-2-

37 3 0
                                    

"Uy Panget!" Grrr. Ayan na naman siya nakakapikon na lagi na lang akong sinasabihan pangit at hindi lang yun inaasar lagi! Sarap bugbogin ng halik! 'de joke!

"Uy Panget wag kang maginarte diyan di bagay sa mukha mo!" Itong asungot na to! Kung hindi ko lang mahal to nakuuuu!!! Oo, tama kayo ng nabasa mahal ko siya kasura ano! Sakaniya pa nahulog! Alam ko namang wala akong chance sa kaniya.

Ang pangaasar niya lang yung way ko para maging kahit papaano close sa kaniya oh diba! Blessing in disguise lang ang peg!

"Uy Panget? Bakit ka panget? hahahahaha" sabi nanaman niya. Siya lang naman si Tofer. 

"Uy Asungot! Bakit ka mukhang asungot!" ganti ko nanaman. Ganyan lang kami araw araw asaran lang to the max. Hahaha. Way ko na din to ano!

Dear Diary,

Inasar nanaman ako ni Asungot! Pero kahit na napipikon ako ayos lang mas madaming percent naman yung kinilig ko dahil kinausap niya ako. It's better than nothing na diba. 

-TPWLT 

(Feb. 12, 20xx)

Ay di pa nga pala ako nagpapakilala sa inyo hehe peace. >.<v

Ako nga pala si Zoe Claire Go. Ang babaeng nagmamahal kay Tofer Derrick Sy. Haha echos! 

 "Uy Panget! Anong nginingiti mo diyan? 'di bagay!" sabi ni Tofer. Sino pa ba >.>

"Pakealam mo! Mind you own business!" sabi ko. Tinatarayan ko siya para hindi halata na kinikilig ako dahil nandito siya sa tabi ko. >///////<

"I'm 100% sure na wala kang kadate sa valentines!"

"Eh ano naman! Pakealam mo!"

"Sabi na nga ba! Nakuu walang makikipagdate sayo sa mukha mo bang yan! hahahaha" mahal ko to kaya lang minsan sobrang napupuno na ako dito nakuuuuu! Pigilan niyo ko!!!!

Dear Diary,

Nakakasura talaga si Asungot sabi ba naman wala daw makikipagdate saakin dahil daw sa mukha ko! Nakakasura na siya diary. Kung hindi ko lang talaga siya maha nakuuu matagal na yang wala sa paningin ko......dahil nasa puso ko na siya! Hahaha 'chos!

-TPWLT

(Feb. 13, 20xx)

Guys thirteen na bukas na ang valentines hihi excited na akoo!!!!

"Uy Panget talikod ka nga!" sabi ni Tofer. Tumalikod naman ako.

"Yan tapos na humarap ka na!" 

"Bakit ano bang ginawa mo?" sabi ko.

"Basta!!! *insert a devilish smirk here*"

"Ge alis na ako bye!" sabi niya sabay alis. Ano nangyari? Ano kayang ginawa nung asungot na yun.

Anyways isusulat ko na lang yun sa diary ko. *Bukas ng bag* Nasaan yung diary ko! *kalkal dito kalkal doon, tingin dito, tingin doon* huhuhu nawawala diary ko!!! Nandoon pa naman lahat ng secrets ko simulat sapol. Lahat ng feelings ko toward Tofer nakasulat doon! Huhuhuhu

(Feb. 14, 20xx)

Ang sama ng valentines ko! Nawawala yung diary ko! Huhuhu baka mabasa yun ni Tofer!!!! Absent na lang kaya ako? Ay bawal may quiz nga pala :"""((

Pagdating ko sa school. Nakakasura lang huhuhuhu wala ako sa mood pumasok!!! But, I can do this fighting!!!

"Dear Diary, Nakita ko ngayon si Tofer. Kinausap pa nga ako eh. Kaya lang tinawag nya akong pangit. Nakakaiyak lang ha! -TPWLT" sabi ni kuya. Halaa baka nasakaniya yung diary ko! Lalapit sana ako kay kuya pero umalis! Kasura naman oh! Huhuhu may nakabasa na ng diary ko!!!!

