chapter six

132 3 0
                                    

"YETI!"

  pinanood ni Juliet kung paano makipagtulukan si Trigger sa mga taong nakasalubong nito habang tumatakbo ito palapit sa kanya. hindi niya akalaing ang pinaghirapan niyang niyang e-pracise na galit at pagtatampo ritp ay mawawalan ng silbi pagkakita niya pa lg rito. Ang guwapo namn kasi talaga nito. tila ba walang sinuman ang puwedeng tumanggi sa presensiya nito. Lalo na ang puso niyang una naakit dito kahit hindi naman ito nang-aakit.

  "Hay!" Hinihingal pa nitong sabi sa kaniya. "Sorry. an-excite lang ako nang makita ka roon sa 2nd floor."

  "see that? Napakainsente ng mga sinabi niiya pero hindi niya mapigilang maakit ng husto rito. Mabuti na lang at may paraan siya upang iwasan ito.

  "nasaan si Trigger?" parang dusto niyang karatehehin ang sarili nang makita ang pagguhit ng hhinanakita sa guwapong mukha nito.

  Ngunit bago pa siya makabawi ay umaliwalas na ang kaniyan mukha, saka ginulo ang buhok niya. "ang ganda mo ngayon ah. Magpapangit ka ngang kaunti. Baka mapa-away ako nang wala sa oras dahil sa iyo.

  She walked away from him. Pero pinigilan siya nito sa braso. "I'm Trigger. Anong patunay ang gudto mo?" Itinaas nito ang kamay. "Singhutin mo'ng kili kili ko. Mas mabango ako kay Jigger. Para na rin maging close tayo.

  "What?"

  binawi niya ang braso rito, saka lao pang lumayo. Hindi na siya pinigilan nito pero ninarangan naman siya nito.

  "Okay, may problema ba, Yeti?" tanong nito. "Parang distracted ka masyado. At asar na rin. May nang-harras ba sayo? Ituro mo sakin at nang maupakan ko." Lumikinga pa ito sa paligid. "Ano? nasaan ang gunggong na iyon?"

  "Wala"

  Binalingan uli siya nito. "kung ganon, bakit parang hindi maganda ang mood mo? Ayaw mo ba akong kasama ngayon?

  Doon bumigay ang puso niya. Syempre, gudto niyang makasama ito. He was the boy of her dreams. Kkaya lang, hindi niya maiwasang magtampo sa kaalamang my ibang babae na ito sa buhay nito.

  "Sorry kung tinawag kitang "Jigger" kanina."

  "Okay lang. Alam ko iyon. Kahit kailan, hinding-hindi mo ipagkakamali ni Jigger." Lalo pa itong lumapit sa harap niya at yumoko nang kaunti uoang silipin ang kaniyang mukha. "Sasabihin mo na sa akin ang problema mo? Puwede akongmakatulog."

  hay... "Wala. Ayos lang ako. Ano lang....m-makati ang mukha ko. Sio mommy kasi, pinilit akong palagyan ng makeup sa stylist niya."

  "Well, bagay naman sa iyo ang makeup. Lalo kang gumanda. Pero para sakin, I still like the Yeti I always met at the comp lab. 'Yong parang laging magulo ang mundo. Mas kumportable kasi ako sa kaniya.

  "Thanks!" shucks!  Umaarangkada na naman ang puso niya. "Pero... hindi ba magagalit ang girlfriend mo?

  "Si Macy? No. Alam niya ang paglabas nating ito." Nag-umpisa na silang maglakad. "At saka, bakit naman siya magagalit? I mean, maganda rin naman siya. Mas maganda ka nga lang sa kaniya."

  "Pero girlfriend mo siya."

  "Oo nga. Pero hindi niya kontrolado ang buhay ko. Hindi puwede iyon at hindi ako papayag. Ano nga pala ang gusto mong gawin? Gusto mong kumain muna? Mag-laboy o mag-arcade? Doon kami laging nagpupunta ni Macy kapag lumalabas kami---

  "Uwi na tayo, Trigger. Marami pa kasimakong gagawin."

