CHAPTER FIVE

109 4 0
                                    

  "Ah, eh, Juliet, anak. Baka gusto mo munang magpahinga. Alam mo ba iyon? Nakahanda na ang kuwarto mo sa taas. Malinis na malinis. Mabangong mabango; Wala kang ibang gawin kundi ang gumulo-gulong sa kama mo. 'Tapos, iwan mo na iyang paglalaba sa labandera natin para hindi na siya naiiyak doon sa loob dahil nag-alala siya baka mawalan na siya ng trabaho."

  Hindi pinakinggan ni Juliet ang kaniyang ina. Patuloy lang siya sa ginagawang pagkuskos sa pamamagitan ng kaniyang mga paa ng pobreng kurtina nilang napagtripan niyang labhan sa wash area nila. 

  "Hindi , mommy. okay lang ako rito." Tumalon talon siya sa palanganang gamit sa paglalaba. "Kaya ko na ito.

  "Pero, my darling precious, Sabado ngayon. Dapat ay nagpapahinga ka dahil buong linggo kang pagod sa pag-aaraL. Matulog ka maghapon, hija. Lumabas ka nang bahay, manood ng sine sa mall. Gawin mo ang mga normal na gawain ng mga estudyante kapag walang pasok. Makipag-date ka--" bahagya itong lumayo sa kanya nang matalsikan ang bula at tubig sa ginawa niyang pagtalon sa "nilalabhan" niya. "anak. hindi mo na ako mahal."

  Noon lang siya huminto sa ginagawa niya. "ayokong makipa-date Mommy."

  Tila bigla itong nabuhayan. "Ang ibig mong sabihin, may nagyaya na sa iyo na makipag-date? ayaw mo? Maganda ang makipag-date, anak. Mabuti iyon sa kalusugan ng tao. Lalo na sa mga kasambahay natin. Lalo na sa kalusugan mo."

  Maganda ba iyon sa kalusuggan niya? heto nga at dahil sa naumsyaming date na iyon, hindi siya mapakali. Sumasakit na ang ulo niya sa pag-iisip kung paano maiiwasang isipin ang tungkol doon. Maghapon tuloy mawawalan ng trabaho ang mga katulong nila.

  "Wala ako sa mood lumabas, Mommy." ipinapagtuloy na niya ang pafma-massacre sa pobrengkurtina. "sina aling salud na lang ang bigyan ninyo nang day off ngayon. ako ang bahala sa lahat dito sa bahay."

  "Anak, hindi pwede. Nagrereklamo ang bahay natin sa ginagawa mo. Nong magluto ka sa kusina, muntik nang masunog dahil nakalimutan mong isara ang gas stove. Ubos na ang mga gamit natin nang magplantsa ka. Lanta na ang mga halaman natin sa garden dahil sa pagkalunod nangdalawang oras kang magdilig. Halos malimas ang mga gamit natin sa sala ng maglinis ka roon dahil kahit nanahimik na mga figurines, basura ang naging tingin mo. Kung hindi lang iyon naagapan ni Manang Delia, baka pati pintura ng bahay natin tinuklap muna." Marahas na bumuntong-hininga ito. "Pati tuloy itong buhok kong bagong rebond nangungulot na dahil namomroblema ako sa iyo. Ano ba kasi ang nangyarisa iyo., ha? Dati naman kapag sabado ay nagkukulong kana lang sa kuwarto mo, at inuubos mo ang palabas sa cable. Ngayon, bigla kana lang sinipag. Subra nga lang."

  Huminto na namn siya. Ano ba ang nangyayari sa kanya? Wala. gusto lang niyang makalimutan ang mga nangyari kahapon sa computer laboratory. Gusto lang niyang kalimutan ang nakita niya at narinig mula sa taong pinaka ingatan pa naman niya sa kaniyang puso. Basta, gusto niyang makalimot. dahil sumamsakit lang ang puso niya tuwing maalala iyon.

  "Hayaan na lang ninyo ako, Mammy. Ngayon lang namn ito."

  "Juliet, hija, may nangyari bang hindi maganda sa iyo? May nang-away ba sa iyo? Sabihin mo sa akin at ipakidnap ko sa mga uncles mo. Alam mo namng mahal na mahal ka ng mga iyon at ayaw na ayaw ka nilang may nanakit sa iyo.

  Ipinagpatuloy na lang niya ang "paglalaba." Hindi na siya makakabalik sa kaniyang higaan at hindi naman siya sanay na nakahilata sa kama buong maghapon. Kailangang may gawin siya. At dahil kinababagutan namn niya ang pag-aaral at panonood ng telebisyon, naisipan niyang halughugin ang buong bahay nila.