Naglakad lakad lang ako ng konti papunta classroom ng may narinig ako "Dear Diary, Kinausap nga ako ni Tofer. Inasar naman niya akong pangit. Kaya nasabihan ko siyang asungot! Basta from now on pag tinawag niya akong pangit tatawagin ko din siyang asungot. -TPWLT" sabi ni ate. Lalapit na ako sana kaya lang umalis. Parang si kuya lang. Wait! Ibig sabihin niyan nabasa na nila yung diary ko huhuhu!!!!! Nasaan na ba yun!!!

Nasa may hagdan na ako. Nasa 5th floor pa kasi classroom namin. Nakakapagod grabeee. " Dear Diary, Inaasar na naman ako ni Asungot! Yes, siya si Tofer hihihi. Pero nakakasura talaga sarap niyang bugbogin. ng halik hahaha. Pero minsan napipikon na talaga ako. -TPWLT" sabi ni kuya o ate? ah basta nung bakla! Lalapitan ko din sana kaya lang katulad nina ate at kuya tumakbo din siya.

On the way ko sa 5th floor. Puro mga letters ko sa diary ko ang mga sinasabi ng tao. At pag naman lalapit ako sa kanila tatakbo sila. Bale malapit na ako sa classroom. Lahat nabasa at nasabi na ng mga nakasalubong ko lahat ng entries ko sa diary. Kasura naman oh!

Pag dating ko sa classroom nakita ko yung classroom namin puro balloons at mga hearts hearts. "Dear Diary, Grabe ngayon lang ako nakapagsulat sa ganito. Alam mo ba nilakasan ko na ang loob ko na kausapin si Zoe. Kaya lang nasabi kong pangit siya. Pero ang totoo niyan napakaganda niya siya ang pinakamaganda para saakin. Simula noon inasar ko na siyang pangit. At simula noon napapalapit na siya saakin. Araw araw nahuhulog lalo ako sa kaniya. Lakas talaga ng tama ko kay panget. Mahal na mahal ko talaga yun. Ang pangaasar na lang kasi ang naisip kong paraan para mapalapit sa kaniya eh. Paraparaan lang yan. Pero seryoso I love her and I always will -TPWLZ"

Pagtingin ko kung sino ang nagsalita nun. Napangiti ako. This is so unexpected. Nagets ko na lahat. Kaya niya pala ako pinatalikod. Kinuha niya ang diary ko! Pero para saakin ayos na yun kung siya naman atleast ngayon alam na niya. Siya lang naman si

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

Tofer Derrick Sy. Ang lalaki na mahal na mahal ko si Asungot.

Kung tatanungin niyo kung ano ang ibig sabihin nung TPWLT napaka dali lang naman nito very simple. Ang ibig sabihin lang naman nito ay ang 'The Person Who Loves Tofer'. Totoo yan mahal na mahal ko siya pero yung inaakala ko na imposible napakatagal na palang nangyari hanggang ngayon.

Dahil sa diary na yan eh. Nalaman niya. Dahil sa diary na yan nagkaaminan na. I owe a lot to that diary.

"Zoe. Claire. Go. I love you so much." sabi niya habang papalapit saakin. "Will you be my girlfriend?"

Akala ko noon sa pangarap ko lang to mangyayari pero ngayon nangyari na. I love Tofer Derrick Sy and will always love him. "Yes Tofer. Yes Asungot!"

"I love you Panget! I love you so much Zoe!"

(Sorry po kung panget! Alam ko po hehehe tinry ko lang naman hehehe Happy Valentines nga pala!!! February 13 ngayon at iniisip ko na gumawa ng mailing one shot kaya ito na yun. Hehehe Happy Birthday to me nalang!!! Abangan niyo po yung ibang one shots! Paghuhusayan ko na dun sa iba. Product po ito ng pagiging bored. Love Lots!)

Ang Love Story Ko (Collection of One Shots)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon