#2 2nd Time Around
SAFFIRE'S POV
"Wala ngayon si Profanda kaya vacant tayo ngayon! Yuhoo, party, party!," sigaw ng classmate kong hindi ko kilala ang pangalan. Baka isipin niyong snobber or di ako friendly, huh? Di ko lang talaga si type as my friends kasi nga mga arogante ang mga mayayaman.
Inayos ko na ang gamit ko atsaka lumabas na ng room.
Nagtataka siguro kayo kung bakit 'Profanda' ang tawag nila sa teacher namin noh? Kasi nga raw 'Prof + Tanda = Profanda', 'yan ang sabi nila. Mga walang galang nga kasi.
"Uy, diba siya 'yun?" Napalingon ako sa babaeng nagsabi non. Ako?
"Patingin nga ako. Oo nga, siya yun! Ang kapal naman ng mukha niya para gawin 'yun kay..." Hindi ko na narinig ang mga sinasabi nila dahil nakalayo na ako sa kanila.
Ng makarating na ako sa main gate ng school, pinakita ko sa school guard ang I.d ko sa restaurant na pinagtatrabahuan ko malapit dito. Kailangan kong pumasok dahil kailangan ko ng pera pambayad sa landlord namin.
- - -
"Waiter please!," sigaw ng isang studyanteng madalas na customer namin.
Nandirito na nga pala ako sa resto na pinuntahan ko kanina. Like what you heard, I'm a server or waiter here. Di lang ito ang masasabi kong mga trabaho ko. Marami pa kasi akong racket, at kung anong racket 'yun, huwag niyo ng tanungin.
"What's your order, Ma'am?"
"Hmmm, serve me blah, blah, blah," sabi niya habang sinusulat ko yung orders niyang pagkarami-rami. Hindi na ako magtataka kung marami dahil sa laki ng katwan niya.
"Noted! Just wait for your orders, Ma'am!"
Pumunta akong counter at ibinigay sa kanila yung script ng order kanina ni ate.
Habang wala pang umu-order, kaagad akong tumakbo papuntang Female's CR. Pagkakataon ko na 'to! Kailangan ko ng ilabas ang sama ng loob ko sa maniac na 'yun at tinatawag na rin ako ni Mother Earth.
Pagkatapos kong ilabas ang sama ng loob at makipagbluetooth kay Inang Kalikasan, lumabas kaagad ako. Puno kasi ngayon kaya kailangan ng waiters doon at isa na ako ron.
Napatakbo ako ng may marinig akong sumigaw na customer.
"Where was your f*cking waiter here?!" Agad akong napalapit sa kaniya.
"Im very sorry sir for waiting you long here,"pag-aapologize ko.
Dahan-dahan siyang humarap sa akin. At sa hindi inaasahang pagkakataon, naglaglag ang panga ko at naluwa ang mga mata ko (OA na kung OA pero 'yan ang feeling ko).
"So you're working here, you stubborn," sabi niya sa akin. Ako? Stubborn? >.< "I never thought that damn thing."
"Amm, I'm sorry, sir. We dont have time talking to our customers. Im here to note and serve you orders." Hooh! Nagpipigil lang ako.
"Okay,"sabi niya atsaka umayos ng upo. "Note and serve my orders," he said as he emphasizes the last word.
"Hmmm, I want roasted barbecue and korean brown rice for the main, chocolate mousse for the dessert, and red wine for drinks. How about you two idiots? Whats your order?," sabi niya habang nakatingin sa dalawang katabi niyang lalaki na ngayon ko lang napansin.
"Hindi ako gutom,"sabi ng kasama niyang mukhang matalino at high class. Mukha ring big time ito ah?
"How about you, maniac?," sabi niya sa lalaking nahuli kong nakatingin sa akin.
"Ow, bahala ka. Basta kung tinatanong mo kung ano ang gusto ko, I want this one," sabi niya habang nakatingin at kinindatan ako. Mukha ngang maniac katulad ng mokong na 'to.
Napa-face palm na lang ako sa ginawa niya. -_-
"Hey, stubborn, serve this all for us." Agad nanlaki ang mga mata ko.
"All? As in lahat?"
***
AUTHOR'S NOTE:
Masyado bang maikli? Hays.. sensya naman po. Pagod lang kakalinis ng bahay namin. Oh diba, ang sipag? Hahaha. KAmusta naman ang Chapter #2? Comment ka naman oh? Kahit hindi mahaba basta parang telenovela. Lol!
~Mia
BINABASA MO ANG
It's him, the Ice Prince (Turtle Update/Editing)
Teen Fiction[This story is under contruction! Binago ko po kasi ang flow ng story at pati na rin ang mga Characters] INTRODUCTION "Don't you dare to fall inlove with me," sabi niya habang nilalaro sa kamay niya ang hawak niyang ballpen. "Oh, thank you for remin...