~*~
"Daphne,ikaw na muna ang magbuhat kay Seya.May klase si Ruth ngayon."
Natigil ako sa pagbabasa ng libro at tumango kay Ate Leah.Gusto ko sanang sabihin na nagre-review pa ako kaso baka magalit siya.Mainitin kasi ang ulo niya pagkatapos takasan ng nakabuntis sakanya,alam kong marami siyang iniisip at ayaw kong dumagdag pa.Mamaya nalang gabi siguro ang pag-aaral ko,magpupuyat nalang ako.
"Daphne!Nalimutan mo na kuhanin ang mga sinampay ko!Malalagot tayo kay Sister!"sigaw naman ni Valerie sa may pinto,pawisan at mukhang galing sa plaza.
Napabuntong-hininga ako.Wala naman siyang binilin sa'kin at isa pa..hindi ko damit 'yon.Ang gulo-gulo pa nga ng kwarto namin dahil hindi siya marunong magtiklop ng mga gamit niya.Ilang beses ko siya niyayang maglinis kaso tinatamad raw siya at busy.Hindi pa naman ako sanay ng hindi malinis ang silid.
"Sorry,Val.Nawala sa isip ko,may quiz kasi kami bukas kaya nagre-review ako." ngumiti ako at nagpeace-sign,umirap lang siya at tumango.
Mabait naman siya,mataray lang madalas.
Tinabi ko ang libro ko sa bag tapos lumabas na ako ng kwarto.Nasa may sala palang ay napatigil na ako,maiingay ang mga maliit na bata at nag-aagawan sa lumang laruan.Mula ng mamatay si Sister Gela,parang napabayaan na rin ang Ampunan.Buti nalang tumutulong si Tita Amara sa'min kahit hirap na rin siya.
Grabe ang iniyak ko sa burol ni Sister Gela.Sa lahat ng mga madre dito,sakanya ako palaging dikit.Pakiramdam ko tuloy..lahat ng malalapit sa'kin,iniiwan ako.Napagod na siguro sila sa'kin kaya umalis sila?Hindi naman ako nakakapagod,mabait na kaya ako.Natawa ako sa iniisip at lumapit nalang sa crib ni Baby Seya.
"Ito na yung gatas oh.Magtitinda ako ng kakanin sa bayan,mabenta to ngayon e." inabutan ako ni Ate Leah ng fifty pesos,pinilit niya iyong ipatago sa'kin.
"Ayan.Baon mo."sabi niya,"Ayokong binibigay mo yung baon mo sa mga bata ha.Meron naman sila e."
Tumawa nalang ako at tumango sakanya.Ako ang nagbuhat kay Seya para patulugin.Nakakalungkot lang isipin na lalaki ang batang to na walang kumpletong pamilya.Imbis na sa tunay na bahay tumira,sa Ampunan.
"May pera pa naman ako,'Te.Saka iniipon ko yung allowance ko para hindi naman laging ubos dito sa atin " ngumiti ako, "Lumalaki na ang mga bata.Tumatakaw na."
Hilaw siyang natawa at pinisil ang pisngi ko.Binitbit niya ang isang malaking bilao bago humalik sa noo ng anak.
"Bata ka pa rin naman, Daphne.Magte-trese ka lang diba?" tumango ako sakanya.
"Mamaya pagdating ko,gusto ko maglaro ka.Kapag may sumobra sa kita,bibilhan kita ng bagong damit!Yung usong dress!" pinakita niya sa'kin ang maliit niyang bag na lagayan niya ng pera.
"Wag na--"
"Tsk.Basta!Sige na,aalis na ako.Ikaw na bahala sa anghel ko ha."
Hindi ko man sabihin sakanya,alam kong alam niya na naiinggit ako sa ibang batang naglalaro.Hindi na kasi ako nakapaglaro pa sa mga nagdaang taon.Parang bigla na lang paggising ko,pakiramdam ko hindi na ako bata.
Saka gustuhin ko man kasing sumali,kailangan kong mag-aral.Magaling na ako magbilang!Sabi ng teacher namin,magaling daw ako sa English at sa Math.Gusto ko manatili iyon kaya madalas ay nagre-review ako.
Sabi nila Valerie,ang aga ko raw mag-mature.Siguro napansin nila yun tuwing nakakaisip ako ng solusyon sa problema.Hindi na rin ako pala-laro at malikot.Natuto akong pumirmi at hindi umaasa sa iba.Mahirap palang maging dependent sa iba e, kailangan kaya ko ang sarili ko para hindi ako manibago kapag ako nalang.