-4-

23 3 0
                                    

I love him so much that I have to let him go...

Bea's POV

"Bea tara na sa ospital. Magpapacheck up pa tayo." sabi ni Mommy

"Ok po mommy tara na!" sabi ko ng nakangiti.

Lagi namang ganito paulit ulit nalang kaming pumupunta sa isang ospital para lang icheck kung ayos lang ba ako.

Pagkadating namin sa ospital nakita ko nanaman siya. Ang pogi niya talaga! Kailan niya kaya ako makikita?

"Hi Art!" masayang bati ko sa kaniya.

"Oh Bea kamusta na ang tagal na kitang inaantay na dumating para sa check up mo. Ano ayos ka na ba?" tanong niya saakin ng nakangiti.

'Di mo aakalain na bulag siya sa totoo lang mehehehe I can feel the love. Oo mahal ko siya at handa akong alagaan siya. 

Hindi naman siya inborn na bulag nagka car accident lang sila ng pamilya nila ayos naman ang mga magulang niya siya lang talaga...

"Bea tara na inaantay ka na ng doctor mo." sabi ni mommy. Naku naman mommy epal nag momoment kami ni Art dito eh hehehe. joke!

"Sige Art pa check up lang ako ha!" 

"Sige Bea! Umalis ka na!"

"Wag kang excited ito na oh naalis na bye!" 

Ang cute niya talaga! Bagay na bagay talaga kami ni Art! Area feels!!!

"Good news Bea! Magaling ka na! Hindi mo na kailangang mag pa check up halos every week!" masayang sabi ni mommy.

"Talaga mommy sige sasabihin ko kay Art matutuwa yun para sakin!" sabi ko sabay alis.

 Pagkakitang pagkakita ko kay Art tumakbo na agad ako sa kaniya.

"Art good news!" masayang sabi ko

"Bakit ano yun Bea?"nagtatakang tanong niya saakin

"Magaling na ako! 'di ko na kailangang pumunta dito lagi 'di na ako pabalik balik dito sa ospital!" sabi ko sa kaniya

"Talaga Bea! Congrats!" sabi niya ng nakangiti pero alam kong may bahid yun ng lungkot.

Oo nga naman since magaling na ako 'di na ako makakapunta at makakabisita sa kaniya ibig sabihin nun di ko na siya laging makikita. 

"Kaya nga Art magpagaling ka para makita mo na ako!" sabi ko sa kaniya at ngumiti lang siya saakin.

"Art tara na alis na tayo! Oh Bea ikaw pala! Magpaalam ka na Art kay Bea." sabi ni Tita Ana mommy Art.

"Bea aalis na kami." malungkot na sabi niya

"Oh sige Art! Promise ko sayo bibisitahin kita dito palagi!" sabi ko

"Sorry Bea pero di mo na ako makikita sa Amerika na kami titira at dun na din ako magpapagamot. Alam mo Bea mamimiss kita!"

"Art please naman oh! Art Alam mo mahal na mahal kita! Please wag mo akong iwan ayos lang kahit bulag ka at hindi na makakita pa aalagaan kita!" sabi ko hindi ko na mapigilang umiyak. Alam mo yung feeling na aalis na ang taong mahal mo at hindi mo alam kung kailan babalik o kung babalik pa ba.

"Alam mo Bea mahal din kita pero sorry talaga Bea." sabi niya at tinulungan na siya ng nurse na umalis. 

"Please don't go." mahinang sabi ko kung pwede nga lang pero hindi pwede it's for the better.

5 years later

"Bea tara na dali! Excited na akong pumasok makikita ko na ang Hubby ko dali!" atat na sabi ni Hailey.

Kaya nagmadali na ako. Pag pasok pa lang namin ang dami ng tao.

"Uy Girls balita ko may poging transferee daw!"

"Oo nga eh balita ko sa section 1 daw yun."

Eh may transferee at kaklase pa namin pogi din. Pero walang makakatalo kay Art ko oo KO wala eh walang basagan ng trip.

Speaking of Art kamusta na kaya siya 5 years ko na pala siyang di nakikita. Sana magaling na siya. Ngumiti lang ako a bitter one.

"Uy Bea anong iniisip mo diyan uy time na nag ring na ang bell!" sabi ni Hailey at kinaladkad ako papuntang class room.

Pagkaupo namin siyang pagpasok ng teacher namin.

"Hello everyone. May bago kayong kaklase. Mr. Sy come in." sabi nung teacher at may pumasok na anghel at parang nag slow motion lahat.

It cannot be.

.

.

.

.

.

si.

.

.

.

.

.

Art.

"Hello everyone I'm Art Angelico Sy! Nice to meet you all!" sabi niya.

"Miss Aldovino."

"Yes ma'am?"

"Since you are the class president ikaw ang mag tour kay Mr. Sy sa buong school. Understand?"

"Yes ma'am."

Bla bla bla di naman ako nakikinig bothered pa rin ako sa nangyari. Si Art kaklase ko na Nakakakita na kaya siya? 

"Uy Bea una na ako ha! Mag lulunch na kami ni Hubby eh."

"Sure may itutour pa ako eh see you!" sabi ko at ngumiti

"Hi Bea! is that right?"

"Yes Art. Long time no see."

"I know." sabi niya

WAIT ano daw 'I KNOW' so ibig sabihin nun natatandaan niya pa ako!

"Bea magaling na ako! Nakakakita na ako!"

"Mabuti naman yun Art! Namiss kita!" sabi ko sa kaniya at yumakap d\'di ko mapigilang mapaluha. Sa wakas ang taong mahal ko nasa tabi ko na biruin niyo 5 years ko na siyang di nakikita.

"'Di ka parin pala nagbabago. And that's a good thing." sabi niya at ngumiti.

Miss na miss ko talaga to

"Tara sa gym."

"Sige kung yan ang gusto mong puntahan natin."sabi ko bakit kaya sa gym pa naisipan nito.

Pag dating namin sa gym puro picture ko ang nakikita ko. From 5 years ago until now.

"Alam mo ba nag hire pa ako ng taga picture kasi pag gumaling na ako makikita ko ang maganda mong mukha." sabi ni Art.

Omg kinikilig ako! Grabe naman to!

"5 years ago sinabi mong mahal mo ako at sinabi ko din na mahal kita pero kailangan kong umalis para magpagamot and I won't waste this chance to say that I. Love. You ." sabi niya at lumapit saakin at binigyan ako ng rose.

"I have to let you go kasi alam kong kailangan and now that you're back I won't let you go. I will never let you go. I love you Art."nakangiti kong sabi.

Totoo yung saying na 'if you love someone set them free. If they come back they're yours; if they don't they never where' And since bumalik siya saakin. He is mine.

Simple lang ang love story ko it might be boring pero umpisa pa lang ito. Our love story has to start somewhere at ito na yun. 

Ito ang love story ko.

(A/N: Sorry sa errors tinatamad po akong mag edit sorry kung boring lang ito. This is a product of boredom. Sana magustuhan niyo po! Love Lots!!!)

Ang Love Story Ko (Collection of One Shots)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon