Hindi ko naman talaga siya gusto.
Sinabi ko lang naman yun, pero hindi totoo.
Pero anong nangyari?
Bakit nahulog ako?
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Uy Savannah! sino crush mo?" tanong sakin ni Zoe.
"Oo nga Savannah sino?" sabi ni Crystel.
"Ha si ano si Marcus. Hehehe" sabi ko pero sa totoo lang si Zylen naman talaga. Sinabi ko lang naman yun para hindi nila malaman kung sino talaga crush ko. Secret lang natin yun ha!
"Ayieeeee!!!" sabay na tukso sakin nina Zoe at Crystel.
Isa yan sa dahilan kung bakit ayaw kong sabihin sa kanila kung sino talaga ang crush ko. Wala eh mabubuko ako pag ganun.
-------------------------------------------------
Simula noong araw na yun pag tinatanong nila kung sino ang crush ko si Marcus ang sinasabi ko para hindi nila malaman na si Zylen naman talaga.
Pero isang araw may di inaasahang nangyari.
Alam niyo kung ano?
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Nahulog ako. Hindi kay Zylen kundi kay Marcus.
Hindi naman to kasama sa plano eh. Ang sabi ko lang sasabihin ko na crush ko si Marcus pero ang totoo niyan si Zylen ang crush ko. Pero ano ngayon,
kay Marcus ako nahulog....
Pinakamasaklap pa nun ay wala naman yata siyang pakielam saakin. Bale wala ako sa kaniya isang kaklase lamang. Pag may kailangan doon palang siya magpaparamdam.
Kaklase ko siya pero hindi kami close. Kilala niya ako pero hindi kami masyadong nagiimikan. Pano ba yan ano nang magagawa ko nahulog na ako eh.
'Accidentally in-love' ang peg ko ngayon...
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Uy kilala niyo ba yung crush ni Marcus?" sabi ni Dwight.
"Eh may crush si Marcus? Uy sino uy dali Dwight" sabi ni Bea.
"Uy doon tayo baka marinig tayo ni Savannah." sabi ni Dwight. Sabay alis kasama si Bea.
May crush si Marcus!!! huhuhuhu!! Wala na ba talaga akong pag-asa?! Sana di ko nalang sinabi na crush ko si Marcus para hindi ako nahulog ng walang sumasalo.
Wala na eh it is too late. Puro sana na lang.
~Sana di ko na lang sinabi noon
~Sana wala na lang akong sinabi ko noon.
~Sana iba na lang ang sinabi ko noon.
~Sana hindi na lang ako nahulog sa kanya ngayon.
Dahil lang sa isang maliit na pagsisinungaling nangyari yun.
Dahil lang sa maliit na dahilan na hulog ako.
Dahil lang doon sa katangahan ko nasasaktan na ako ngayon.
BINABASA MO ANG
Ang Love Story Ko (Collection of One Shots)
RomanceItong book na ito ay puro one shot. Each chapter may iba't ibang love stories. Sana magustuhan niyo!