Chapter 7
[Present]
AGAD NA pinatay ni Deianira ang cassette player nang mapansin niyang tapos na ang side A ng Tape 001. Sinulyapan niya ang reakson ng mga kaibigan ng namayapang asawa na si Archibald.
"Ang angas ah... para talaga tayong binalik sa Las Felizas," sambit ni Travis habang nakaangat ang isang sulok ng labi. Hindi sarcastic ang pagkakabanggit niya ro'n, sa katunayan ay malungkot ito. Malamlam ang mga mata niya.
"Si Kitty..." halos pabulong na sambit ni Kaja.
Napalingon silang lahat sa lalaki. Nakita ni Deia ang pagguhit ng sakit sa mga mata ni Kaja.
"Marami pang mangyayari . . . you know, hindi pa gano'n kabigat 'yong sa part na 'yon e. Puro pa masaya lang ang ikinukuwento niya," seryosong sabi Jea. Matapos niya sabihin iyon ay sumunod ang paghugot niya nang malalim na paghinga.
Nang dumako ang tingin ni Deianira kay Rafael ay nakita niya ang paglungkot ng mga mata nito. Nilingon naman ni Hestia ang asawa nito. Lumapit si Hestia kay Rafael, ipinulupot naman ni Rafael ang kanang braso niya bewang ng asawa.
Biglang tumayo sila Kaja at Travis. Nakasunod lang ng tingin si Deianira sa kanila. Tumikhim si Travis bago ito magsalita.
"Siguro, next time na lang natin pakinggan iyong susunod na mga tape," sambit ni Travis.
"We should schedule a meeting," suhestiyon ni Kaja.
Marahang tumango si Deia. "Oo, naiintindihan ko. May mga trabaho rin naman kayo."
Hindi alam ni Deia ang susunod niyang sasabihin. Walang umiimik sa pagitan nilang pito.
Iyong patungkol sa narinig niya mula sa tape, na ang babaeng nagngangalang Dolores ay unang halik ang asawa niyang si Archi. Isa pa, nagustuhan ito ni Archi. Hindi naman nagseselos si Deia dahil alam niya namang wala siyang karapatan at wala rin siyang dapat na ipagselos.
Nang mga panahon na iyon wala pa siya sa buhay ni Archi, wala pa siya at ang anak nilang si Arida. Kaya na kay Archi ang lahat karapatan para magustuhan ang gusto nitong magustuhan.
Pero may isang bagay na gumugulo sa isip ni Deia. Hindi niya alam kung itatanong niya ba kay Rafael o hahayaan niya na lang na madiskubre mismo sa pamamagitan ng pakikinig ng tapes.
Kung parehong gusto ni Archi at Rafael si Dolores, bakit ni isa sa kanila ay hindi nakatuluyan nito?
Nakarinig si Deia nang pagtikhim. Mula iyon kay Hestia.
"Kung gusto niyo, sa bahay na lang namin natin pakinggan ang mga tape," pagpipresenta ni Hestia. Napasulyap si Rafael sa asawa, hindi niya inaakala na magpipresenta ito.
Napakurap nang ilang ulit si Deianira. Hindi rin siya makapaniwala sa pagboboluntaryo ni Hestia. Isa kasi ito sa sobrang tutol sa tape. "Oo ayos lang naman sa akin. How about the others?" wika ni Deia.
Nagkatinginan ang lima. Marahang tumango si Kaja at Travis. Si Jea naman ay nag-OK sign. Si Rafael ay siguradong hindi naman tutol sa gusto ng asawa niya.
"Bukas na lang siguro tayo magkita-kita. Mga alas-tres ng hapon sa bahay namin," sambit ni Hestia.
Wala ng umimik, ibig sabihin ay walang tumututol sa pagkikitang magaganap bukas.
Medyo natuwa si Deianira na nakikipag-cooperate na ang mga ito sa kanya. Sa tingin niya, mukhang alam naman ng mga ito ang mga pagkakasunod-sunod ng mga mangyayari sa tape. Hinihintay lang siguro ng mga ito na marinig ang saloobin ni Dolores sa kanila. Siya lang talaga ang walang alam sa talagang nangyari.
BINABASA MO ANG
To Our Youth In Cassette 1998
Mystery / ThrillerA newly widowed woman received a tape after her husband's funeral, and soon she discovered six other similar cassette tapes that were sent to her husband's high school friends. Now, they need to listen to the recordings in order to unfold the myster...