SIMULA

20 1 0
                                    

~*~

Mahigpit ang hawak ko dulo ng aking lumang kamiseta habang sinisilip ang nangyayari sa madilim na kalye.Masyadong malaki ang poste kaya sapat para matakluban ang maliit at payat kong katawan.Mula dito ay tanaw ko si Tita Amara,may sigarilyo sa kanang kamay habang nakikipag-usap sa matangkad na lalaki,hindi itim ang kulay ng buhok nito at kahit gabi na ay halatang puting-puti ang balat.

Hindi ko sila naririnig pero base sa mga kilos ng Tita,naisip ko baka ito ang bago niyang asawa.Madikit kasi siya at minsa'y nakikita ko ring hinahawakan siya sa bewang ng ginoo.Sabi ni Ate Isha,yung nagtuturo sa'min sa ampunan,mag-asawa daw ang ganoon.

Napaiwas lang ako ng magdikit ang mga mukha nila.Umatras ako at sumandal sa poste.Hindi ko pwedeng makita 'yon!

Pribado dapat ginagawa ang bagay na iyon kaya bakit..

"Daphne.."

Napapitlag ako at muntikan pang sumigaw sa gulat.Buti nalang mabilis siyang kumilos para takpan ang bibig ko.Dahil mas matangkad siya sa'kin,kinailangan ko pang tumingala.Hindi maipinta ang mukha niya at hindi ko maintindihan kung bakit ganoon nalang ang kaba ko.

Gustuhin ko man na magsalita ay hindi ko magawa.Alam kong nag-iintay siya ng paliwanag ko pero sa huli'y hinila nalang niya ako palayo sa lugar na 'yon.Ramdam ko ang pagmamadali at halata rin ang inis dahil ang bagal ko maglakad.

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?"mariin niyang tanong.

Nilibot ko ang tingin sa paligid at umawang ang bibig.P-playground?

Tama!Nasa playground kami!Yung palaruan para sa mga bata!Lumawak ang bungisngis ko at agad na tinakbo ang kulay dilaw na duyan,hinawakan ko iyon at dahan-dahang tinulak.Hindi ko na naintindihan ang sinasabi niya dahil masyado akong namamangha sa paligid,lalo na sa mga prinsesang nakalarawan sa pader.

"Nakikinig ka ba?Hindi ka dapat basta-basta umaalis!Paano nalang kung may magtangka sayo?Papagalitan ka ni Sister!" patuloy pa rin siya sa lintanya niya habang nagduduyan na ako.

Ito ang unang beses ko na makapunta dito.Wala namang playground sa ampunan dahil maliit lang ang espasyo doon.May kwarto na puro laruan pero madalas ay yung mas bata nalang ang pinapauna.Naaalala ko,kagaya nito yung pinapakitang litrato sa'min ng mga dumadalaw.Nakakatuwa.

"Ito ang unang beses ko dito,Kios."tiningnan ko siya,"Paano mo to nalaman?nakapaglaro ka na dito?Sino kalaro mo?"

Napanguso ako ng mapaisip na baka may nakalaro na siya ditong iba kaya nya nalaman na may palaruan dito.Bakit hindi niya ako sinama?

Natigilan siya at saka lang tumingin sa paligid.Nakita ko ang paglaki ng mga mata niya bago bumalik sa'kin.Sumilay ang maganda niyang ngiti at parang nakahinga ng maluwag.

"Nakita ko lang din to noong isang araw.Isu-surprise sana kita sa birthday mo.Hindi ko napansing dito pala kita nadala."umiling-iling siya at naupo sa tabi kong duyan."Masaya ka ba?"

Tumango ako."Masaya ako!Kaso ano nga ulit yung bitday?"

Mahina siyang natawa,ginulo ang buhok ko bago sumagot.Hindi niya binibitawan ng tingin ang mga mata ko,nakikipagpaligsahan ba sya ng tingin?

"Birthday,Daphne.Iyong kaarawan ng isang tao,malapit na iyong sayo diba?"

Ah birthday!Oo nga pala sabi ni Sister Gela,ilang tulog nalang kaarawan ko na.Kaya madalas akong matulog sa tanghali para mapalapit iyon.Buti pa si Akakios,natandaan niya.Sabagay,palagi naman siyang imbitado e!Siya ang unang nakakaubos sa fried chicken dahil paborito niya!Kahit bilang yon ay nakakatatlo siya.

Embrace HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon