Scene 27- RIP Tiks.

37K 495 257
                                    

Action 26- RIP Tiks.

"Oh Aneecute anong nangyari sayo? Bakit mukhang pagod na pagod ka?" tanong ni Kiev pagkakita sa pawisang Alien na naka upo sa may swimming pool.

"Wala sir, pinagod ko ni sir Storm mag jaging. Grabe kaayu!"

"You went for a jog? Bakit parang galing ka naman yata sa marathon." hindi kasi ito mukhang galing mag jogging.

"Eh kasi sir, gi pamarathon talaga ako ni sir Storm. Hindi na naawa sakin si sir talaga." medyo naka simangot pa ito sa kanya.

"Pfft! Kawawa naman ang Aneecute ko. Anyway, gusto mo bang maligo?"

"Ayaw sir. Wala na akong energi mulangoy. Sige sir ah, maligo muna ko sa kwarto."

Tapos iniwan na niya si Kiev sa may pool. Naligo na siya't nagbihis. Kailangan narin kasi niyang mag prepare ng agahan ng mga amo niya. Lalo na't nandito na si sir Storm niya.

Kasalukuyan siyang nagluluto ng fried rice ng tumunog ang landline nila sa bahay. Nagulat pa nga siya dahil miminsan lang naman kung mag ring ang teleponong yun. Lahat kasi ng tumatawag sa kanila celphone ang gamit.

Pinatay muna niya ang stove bago pinuntahan at sinagot ang telepono.

"Hello" sagot niya dito.

[Yes, Hello. Can I speak with Chastain?]

Sagot ng magandang boses na babae mula sa kabilang linya.

"Hello..wala pong Sasten na nakatira dito maam. Sino po pala sila?"

[Oh Im sorry. I mean Storm. Can I speak with Storm?]

"Ah si sir. Teka lang po maam ha, tatawagin ko lang. Sino po ka pala?"

[Nadia. Thank you.]

Hindi niya alam kung bakit bigla siyang kinabahan ng marinig niya ang pangalan ng babae. Parang sumikdto din ang puso niya. Tapos sa tono ng boses nito parang kilala na nito sir niya. At na alala narin niyang may Chastain nga pala sa pangalan ni sir niya.

"Ah sige maam Nadia. Tatawagin lang naku si sir. Wet lang maam.."

Tapos nilapag muna niya ang telepono sa coffeetable na kinapapatungan nito at umakyat sa taas.

Kumatok muna siya sa kwarto ni sir niya bago sumilip. Mahirap na kasing basta bastang pumasok, baka utusan na naman siyang mag marathon bukas.

"Yes Alien?"

"Ah sir. May naghahanap po nimo sa telepono sa baba."

"Me? Sino naman ang tatawag sakin sa landline?"

"Na--Na--Nadi-a daw po sir."

"What? Are you sure Alien?" halatang nagulat ito sa pangalang binanggit niya.

"Opo. Sure kaayu sir. Bakit man sir?"

"Nothing." tapos lumabas na ito ng kwarto. Sumunod naman siya agad dito dahil may niluluto pa nga siya.

Pagbaba niya nakita niyang nakikipag usap si sir niya sa telepono pero parang galit yata ito. Nakakunot kasi ang noo nito. At halatang nagpipigil lang ng galit. Nakyuryus tuloy siya kung sino ba yung Nadia na yun.

"If you want to come back, then come back. You dont need to constantly calling me." ani Storm sa kausap niya.

[Chastain, I just want you to know im coming back.]

"Ive known that for a while. And I told you. Stop calling me Chastain."

["But I want to call you Chastain. Come on Chastain, stop getting mad at me. You will see me soon. I want us to be in good terms when I come back.]

I am Maid for you, Sir! (Montecarlo Series: Book 2)Where stories live. Discover now