Dito pa lang po. Wina-warn ko na kayo. May mga bad words dito sa story na 'to kaya wag kayo mag comment ng "Ano bayan! puro nalang mura. Wala ka na bang ibang ma-type?" or something else like that.
Okay?
Okay.
***
***Queencie's POV***
Napahikab nalang ako dahil sa antok. Ang boring naman kasi ng Science teacher at gutom na gutom na din ako. Hindi na kasi ako nag breakfast kanina.
"Psst! Queencie, Bababa ka ba?" tanong ng bestfriend/seatmate ko na si Nichole. Isa siya sa mga best friends ko na pinagkakatiwalaan ko pero back-stabber siya at war-freak-kuno, iyakin naman. Pero kahit magka-away kayo, Hindi niya parin ipagsasabi yung mga secrets mo. Mapapagkatiwalaan nga eh. AT may pagka-pasikat din 'tong si Nichole.
"Ah.. Oo." sabi ko sakanya at ngumiti. Tumingin naman ako kay Erica at tinanong siya kung sasama siya bumaba. Agad agad naman siyang um-oo kasi gutom na gutom na daw siya. Si Erica naman ang klase ng tao na masarap pagtripan at masaya kasama. As in. At syempre, mapapagkatiwalaan din siya.
Tumingin naman ako sa orasan.
8:40 AM
Ito na nga ba sinasabi ko eh. Male-late na naman kami sa pag recess. 8:30 dapat.
"Sir! Over time na po kayo." sabi ng classmate ko na lalake na si Renz.
"Ay! Oo nga. Sorry. Sige, let us pray." napakamot nalang yung Science teacher namin at ngumiti. Psh. Pa-cute.
At ayun. Nag pray na kami. Makakasama ko na naman yung kinaiinisan ko. Lahat ng negative things nasa kanya na sa totoo lang.
"Okay class. You may now take your recess." at lumabas na yung teacher namin.
"Bea! BEEEEEAAAAAAA!!!" sigaw ni Nichole kasi magkalayo kami ng upuan at nagumpisa na din kasing umingay.
"ANOOOOO!!!???" sagot naman ni Bea. Siya naman yung isa ko pang pinagkakatiwalaan pero magagalit yan sayo ng hindi mo manlang alam ang dahilan. Yung feeling na bati kayo kanina tapos mamaya, hindi ka na papansinin. At may pagka back-stabber din siya.
"Bababa kayo?" Sabi ni Nichole at lumapit siya ng konti kanila Bea.
"Oo at si Denise din. Hintayin lang daw natin siya kasi nag CR pa siya." Psh. Si demonyi- este Denise naman yung pinakanakakairita kong "best friend" .Pero sa totoo lang, hindi ko talaga siya tinuring best friend. Plastikan kumbaga. Kasi siya yung tipo ng tao n bipolar pero hindi siya in-a-charming-slash-cute-way type of bipolar. Bipolar na nakakainis at kahit sino talaga eh maiirita. Sadista din siya at may pagka-possessive. So there. A perfect description of the most irritating person alive.
Sumulpot naman si Denise sa pintuan at sinabing bumaba na daw kami at humingi din siya ng tawad kung natagalan man daw siya. Hashtag: Walang may pake.
~~~
Tapos na ang klase at oras naman para sa isang "activity". Pupunta daw kami sa isang lugar na ewan ko kung saan, at dun daw gaganapin yung activity.
"Sama-sama tayo ng sasakyan ah?" Sabi ni Denise. Alangan mag hiwa-hiwalay kami. Bobo.
"Sige sige." Nginitian ko nalang si Denise. Lumingon ako kay Nichole at pinalapit siya dahil pasakay na kami sa sasakyan.
Nung nakasakay na kami, Nasa kaliwa ko si Nichole at nasa kanan ko naman si Erica habang sina Denise at Bea naman ay magkatabing nakaupo sa tapat namin. Hinawakan kasi ni Denise si Bea para magkatabi sila. Para bang ayaw niya ipalapit samin ni Nichole si Bea. Possessive b**ch.
"Ano bang gagawin natin sa pupuntahan natin?" tanong ko sakanila habang nakatingin sa bintana sa kanan ko. Bale nasa L3 kami nakasakay.
"Maga-out reach daw tayo eh pagkakarinig ko sa usapan ng mga Teacher kanina." sabi naman ni Erica.
"Ah." nasagot ko nalang. Wala na kasi akong masabi eh at nag tuloy tuloy ang byahe.
***
Author's Note:
Sorry kung maikli lang ulit siya at sobrang tagal kong nag update. Nawalan lang talaga ako ng ganang mag Wattpad.
BINABASA MO ANG
Everything Is A Lie
Teen FictionBecause everything is a lie, Why bother being honest?