#1 Saffire De Guzman

575 25 2
                                    

#1 Saffire De Guzman

A/N: Guys, ito na po yung Chapter 1 ng IHTIP. Tulad ng nasa AN ko kanina, makupad ako and tamad kaya huwag niyo po sanang asahan na mabilis ako sa pag-a-UD :). Pasensya sa pagiging Cliche ko. Okay, enjoy reading!

- - -

SAFFIRE'S POV

"De Guzman!" Bigla akong napatayo sa pagkakahiga ko ng may biglang sumigaw sa labas. Narinig kong bumukas yung pinto ng apartment na tinutuluyan ko. At nakita kong pumasok ang landlord namin. 

Ah, alam ko na kung bakit ito nandito. Maniningil na 'to ng renta ko. Oh Lord! Wala pa akong sahod sa part time job ko! 

"De Guzman, may balak ka bang magbayad? Aba'y 1 week late na yung bayad mo ah?!," nakapameywang niyang tanong. 

Agad naman akong napakamot ng ulo. "Ah, ms. Landlord, wala pa kasi akong sa—" 

"Heh! pumunta ako rito para kunin ang bayad mo at hindi para marinig yang rason mo," pagpuputol niya sa sinabi ko. 

Paano na 'to ngayon? Walapa akong sapat na pera para mabayaran yung renta ko? Sus ginoo! Sakit sa ulo! 

"Ah, ganito na lang," sabi niya habang naglalakad papunta sa harapan ko. "Kukunin ko na lang muna ito," sabi niya sabay hablot ng kwintas ko—Omaygulay?! Yung kwintas ko! Napatayo ako bigla. 

"Landlord, inigay mo sa akin yung kwintas ko! Akin yan eh!," sabi ko habang pilit na inaabot yung kwintas ko. 

"Hindiko ito ibibigay hangga't sa hindi mo pa ibinibigay yung bayad in 2 days." Napatigil ako bigla. 

"I-in t-two days?," nauutal kong tanong. 

"Aha. At kapag wala pa yun, I'm sorry to tell you, I won't give it back to you at mapipilitan akong palayasin ka sa apartment mo. Bye," sabi niya habang naglalakad paalis ng kwarto ko.

Napakapa ako sa leeg ko. Napayuko na lang ako ng maalala ko kung kanino nanggaling yun. Galing yun sa mama ko na matagal ko ng hindi nakikita.

Hooh! Bakit ganito ba kasi ang buhay ko? Laging patapon!

Bumalik ako sa reyalidad ng biglang magring ang alarm ng cellphone ko. Hala! May pasok pala ako ngayon!

- - -

Toothbrush, ligo, bihis, ayos at tadaaaa! Ready na for my school!

Kinuha ko ang mga gamit ko at lumabas na ng apartment. Dali-dali akong tumakbo palabas. Mahirap na, baka mapag-initan ako at baka mapalayas pa ako ng wala sa oras -_-.

Nagsimula na akong maglakad papuntang school. Waliking distance lang naman ang layo ng dorm namin sa Chen Academy—ang school kung saan ako kasalukuyang nag-aaral. Bakit ako naglalakad? Sayang kasi ang 7.00 na pamasahe kung pwede na rin naman palang lakarin. Pang-rc din 'yun!

Napatigil ako sa paglalakad ng bigla kong maalala yung restaurant na pinagtatrabahuan ko na malapit lang sa school namin. Dali-dali akong tumakbo papunta ro'n.

At ng makarating na ako, pumasok ako kaagad. Buti na lang at wala pang tao rito.

"Good morning ate Malou!," bati ko sa may-ari slash manager ng restaurant na ito.

"Good morning din, hija. Diba may pasok ka? Bakit ka nandito?"

"Hehe, sumilip lang po ako. Ahm, may maitutulong po ba ako?"

"Pasuyo naman, hija, paabot ng feather rag."

"Ako na po," pag-aalok ko.

"Hindi na. Baka marumihan ka pa."

"Ako na lang po. Kapag pumunta naman po kasi ako kaagad ng school, maboboring lang ako, eh mas mabuti na po dito, may maitutulong pa ako."

Pagkatapos ng ilang minuto, biglang nagsalita si ate Malou. "Sam, pumasok ka na. Anong oras na oh?"