  Ngunit nakakailang hakbang pa lang siya palayo ay sumunod na si Trigger. Paatras na naglalakad ito habang nakakunot ang noong nakaharap sa kaniya.

  "Somrthing wrong again, Yeti? ?May nasabi ba akong..." Tila may kung anong naalala ito. "Oh, i see. Ayaw mong binabanggit si Macy. Well, you have a point. Ikaw nga namna ang kasama ko kaya bakit ko pa ikinukwento ang girlfriend ko? sige, magbabagong-buhay na ako. Huwag ka na magtampo.

  Hindi na nga siya ngtampo. Hiyang-hiya naman siya ngayon. Napakabilis naman kasi nitong nakahalata ang paglilihim niyang pagsintir. Wala na tuloy siyang mukhang maiharap dito. Ipinasya niyang tuluyan  na itong iwan. Kung magagalit ito sa kaniya dahil doon, okay lang. Mabuti na nga sigurong magkalayo sila at nang hindi na siya makaramdam ng mga negative feelings kapag may nalalaman siya tungkol dito. Iiwas na lang siya at babalik sa dati niyang mundo.

  But someone stopped her from behind. It was Trigger. Again. Nakayapak na ito sa kaniya mula sa likuran niya.

  "Hindi ko akalaing napakadali mo pa lang magtampo," wika nito sa malamyos na boses. Paglatapos ay lumitaw sa harap niya ang isang bungkos ng bulaklak na hinila lang yata nito sa kung saan dahil luray-luray pa ang mga dahon niyon. "Sorry na, bati na tayo, Yeti. Gusto mo ng icecream?"

  Nawala lahat ng pagtatampo at pangako na lalayuan na ito wala sa oras. Dahil ni minsa, hini siya hinayaang makalayo ni Trigger. Kaya naman, binago na rin ang kaniyang pangako.

  Hinding-hindi niya pipigilan ang pusoniya na mahalin ito, kung pagmamahal na ngang masasabi ang nararamdaman niya nang mga sandaling iyon. Batid kasi niya, tamang lalaki ang kaniyang minahal.

  "Nasaan ang icecream ko?"

  "Bati na tayo?"

  "Hindi naman tayo nag-away ah." Lihim siyang napangiti. I love you, Trigger. "Kaya puwede mo na akong pakawalan."

  "Bakit?"

  "Bakit? Baka may makakita sa atin na----"

  "Hamo na sila." Lalo pang humigpit ang pagkayakap nito sa kaniya. Ngunit punong-puno iyon ng pag-iingat. From the speaker of the mall, pumainlang ang isang malamyos na kanta. "Uy, "scent of love. I-piggyback mo ako dali, para puwede na tayon umiksena sa koreanovela, Yeti."

  "Ang laki-laki mo."

  "Sige, ikaw na lang ang kakargahin ko."

  Hinintay niyang kumalas ito sa pagkayakap sa kanya at nang mabwelo siya para magkaroon ng distansya sa pagitan nila. Maganda ag pakiramdam niya sa presensiya nito pero alam din niyang kailangan niyang maglagay nang distansya. Kung ayaw niyang ambuko. 

  "Bakit parang ang sarap mong yakapin?" mayamaya tanong nito.

  "Hah?"

  "Ang sabi ko, bakit ang sarap mong yakapin?"

  Nagbunyi ang puso niya. "Nasa genes."

  Trigger chuckled and then slowly let her go. ay...

 "Mag-icecream na muna tayo," yaya nito. He took her hand. "Anong  flavor ang gusto mo?"

  Sa halip na sumagot ay napatingin na lang siya sa kamay niyang hawak na nito. She had never held hands with a guy before, except with her Dad. Na hindi naman counted dahl ama niya ito. Sa mga Pinsan niyang lalaki, o kaklaseng lalaki, wala pa namn siyang naka-holding hands. Pasmado kasi siya. Kaya ngayon na hawak na ni Trigger ang kamay niya. Nahihiya siya, but every time she would try to pull her hands from his grasp, he would turn to her and tighten his hold on her.

  Sweet.

bachelor:  twin womanizerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon