We are heading our way to the abandoned house. Tahimik kaming lahat. Hinahawakan ni Suga ang kamay ko habang nag dadrive habang ako ay nasa tabi niya. Ang mga guards ay nakasunod samin sa likod at may kasama din kaming dalawang guard para bantayan kami. Nasa kabilang sasakyan sina Taehyung, Jungkook pati si Hoseok. Huminga ako ng maluwag. Sana nga ay hindi pa ako huli para makita sina eomma.
Tumigil ang sasakyang nasa unahan namin, indicates na nandito na kami. Unang bumaba ang dalawang guard at binantayan ang paligid ng sasakyan kasama ang iba pang guard. Napatingin ako sa abandonadong bahay. May katandaan na din ito pero malaki siya at pinapalibutan ng ikot ikot na alambre, samahan pa ng malalaking pader. Walang maayos na gate. Isang sirang wooden gate lang at halatang inaanay na.
Hinawakan uli ni Suga ang kamay ko at saka ngumiti. Naunang pumasok si Jungkook, pagkatapos ay sina Taehyung at Hoseok saka kaming dalawa. Hindi namin pinasabay ang guard kahit pa pilitin nila dahil raw baka mapahawak pa sina eomma kapag pumunta pa sila sa loob.
Tahimik. Iyon agad ang bumungad saamin. Nasa loob na kami. Wala kaming makitang gamit, bukod sa mga lumang pinto lang. "Mga tangina!" Sigaw ni Taehyung. Napatawa ng kaunti si Hoseok habang umismir sina Suga at Jungkook.
Lumabas ang apat na nakamaskarang malalaking lalaki. Nakaitim sila at nakatingin saamin. "Sino ang boss niyo? Asan sina tita!?" Sigaw na tanong ni Taehyung.
Wala sa kanilang sumagot bagkus, yung tatlong lalaki ay umalis at hinarap kami ng isang lalaki. "Si jimin." Saad niya, pagtawag sakin. Biglang humarang si Suga sa harapan ko, pati na din ang tatlo.
"No one can touch Jimin." Pagpoprotesta niya.
Nakarinig kami ng ilang sigaw. Bumalik ang tatlong lalaki, hawak hawak sina eomma, appa at Bambam. Halos mapanganga ako at hindi kaya ang nakikita ng may mga sugat sila. Pati ang kanilang mga damit ay sira na. Mayroong blindfold sa mata nila pati panyo sa bibig para hindi sila makapag salita.
"Eomma! Appa! Bam!" Sigaw na tawag ko. Pagkatapos nilang marinig iyon ay pinipilit nilang makatakas pero hindi nila magawa. Halos mangiyak ngiyak na ako.
Susugod na sana sina Suga ng isang lalaki ang sumenyas saming tumigil. Napatigil naman sila. Lumabas ang isang lalaki mula sa dilim. Nakayuko siya pero kita ang ngisi sa mga labi niya.
"Lima pala si Jimin." Halos manlaki ang mga mata ko ng mapamilyaran ang boses niya.
"C-chanyeol!?"
BINABASA MO ANG
Protecting My Jimin || YOONMIN ✓
Romance(COMPLETED)// [U N E D I T E D] Min Yoongi, known for a rude, and badboy of the campus will have a mission. A mission were he needs to protect the one who he really hates(?) for being so inlove with him. [FANFICTION]