"Opo, b-bye!"

- - -

Kasalukuyan akong naglalakad sa parking lot ngayon. Bakit dito ako dumaan? Di ko alam. May kung anong magnet ang naghila sa akin dito eh. Atsaka mas feel ko rin dito eh.

Habang tahimik akong naglalakad, nakarinig ako ng malakas na sigaw na dahilan para mapasigaw din ako.

"Miss, tumabi ka!"

"Ay pokers mo ang laki!" sigaw ko habang nakapikit at hawak-hawak ang ulo ko.

Dahan-dahan akong dumilat. Kinapa-kapa ko ang katawan ko at—Yes! Buhay pa ako!

Ng mapatingin ako sa likod ko, may nakita kong kotseng ford na malapit na malapit sa akin. Biglang nanginit ang tenga ko. Balak niya ba akong patayin?!

Agad akong pumunta sa sliding window na katapat ng driver's seat. Kinatok-katok ko iyun. "Sir, bumaba nga po kayo dito."

Nagulat ako ng biglang humarurot yung kotse paalis sa harapan ko dahilan para makalanghap ako ng usok galig sa kotse niya. Grrr. Nang-iinis ba siya?

Agad akong tumakbo papunta sa pinag-parking-an ng kotse niya.

"Hoy! Bumaba la diyan! Huwag kang duwag!," sabi ko pero walang nangyayari, nasa loob pa rin siya at hindi bumababa. Ah, talagang nang-iinis siya, huh? Iinisin din kitang maniac ka.

"Hoy, baliw , bumaba ka diyan!," sabi ko habang sinisipa yung kotse niya, banda sa may pintuan ng kotse niya.

Tanga na kung tanga. Baliw na kung baliw akong tingnan pero masisi niyo ba ako? Eh halos mapatay na ako ng baliw na 'to eh?

"Yuhoo," sabi ko habang kumakaway pero tuluy-tuloy pa rin sa pagsipa. "Bumaba ka na diyan."

Bumalik ako sa katawang lupa ng may biglang lumabas mula sa kotse. Ng mapatingin ako sa mukha niya, Oh my?! Ang gwapo ng anghel na nasa harapan ko! F-feeling ko tuloy nag-slowmo ang paligid ko at humangin. At ng magtama ang mga mata namin, lumapit siya sa'kin.

"Who the f*cking are you?," bungad niyang tanong sa akin.

Automatic na bumalik ang lumilipad kong utak sa ulo ko. Napailing na lang ako sa mga naisip ko kanina. Argh, erase erase!

"Why did you do that stupid, damn thing at my car," sabi niya habang naglalakad sa akin. Ako naman, naglalakad paatras.

"M-magpasalamat ka nga't sa kotse mo lang yun nangyare eh," nauutal kong sabi sa kaniya.

Napatigil ako sa pag-atras ng napasandal na ako sa kotse na katabi ng kotse niya. Nagulat ako ng dahan-dahan niyang inilapit sa akin yung mukha niya at inilagay ang mga kamay niya sa magkabilang gilid ko.

"A-ano bang ginagawa mo?"

"Tell me who the hell are you?," tanong niya habang nakatitig sa mga mata ko.

Hindi ako sumagot. Napatitig na lang ako sa mga singkit na mata niya. Bakit ganun? P-parang n-nahi-hyptonized ako?

"Tell me.." and with that, I felt some hands on my waist. OMG? Dont tell me his..

"Maniac!"Pagkadilat ko, nakita ko siyang nakatayo medyo malayo sa akin at nakahawak sa kanan niyang pisngi. Anyare?

Ng mapatingin ako sa paligid namin, lahat sila na sa amin ang atensyon. Sa hindi inaasahang pagkakataon, automatic na napatakbo ang mga paa ko.

Argh.

Saffire De Guzman, anong ginawa mo?

***

AUTHOR'S NOTE:

Anneyong haseyo, dear viewers and readers! Sorry kung nagmumura ang Leading man ng ating bida. Pero nilagyan ko naman ng (*) eh tuwing may mura. By the way, kamusta ang First chapter? Okay lang ba? Comment & vote ka naman kung hindi mabigat sa kalooban mo. Haha. B-bye na muna!

~Missy





It's him, the Ice Prince (Turtle Update/Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon