Chapter One

24 1 1
                                    

***Queencie's POV***

"Ano ba baby! Makinig ka naman please!!" tuloy tuloy lang ako sa pag type habang yung ate ko na nasa tabi ko eh humahagulgol sa iyak.

Hay buhay. Lagi naman silang nagaaway ng boyfriend niyang potassium at feeler. Pota na nga, Assuming pa. Tawagin daw ba akong best friend kahit hindi naman. Sarap kutusan.

"ANO BA BABY!? PINAPALAKI MO LALO YUNG GULO EH! Sabing inutusan ko lang naman si Queencie na laksan yung aircon eh! Di mo ko kailangan murahin!" Oh diba? Babaw ng away nila. Inutusan kasi ako ng ate ko na laksan ko daw yung aircon eh pinabukas ko sa kanya kanina. Eh ako lang naman ang dakilang tamad kaya sabi niya bato bato pik daw kami tapos yung talo yung maglalakas ng aircon then BOOM. talo siya.

Yaan mo sila. Sa totoo lang, ang tanga din nitong ate ko eh. Di niya lang kasi matiis yang kumag na yan. Mamaya bati na ulit yan.

Arf arf arf!!

Napakurap nalang ako kasi agad agad in-unplug ng ate ko yung cellphone niya sa pagkakacharge at agad agad pumunta sa kabilang kwarto. Nanjan na kasi si mommy. Stupid.

May pasok pa pala bukas. tsk. unti unti kong sinara yung mata ko at natulog.

~~~

Minulat ko yung mata ko at binuksan yung TV para makita kung anong oras na. Wala akong cellphone eh.

7:20 AM

Tss. Lagi naman ganyan eh. Nasama ko na sa 'Daily Routine' ko ang laging late sa pagpasok.

"Kumilos ka na jan. Ano pang tinutunga-tunganga mo?" Napatingin nalang ako sa mommy ko at unti unting umupo sa kama.

Papasok o hindi papasok? hmm..

Pumunta na ako sa CR para maligo.

Siguro kung may award sa school na 'Late Queen' eh baka ako na yun. Tapos papagalitan na naman ako ng mommy ko na kailangan daw may body alarm daw ako. Pwe.

Lumabas na ako at dumiretso naman sa kwarto para mag bihis.

7:29 AM

Oh diba? Galing ko talaga. Bilis ko maligo. *Take note of the sarcasm* Kung hinahanap niyo ate ko, nandun na sa school. Nauna na. Dami sigurong nagtatanong kung bakit daw sa maaga pumasok habang ako eh laging nale-late. Simple lang. Naghahanap lang naman ako ng karayom sa isang football field para tahiin ang maliit na butas na nasa isan' libong kilumetrong tela. Ha. Ha.

Nilagay ko yung isang strap ng bag ko sa balikat ko at kinuha na yung baon ko.

"Alis na ako." Sabi ko agad bago pa ako mapagalitan ng mommy ko.

~~~

"Good morning. Sorry I'm late." Sabi ko sa teacher namin at pumunta sa upuan ko na nasa pinaka suluk-sulukan ng classroom.

"Wow! aga mo ah?"

"Anong oras na ah?"

"Oi! ang aga aga pa."

Nginitian ko nalang yung mga kinausap ako nang pabulong at tumawa ng mahina.

Welcome to my theater. Where everything I do is only acting, fake and only for the sake of entertainment.

***

Author's Note:

So there you have it. Chapter One of my very first story. I know it's too short. Pag-chagaan niyo po muna. Rarami din yan.

Vote, Comment, and Spread the story~

Everything Is A LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon