Dedicated to my sisterette dahil siya unang nakapansin sa bagong ko story at siya din unang nag comment dito. LOL! Ito po ang sinasabing wattpad family heirarchy!! Hahaha
Please read the author's note sa baba para sa explanation sa edad ni Anee. Salamat po.
---------------------------------------------------------------------------------------------
Action 1---Ang Pader---
"VICTORIA ANEESTAZIA MAKAHIYA --DAVAO--
-----WELCOME to MANILA ------
------ LUCY PEREZ -------" basa ko sa placard na hawak hawak ng isang lalaki. Tapos lumingon lingon muna ako, baka ibang tao yung inaantay ng lalaki. Pero nang wala akong ibang nakitang lumapit sa kanya, dun pa ako lumapit.
"Hello po sir, ako po nang nasa placard nimo" medyo nahihiyang sabi ko at tinuro yung nakalagay na pangalan sa placard at sarili ko. Tapos nabisaya ko pa talaga. Palpak Anee >.<. At tiningnan pa talaga ako ni kuya o manong mula ulo hanggang paa. Bakit? Masama ba sout ko? Eh sabi kasi ni Leena malamig daw sa manila, kaya dinoble ko yung damit ko. Tska malamig naman talaga sa eroplano kanina, nagkumot pa nga ako e.
"Ikaw si...Aneestazia?" parang hindi pa makapaniwalang tanong ni kuya.
"Opo, ako po si Anee..ngano man sir?" tumango tango pa ako habang sumasagot.
"Ah wala..sige halika ka na. Tsaka nasa Manila na po kayo, at hindi po ako bisaya. Anee"
"Ay, *o bitaw* este opo, pasensya na po kayo sir." kasi naman Anee, pagtagalog lage!
"Ok lang yon. Sige bilisan mo diyan at hinihintay na tayo ni Maam Lucy."
"Opo sir."
Tapos kinuha ni kuya yung dala kung gamit, at lumabas na kami ng airport at nagtungo sa isang nakaparadang van sa labas.
Pagkasakay namin, umalis narin kami. Habang nasa daan, tumitingin tingin ako sa mga nadadaanan naming lugar. Ang laki pala ng Manila noh? Pero ang dami ring sasakyan, grabe ang traffic. Akala ko matraffic na sa Davao yun pala mas grabe dito, usad pagong kami ni kuya. Minsan nga napapamura na si Kuya sa bagal ng usad. Grabe lang.
"*May paman diay sa Davao ani oi.*" wala sa sariling nabanggit ko.
"May sinasabi ka Anee" tanong ni Kuya.
YOU ARE READING
I am Maid for you, Sir! (Montecarlo Series: Book 2)
Teen FictionSi Anee, simpling probinsyana. Naging personal maid ni Storm, super sikat na Philippines young actor. Si Storm inglisero at impatient, si Anee? Bisaya na slow pa! Sino kaya ang unang susuko sa kanila? Sino kaya ang magbabaon ng bulak at magpaparese...