  Maya-may ay palapit ang isang katulong nila, bitbit ang cordless phone. Parang maiiyaK pa ito nang iniabot iyon sa kaniyang ina.

  "M-may tawag ho si Juliet, ma'am."

  "Sino raw?"

"'Trigger' daw po."

  Hindi niya alam kung ano ang nangyari at bigla na lang siyang nadulas sa batya na kinitatayuan niya. Malunod-lunod pa nga siya sa tubig at bula ng sabon ng bumagsak siya roon. Pinagtutulungan siyang itayo ng kaniyang ina at ng katulong.

  "Anak, okay ka lang?"

  "Yes, Mommy." Ibinuga niya ang bula na pumasok sa bibig niya. "Okay lang ako." Binalingan niya ang katulong. "Wala akong kilalangTtrigger>"

  Tuluyan na itong napahikbi. Aalis na sana ito nang pigilan ito ng kaniyang ina. Kinuha nito ang cordless phone at wala na siyang nagawa nang sagutin nito ang phone.

  "Who is this?" tanong nito sa kausap. "Trigger. Ako ang mommy ni Juliet. What do you want from her?" daig pa nito ang nanalo sa lotto sa ekspresyon ng mukha nito nang nga sandaling iyon. "Really? you have date with her today? wala kasi siya rito ngayon, eh. anong oras ba ang usapan ninyo at saan kayo magkikita? sasabihin ko na lang sa kanya pagdating niya."

  Pilit niyang kinuha rito ang telepono ngunit mabilis nitong iniwas iyon sa kaniya. At nang hayaan naman nitong makuha ang telepono ay nasisiguradong tapos na ang uasapan nila ni Trigger.

  Ffive o'clock. In front of Blue Crush." Tinanggal nito ang natirang bula sa kaniyang ilong. "You have a date, my dear girl. Ang ganda talaga ng lahi natin."

  Iniwas niya rito ang mukha niya. "I dont have a date."

  "That's not what i heard." Parang militar na inutusan nito ang nakaantabay na katulog. "Tawagan mo ang hairstylist, ang manicurist, ang make up artist, ang fashion sylist, at ang presidente ng pilipinas?"

  "Ho?"

  "Wala. joke lang. Sige na, kilos na!"

  Nagkibit-balikat lang siya habang natataranta na ang mga tao sa loob ng bahay nila dahil sa utos ng kaniyang ina. I'm not going, mommy."

  "Yes, you will. Ngayon lang nangyari na may isang binatilyong nakapansin sa kagandahan mo."She tucked her hair behind her ear. "Huwag mo kasing itago ang sarili mo juliet. Don't be afraid to expose yourself to the world.

  "Mommy, matagal na akong naexposed sa mundo. Kaya alam kong kapag nagpunta ako sa sinasabi ninyong date na iyon, masasaktan lang ako."

  "Not when the person you're going out is already attached to someone." Napakunot ang noo nito. Napabuntong-hininga naman siya.

  Wala na siyang magawa nang bumalik sa alaala niya ang lahat na nangyari nang nagdaang aearw sa pagitan nila ni Trigger-- the good ones and the bad. okay sana kung iyong good ones lang ang malaala niya dahil iyon naman ang medyo mahaba-habang panahon, iyong problema, iyong sandaling "bad ones" ang paulit-ulit na ngababalik sa kaniyang isip. At iyon ang talagang nakakapag-depress sa kanya.

  Trigger Samaniego had a girlfriend.

  "Masama ang makipag-date sa lalaking may girlfriend na, Mommy-----"

  "Mabuti iyon!" mabilis na singgit ng kaniyang ina. '"Promis! kaya ihanda muna ang sarili mo at ako ang bahala sa iyo. Pagkatapos namin sa iyo ng mga stylist ko, siguradong magbibigti nang wala sa oras ang girlfriend ng trigger na iyon sa sobrang inggit sa kagandahan mo. But, of course, that's just natural since your my daughter. Maganda talaga tayo. At ang kokontra, ipapakidnap ko sa mga uncle mo." Inakbayan siya nito, saka inalalayang makaalis sa palanggana. "Rest assured, my dear girl, magugustuhan ka nang Trigger na iyon.Iiwan niya ang girlfriend niya para sa iyo.

---MALAPIT NA ANG INDEPENDENCE DAY DITO SA KUWAIT..

FEB252015

UPDATE SOON GUYS

XOXO; SALEM21

bachelor:  twin womanizerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon