang kama, may monitor at iba pang mga gamit na gagamitin sa ultrasound check-up ko. Sinimulan ni Dr. Han sa paglalagay ng jelly-like structure sa tyan ko, ang lamig niya! Pagkatapos ay inilagay na niya ang ultrasound transducer, ayon kay Dr. Han.

Si Jagi ay tahimik lang na nanunuod sa mga ginagawa ni Dr. Han. Di ako sanay na tahimik siya kaya kinausap ko siya.

"Jagi? Okay? Are you okay?"

"Hmmmm? Uh yes, why?"

"Wala, you're so quiet kasi and I'm not used to it.."

Ngumiti lang siya sakin bilang sagot. Siguro kinakabahan siya?

"Well, based on my preferences, kumpleto naman ang mga organs niya and wala akong defects na nakita. He's completely healthy. Congratulations sa inyo!"

"He's a boy?" medyo malungkot ako kasi I was expecting na girl pero expect the unexpected nga naman.

"Yes, he is! Well, I guess may naisip na kayong pangalan..." ani Dr. Han samin.

"Yes, sa totoo nga lang we're expecting a girl talaga but kahit ano naman okay lang. Lately, tinatawag namin si baby na Taeoh so I guess iyon na ang ipapangalan namin. Right, Jongin?" sagot naman ni Jagi sa kanya. Kaya siguro tahimik siya dahil kinakabahan siya kung girl or boy yung gender ni baby and he's expecting a girl too.

"That's a nice name, and I like it though" sabi ni Dr. Han habang pinapaikot ang swivel chair niya at pagkatapos ay tumingin siya sa orasan niya. "I should get going, may appointment pa ako at exactly 10:00am. Balik na lang kayo next month for your monthly check-up as well as the vitamins na irerecommend ko sayo." Malayo na siya nang bigla siya ulit lumingon sa amin. "Hey, don't ever forget that, ako ang ninong ni Baby Taeoh!" He smirked.

Kyungsoo's POV

Bago kami umuwi ay dumaan muna kami sa grocery para bumili ng stocks sa bahay. Nakaday-off ako ngayon sa trabaho dahil sinamahan ko si Jongin pumunta sa doktor.

Nang makarating kami sa grocery store: "Jagi I want this one, mukhang masarap!" kumuha siya ng isang bar ng chocolate, "eto rin! Sigurado matutuwa si Baby Taeoh dito!" isang pack marshmallow, at kung anu-ano pa. Ang sabi ng doktor masusustansyang pagkain daw ang dapat kinakain niya para lalong maging healthy si Baby Taeoh, as well siya rin. Kaso ang loko kung anu-anong pinagkukuha, puro unhealthy foods. Humanda siya sa akin. Sa bahay. Bwahahaha! *evil laugh*

Habang siya ay busy sa pagkuha ng mga gusto niya ako naman ay kumukuha ako ng fruits at vegetables para lulutuin ko mamaya sa pag-uwi sa bahay. Patago akong kumuha para hindi niya malaman na kakainin niya mamaya ay puro gulay. Hindi na pwede ang mga gusto niyang pagkain na hindi masusustansya lalo nang nalaman namin na healthy si Taeoh so dapat siya rin. Humanda ka sakin mamaya.. My sweet revenge is waiting for you later, Jagi. >:)

Pagkauwi namin, nagpahinga na siya at ako naman ay excited na magluto ng aking specialty dish. Habang hinahanda ko ang aking mga gagamitin di ko mapigilang mapangiti dahil naiimagine ko na ang magiging reaksyon niya kapag nakita 'tong ihinanda kong pagkain sa kanya. Humanda ka talaga mamaya!

Nagluto ako ng pinakbet para sa lunch at mamaya naman para sa meryenda ay gagawa ako ng vegetable salad para sa merienda, at ang dessert naman ay mixed fruits. Ang saya diba? I know he hate veggies pero don't worry my dear Jongin, masarap yan because it is made from love. >:)

Mag-a-alas dose nang magising siya at eto na ang pinakahihintay ko, ang reaksyon niya kapag nakita niya ang mga ihinain ko sa kanya. Im so excited!

At hindi nga ako nagkamali, he's reaction is so priceless! Pfffft----

"Jagi..." ang cute cute ng reaction niya! Tinuro niya yung pagkain at pagkatapos ay tinuro niya rin ang kanyang sarili na para bang sinasabi niya na kung kakainin niya ba lahat yun with a sad expression. Hahaha I love this! >:)

I nodded as a response, with a not-so-evil smile. Alam kong di niya kakainin yun so, nagready ako ng aking not-so-cute performance para mapapayag ko siya. "Jagiii~ Please eat this na? Diba gusto mo maging healthy si Baby Taeoh? Sige ka magtatampo ako sayo pag di mo siya kinain..." of course, with an evil smile ulit. I love watching his priceless reactions.

"Uhhhmmm? sige na nga! ughhh I hate you Jagi! Ang bad bad mo!"sabay pout. Ang cute niya talaga!

"Love you too! Sige na kainin mo na, masarap yan!"

"Ayaw."

"Please?"

"No."

"Hmmm, sige ibibili kita ng ice cream mamaya pag naubos mo lahat ng niluto ko! Take it or leave it?" Wala siyang nagawa kundi umupo at nagsimulang kumain. Bawat subo ay tinititigan niya muna ang mga gulay at kapag isinubo na niya ay nilalasang mabuti habang nakapikit. Ang childish niya tignan.

I can't stop grinning while watching him eating kasi para siyang batang ayaw kumain ng gulay pero pinipilit siya ng nanay niya kasi may prize siya later pag kinain niya yun. Kahit ang isip bata niya tignan hindi ako naiirita sa kanya instead natatawa-- I mean, natutuwa pa ko.

"So Jagi, how was it? Masarap diba?" tanong ko sa kanya pagkatapos niyang kumain.

'"Mmmm! Where's my ice cream?" inilahad niya ang palad sa harap ko na tila humihingi. Ooops, pano na yan, joke ko lang naman yun para kainin niya yung niluto ko. What to do?!

"Hehehe joke lang yun!" sabay takbo kung saan pwede may mapagtataguan. Sorry jagi! Hahahaha! >:D

Mission accomplished!

__________________________

( ^♡^) / ( ㅂ_ㅂ)

A:n/ Happppppy Hearts Day! ♥ Sorry kung late yung update ko ngayon, busy po kasi ako sa school ㅠㅡㅠ Sorry din kung sabaw :( Btw, sana magustuhan niyo po! Salamat sa walang sawang pagsuporta!

Comments and Votes are highly appreciated :)

Ps. Satansoo strikes again XD

Xoxo, mycurrykerry ♥

Unluckily Lucky [CURRENTLY EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon