Bitter Valentine

101 3 0
                                    

February 14, ano bang special sa araw na'to halos lahat ng estudyante na nakikita ko mga nakapula, may hawak na rose, chocolates, teddy bears o kaya naman hawak ang kamay ng mga shota nila. Kung tutuusin kaya naman nating bumili ng sarili nating roses, chocolates, teddy bears, etcetera, bakit kailangan pa na ibang tao ang gumastos para sa'yo? Mahiya naman kayo! Kung tutuusin hindi niyo naman sariling pera ang pinapambili niyo diyan eh kundi mga pera ng mga magulang niyo! Imbes na nagtitipid kayo para sa pangmatrikula niyo, heto gastos pa ng gastos dahil sa linshak na mga regalo na 'yan para sa mga shota niyo para sa linshak na araw na'to. Guys maniwala kayo magbebreak din kayo kaya kung ako sa inyo MAG-ARAL na lang kayo! Mahal ang tuition fee! Maawa kayo sa mga magulang niyo na nagtatrabaho! Utang na loob lang please! Huwag din kayong masyadong naniniwala na may FOREVER! WALANG FOREVER GUYS, paasa ever meron pa.

"Oh, Amy amps, lukot na naman 'yang mukha mo? Mag-smile ka naman Valentines na Valentines oh."

"So ano ngayon?! Big deal koya? So dapat ba ginagawa ko din ang mga kakornihan ng mga abnormal na nasa paligid natin... Oh wait! Wag mong sabihin na nahawa ka na rin sa kaabnor-----"

"Oops ang dami mo nang sinabi.. Ikaw talaga babae ka may pagka- abnormal yang bibig mo... Ilang milyong words ba ang naa-utter mo per day? :p"

"Aba't ginago mo ba ako Fuentes?! Baka gusto mong makarating kay satanas ng di oras?" Tinignan ko si Denver gamit ang nanlilisik kong mata xD

"A-aayaw" sagot niya sabay iling

*glare*

*Pout* -Denver

Shit ba't ba sya nagpout. Hindi ba nya alam na naaakit ako sa lips nya.. Aish! Kung anu- ano tuloy naiisip ko *blushes*

"Oy oy oy bat ka nagbablush bespren? Siguro naiinlove ka na sakin no? :D"

Tinakpan ko agad ang pisngi ko. Shocks! Feeling ko umakyat lahat ng dugo ko sa mukha..

"Leche ka, fyi hindi kita type!! Jan ka na nga!!" Sabay walk- out.

Oh? Ang taray diba? Iniwan ko syang nganga. Ang feeling kasi eh! Eish nakakaasar! 'Eh gwapo naman kasi talaga' .. Che isa ka pa! Konsensya lang kita, wag kang epal -_-

For the information of everybody, papunta na ako sa classroom. Nakakabad vibes dito sa labas ang daming mais.

Lakad.

Lakad.

Lakad.

Hinto.

Sabay pihit ng door knob.

*squeak* (tunog nung binuksan kong pinto)

(Now playing: count on me)

Pagbukas ko ng pinto napa facepalm ako. Grabe hanggang dito ba naman?!! Aba si koya may paharaharana pang nalalaman. Eh boses palaka naman! Eto namang si ate maiihi na yata sa kilig kuno.. Pweeehh!

Badtrip! Nagbago na isip ko. Pupunta na lng ako sa roof top. Lumabas na ako sa walang kwentang classroom na yun.

*blaaaaaaaagggg!* tunog ng pintong dahan-dahan kong isinara *insert sarcasm here* >:)

So ayun nga, naglakad ulit ako. Habang naglalakad ako, may nakita ako magjowa nag-aaway yata.. Ay hindi pala yata.. Nag-aaway pala talaga.. Hehe

"Akala ko ba ako lang huh?!" Sigaw ni girl..

"Hindi mo ba naiintindihan? Oh sadyang tatanga tanga ka lang? Mahirap bang intindihin yung mga sinabi ko?" Poker face na sabi ni koya.

"P-pero bakiit?" Paiyak na sabi ni girl.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 19, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ampalaya FestivalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon