Pumasok ako ng may kaba sa dibdib ko. Parang tibok lang ata ng puso ko ang naririnig ko. Binabaybay ko ang gilid ng field papunta sa building namin.
Halos hindi ako makagalaw sa nakikita ng dalawang mata ko.... H-hinalikan ni Morrie si S-Suga. Iniiwas ko ang tingin ko at nakayukong nagpatuloy sa paglalakad.
Parang iiyak ako pero ayaw kong umiyak. Ano kala niya. Tss kahit mag lampungan pa sila sa harap ko, wapakels na ako. Bahala sil-
"Aray naman!" Napahawak ako sa ulo ko ng may matigas na dibdib akong natamaan.
Napantingin ako sa lalaking nabangga ko. Si Chanyeol, may band aid siya sa may pisngi niya.
"S-sorry Chanyeol. H-hindi ko sinasadya." Pagpapaumanhin ko at bahagyang yumuko.
"Its okay. I'm the one who needs to sorry to you. I'm sorry dahil nasigawan kita." Nakita ko sa mga mata niyang seryoso siya. Ngumiti nalang ako at tumango tango.
"Kaano ano mo nga ba si Suga?" Agad na tanong niya. Bigla akong napaiwas ng tingin. "W-wala, hindi ko nga alam yung pinag sasabi niya e. Hehe." Napakamot batok nalang ako at ninenerbyos na tumingin uli sakanya.
"Cute." Nakangiti niyang sabi sa'kin. "Umm hatid na kita sa room niyo?" Prisentang tanong niya.
"Naku wa-."
"Please? Pambawi man lang." Nakangiti niyang sabi. Tumango nalang ako at gumanti din ng ngiti.
Sabay kaming pumunta sa building. Hindi ko inaasahang makasabay namin sa hagdan sina Suga at Morrie. Walang ano mang reaksyong pinakita si Suga at tuloy tuloy lang silang umakyat ni Morrie na nakapulupot nanaman sa braso niya. Nakaramdam ako ng s-selos.
"Jimin? Umm may itatanong sana ako sayo." Napatingin ako kay Chanyeol. "Ano yun?" Tanong ko. "Single ka b-ba?" Bigla ay napatigil ako sa pag-akyat. Pati si Suga. "Babe what's wrong?" Rinig kong saad ni Morrie. Nagpatuloy uli silang dalawa sa pag-akyat.
Tumango ako at nagpatuloy din sa pag-akyat. "Hehe, m-maya ko na sabihin. Sabay tayong mag lunch?" Prisentang saad niya nanaman hanggang nakarating na ako sa tapat ng room. "O-okay." Saad ko nalang.
"Umm, saan room mo?" Takang tanong ko. "Magkatabi tayo ng room. Kaklase ko si Suga."
"Weh?" Natatawang saad ko.
"Ba't lagi kang andun sa office n-- ahhh oo. Hehe, vice president ka pala." Nahihiyang saad ko.
"Sige na. May iba pa din akong gagawin. See you." Nakangiti niyang paalam. Nag wave nalang ako at pumasok na sa room.
-------
"So class, we have a camp by tomorrow. Pakikiisa nadin natin sa gaganaping event dito sa campus. You have to choose partner for camp. Only two, it will depends on you if your partner will be a girl or a boy. Makakasama na'tin ang first section sa gagawin camp kaya kung gusto niyong partner ay nasa first section at parehas gusto niyong maging partner, kindly say to me or the adviser of first section, si Mrs. Raposa. The first section already know this." Mahabang paliwanag ni sir samin. Nagsihiyawan naman ang mga kaklase ko."So, Bambam will not attend our camp, his mother just say na Bambam will transfer to another school." Dagdag niya. Bigla akong nakaramdam ng lungkot. Kaibigan niya ako pero hindi niya iyon sinabi sa'kin. Nakakainis siya ah.
