Chapter 39

59 27 2
                                    

hindi ko mabuksan ang mga mata ko kahit anong gawin ko ay hindi ko magawa. ramdam ko ang isang marahang haplos sa ulo ako, isang dampi ng halik at paghawak ng mainit na palad sa kamay. gustong gusto ko malaman kung sino siya pero hindi ko mapagtagumpayan ang humihila sa akin para matulog ulit.

"wake up please." sabi ng tinig sa tenga ko. 

narinig ko ang garalgal nitong boses at pagsinghot kaya naman naisip ko na baka umiiyak ang lalaki pero hindi ako sigurado dahil nilamon na muli ako ng kadiliman.

"dalawang araw na siyang tulog, ang sabi niyo sa akin ayos lang siya pero bakit hindi parin siya nagigising?" maririnig sa tinig niya ang galit.

unti-unti kong minulat ang mga mata ko, nasisilaw ako sa liwanag na nagmumula sa bintana. puro puti ang nakikita ko, medyo masakit ang ulo  ko noong gumalaw ako para tignan kung sino ang galit na nilalang sa gilid ko.

una kong nakita ang nurse sa pinto at napatingin din ito sa akin. nasa ospital ako?

"sir gising na po ang pasyente" wika nito at lumapit sa akin para masigurong mulat na ang mata ko. "tatawagin ko po si Doc suarez"

Nakatayo si maverick sa tabi ko habang ini-inspection ako ng doktor. Naiilang ako sa pagkakatitig niya sa akin, seryoso ang mukha niya at hindi inaalis ang mata sa ginagawa ng doktor.

"Let's run another test" sabi ni maverick.

Napakamot ang nurse sa gilid at napabuntong hininga ang doktor

"Mr. Mendeja there is no need for another test she's fine. i told you already hindi malaki ang sugat niya 2 stiches lang ang inabot and the reason why hindi siya nagising agad is because bumabawi ang katawan niya sa pagod."

Hindi ko alam kung ano ang nangyayari dahil mukhang pagod na pagod na ang doktor kausapin si mav at pinipilit nitong maging magalang, si maverick naman disidido sa mga plano niya.

"How will i know na okay lang talaga siya?"

"Because i said so" sabi ng doktor, may binilin siya sa nurse bago tuluyang umalis sa kwarto.

"Paano kung mali siya magpapa-second opinion tayo"

"Stop that" banta ko.

sinulyapan niya ako at napailing. naging tahimik ang mga sumunod na araw hindi ko alam bakit pero parang ayaw niya akong kausapin ng matino. sa tuwing mag open ako ng topic ay iwas siya o kapag may tinatanong ako ay iling at tanong lang siya.

"yow lamok!"

naibuga ko ang iniinom dahil kay ailie, pagpasok palang nito sa kwarto ay nakangiti na ito sa amin. ang dalawang kamay niya ay nasa likod at may hawak na.. baseball bat?

"lamok?" kunot noong sabi ni maverick.

"yeah.. ikaw ang lamok nito hind ba?" turo niya sa akin gamit ang baseball bat.

"oh okay.. ailie ibaba mo nga iyan" saway ni hannah.

"baby boy kamusta na ang honey mo?" si Doc steven na kakapasok lang. "is that? baseball bat?"

ngumiti ang boss ko bago ibinigay ang hawak kay Doc steven at lumapit sa akin.

"paano mo ito napasok sa hospital?" 

nagtataka ang Doctor nagkatinginan nalang kami ni hannah at napailing. si ailie pa ba?

"so? minatamis na lamok ka pala?"

"aleng bungaga mo"

"bakit? ano ba ang lamok na nilagyan ng honey hindi ba minatamis na lamok?"

The Unforgettable ConflictTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon