7:30 am papasok na ako ng school ng biglang tumawag ang mama ni elle
Tita Mary: Zein wala na si elle nakita nalang namin yung katawan niya sa damuhan na puro saksak.
Zein: P-po? Pano po nangyari yun (sabay ng pagtulo ng luha galing sa mga mata ko)
Tita Mary: Di ko din alam zein eh gusto ko bigyan ng hustisya si elle.
Pagtapos ng mahabang usapan
Zein: Sige po tita papasok na po ako,punta nalang po ako dyan condolence po tita.
Biglang bumalik lahat ng nangyari kahapon di parin ako makapaniwala na magagawa ni akihiro yun.
"Anong meron sayo akihiro? May tinatago ka ba saakin? Ano pa bang hindi ko nalalalaman sayo? Kilala ba talaga kita? Mga tanong na tumatakbo sa isip ko.
Nakarating na ako sa school at nakita ko sila princess at asiana na hinihintay na ako kay nagmadali na ako ng lakad papunta sa direksyon nila.
Princess: Di ako makapaniwala na wala na si elle mamimiss ko yung mga tawanan natin yung sobrang lakas ng boses nya kapag tinatawag tayo napakabilis ng pangyayari sana masaya na sya kung nasan man siya.
Asiana: Dami pa natin gagawin na masasayang memories pero wala na si elle pano na yung pangako natin na magttravel tayo sa korea..
Zein: Biglaan ang nangyari kay elle di ko manlang siya napagtanggol sinisisi ko yung sarili ko na sana hinanap ko siya na sana tinulungan ko siya pero huli na ang lahat sana masaya na siya kung nasan siya ngayon mamimiss ka namin
Nakaisip kami ng paraan para malaman namin kung sino ang huling kasama ni elle at kung san siya dinala.Nakita namin sila angel at esha na nag-uusap kaya nilapitan namin sila para itanong kung sino ang kasama ni elle.
Princess: Angel alam niyo ba kung sino huling kasama ni elle kahapon bago siya mamatay?
Angel: Si akihiro daw huli niyang kasama sabi nila Mr.airick naririnig ko habang naguusap sila kanina.
Zein: A-akihiro??
Asiana: San siya dinala?
Angel: Sa abandonadong bahay daw dun sa gubat
Bigla akong tumakbo papuntang cr habang umiiyak di ko alam kung totoo ba yung mga sinasabi nila pano magagawa ni akihiro yun.
---------- Flashback ----------
Elle's POV
Kakatapos lang namin mag meeting at habang naghihintay ako ng jeep pauwi may mga lalaking lumapit di ko nakita ang mga mukha nila at biglang tinakpan nila ng panyo ang ilong ko at hanggang sa nawalan ako ng malay dahil sa nakakahilong amoy nito.
Nagising ako sa isang madilim na lugar at nakatali ang mga kamay at paa ko at napapalibutan ako ng tatlong lalake na kumuha saken at biglang may isang lalake na papalapit saakin na may hawak na kutsilyo sa kanyang kamay hindi ko masilawan ang mukha niya dahil natatakpan ito ng hoodie ng jacket at sumbrelo.
"Nalaman ko may gusto ka saken di mo ba alam na pinapatay ko yung mga babae na nagkakagusto saken ngayon baka nagtataka ka kung bakit ka nandito ngayon ipapaalam ko lang sayo huling araw mo na to" Sabi ng lalake na nasa harapan ko
Elle: Bakit masama na ba magkagusto sa isang lalake ngayon
"Aba sumasagot ka pa ha" Sabi nito
Bigla nya akong sinikmuraan at sinundan ng isang saksak sa aking tiyan hindj ako makalaban sakanya dahil nakatali ang mga kamay ko hanggang sa sunod sunod niya na akong sinaksak inuna niya sa tiyan at hanggang sa ginitgitan niya na ako sa leeg.
---------- End of flashback ----------
Princess POV:
Sinundan namin si zein dahil sa biglang pagtakbo nito at nakarating kami sa cr naririnig namin galing sa labas ang hagulgol na iyak ni zein at hinintat nalang namin siya na makalabas ng cr.Di parin kami makapaniwala na gagawin yun ni akihiro dahil napaka close nila ni elle.
Zein: Di ko labis maisip na nagawa ni akihiro yun kase pinagkatiwalaan natin siya kasi kaibigan natin siya pero bakit niya ginawa yun BAKITTT!!
"Ok lang yan zein?! Mabibigyan din ng hustisya ang pagpatay kay elle" Pagco-comfort nila kay zein
Dinala namin si zein sa lugar na alam namin na mawawala ang lungkot niya at pumunta kami sa tagaytay at nagcamping kami at nakatingin lang kami sa langit dahil alam namin na masaya si zein pag nakakakita siya ng mga stars,naabutan na kami ng umaga at umuwi na kame para makapagpahinga at makadalaw sa burol ni elle.
BINABASA MO ANG
My Boy-Bestfriend is a killer
Misterio / SuspensoIn this story is about a man who kills women he knows who likes him so because of that he is looking for a woman he can use to find out the names of the women who like him