----------
Natapos ang 2 subject at lunch break na. Iniayos ko ang gamit ko at lumabas sa room. Biglang may tumabi sakin. Napaangat ang tingin ko, si Chanyeol lang pala.
"Hi." Saad niya. "H-hello." Sagot ko. "Umm pwede ba--."
"Yes. Ay sorry wait. Ano sasabihin mo? Akala ko kasi yung sapag partner dun sa camp. Hehe." Nahihiyang saad ko.
"Yun nga tinutukoy ko." Saad niya naman. Napatango tango ako. "Akala ko kasi ayaw mo akong maging partner. You know, haha. Ordinary student tapos makikipag partner sa vice president." Dagdag ko.
"Parehas naman tayong estudyante. Saka don't mind it. Umm, palista tayo mamaya. Kanino nalang, sa adviser ko or adviser mo?" Tanong niya. "S-sainyo nalang." Saad ko naman.
May gusto lang talaga ako tignan. Hshshs.
Sabay kaming nag lunch ni Chanyeol. Andito na kami sa tapat ng room niya.
"Sandali, may nakalimutan ako sa canteen. Sige na mauna kana sa loob." Saad niya. "Per-- hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng dali-dali siyang umalis.
Huminga ako ng malalim at pumasok ng room. Pinagtinginan agad ako ng mga kaklase ni Chanyeol. Bigla ay tumayo si Suga.
Wait papunta ba siya sakin? O liliko? O aalis?
"Jimin, tara palista na tayo." Napatingin ako kay Chanyeol habang palapit sakin. Napatingin ako kay Suga na lumiko papunta sa adviser nila. Nakaramdam ako ng lungkot. Lumapit kami ni Chanyeol.
"So who's your partner Mr. Min?" Tanong ni Mrs. Raposa. "Morrie and I." Walang ganang saad niya at umalis pabalik sa kinauupuan niya.
"Oh, hi. You Chanyeol and... what's your name pretty girl?"
"Park Jimin. From the second to the last section ma'am. Eh ma'am, hehe. I'm not a girl po." Nahihiyang ngumiti kong saad. Isinulat niya iyon.
"Tara na?" Tanong ni Chanyeol. "Sa'n?" Tanong ko din. Itinaas baba niya ang isang kilay niya at hinila ako palabas ng room nila.
Dumiretso kami sa likod. Namangha ako sa sa ganda ng garden ng campus. Andaming puno at may mga bulaklak ding nakakalat. Makakapal na grass ang bumabalot pero parang anlambot lambot sa pakiramdam. Hindi ko pa to nadadaanan o napagtambayan man lang. Kung oo, dito nalang ata kami titira ni Eomma.
"Pahingahan ko ang lugar na to." Panimula niya. Tinignan ko siya, nakatingala siya sa mga mayayabong na puno. "Kapag malungkot ako, dito lang ako pumupunta at nawawala agad ang lungkot ko pero...."
"Pero?" Tanong ko. Tumingin siya sa'kin. "Pero mas gusto kitang titigan. Parang nawawala ang lahat ng pagod ko kapag nakikita kita." Humarap siya sakin at hinawakan ang mag kabilang kamay ko.
"Jimin, magmula nung unang pagkikita natin. Nagustuhan na kita. At ngayong nalaman kong wala kang kaugnayan kay Suga ay sinabi ko sa sarili ko na, hindi kita susukuan. J-jimin gusto kita. Ah hindi, mahal na kita Jimin. Mahal na mahal kita." Nabigla ako sa sinabi niya. Nanatiling nakatikom ng bibig ko. Hindi alam kung anong pwedeng ipakitang reaksyon.
«•»
•|02•02•21|•
@love_rx
BINABASA MO ANG
Protecting My Jimin || YOONMIN ✓
Romance(COMPLETED)// [U N E D I T E D] Min Yoongi, known for a rude, and badboy of the campus will have a mission. A mission were he needs to protect the one who he really hates(?) for being so inlove with him. [FANFICTION]