CASSETTE 14: Preparation

155 10 3
                                    

Chapter 14
Dolores' POV

[Cassette Tape 002 Side A, is now playing . . .]

ITO ang unang beses na nakapunta ako sa bahay nila Kitty. Napakalaki ng bahay nila—mali, mansyon ito. Ito ang Ysmael's mansion. Tapos ngayon ay wala ang mga magulang ni Kitty.

Nandito kami ngayon maliban kay Rafael at Kaja. Katulad dati, may trabaho si Rafael. Si Kaja naman daw ay hindi papapasukin dahil bawal daw ang mga Dela Cerna sa mansion nila Kitty. Siguradong huhulihin siya ng nga guwardiya ng bahay nila Kitty.

Malaki ang bahay nila Kitty, dalawang palapag lang pero malawak. Mayroon din silang malawak na bakuran, kung nasaan kami ngayon.

"Dolores, come on! I-straight mo ang back mo! Paano mo natatalo si Hestia the bitch!" sabi ni Jea sa akin.

Ngayon kasi ay nagpa-practice ako ng lakad. Nakasuot sa paa ko ang kulay itim na sapatos na may mataas na takong. Tapos ang suot ko ay maiksing palda lang na kulay pink at puting shirt na sleeveless at may ribbon sa gitna na kasingkulay ng palda ko.

"Huwag mo nga siya i-pressure, Jea. Ikaw kaya sumali d'yan!" Binato ni Travis ng popcorn si Jea na kinausok ng ilong nito.

Nasa open space kami ng bahay nila Kitty. May dalawang table doon na gawa sa salamin tapos bawat table ay may tig-apat na upuan. Si Travis at Jea ay nasa unang table. Si Kitty at Archi naman ang nasa kabila. Ako naman ngayon ay nakatayo sa harapan nila at pinapanood nila.

"You know that bitch, kapag you lose to her... aasarin at ibu-bully ka n'ya forever. So, let's prepare hard para 'di ka matalo. Let her taste karma!" Mala-demonyong ngumisi si Jea. Ako naman ay napakamot lang sa ulo ko.

"Basta gawin mo lang ang best mo, D. Alam ko naman na you can do it!" pag-cheer sa akin ni Kitty.

"Okay Dolores, from the top!" sigaw ni Jea at pinindot yung cassette player na may kanta.

Agad naman ako na pumuwesto. Isa-isa kong inalala ang mga advice sa akin ni Jea. Huminga ako nang malalim at inayos ang postura ko.

'Dapat straight ang back mo.'

'Dapat fierce!'

'Dapat naka-chin up ka.'

'Show them your killer smile!'

Sumabay ako sa ritmo ng musika. Lahat ng sinabi ni Jea sa akin ay sinunod ko. Ngumiti ako habang naglalakad ako na may poise. Kasi sabi ni Jea ay importante ang poise sa pagrampa.

Narinig ko ang palapak ni Jea at tumayo pa ito. "Perfecto!" nag-OK sign pa siya matapos sabihin iyon.

"Ang galing mo, D! Ang bilis mo natuto!" masiglang bulalas ni Kitty. Tapos nilingon ni Kitty si Archi. "Ang ganda at galing niya 'di ba, Archi?"

Si Archi naman ay biglang naibuga ang orange juice niya at nabulunan pa. Si Kitty naman ay lumapit kay Archi at hinagod ang likod nito. Heto ako, alanganin na nakangiti.

"Ayos ka lang, Archi?"

Tumango si Archi at pinunasan ang labi. "Oo, ayos lang."

"Nabulunan ka ba sa sobrang ganda ni Dolores?" inosenteng tanong ni Kitty. Si Travis naman ay tatawa-tawa habang tinitingnan ang dalawa.

"H-Hindi... ano ka ba, Kitty!" Nilingon ako ni Archi at nagsalubong ang mga mata namin. Nakita ko ang pag-blush niya. "Pero tama ka... ang ganda ni Dolores. Sobrang... ganda..."

Ako naman ngayon ang namula dahil sa papuri ni Archi sa akin. Titig na titig kasi siya sa akin.

"Oh awat na 'yan! Baka hindi na bardagulan ala Hestia at Jea sa room natin, baka mala-Rafael at Archibald na!" Malakas na humalakhak si Travis, bahid ang pang-aasar sa boses.

To Our Youth In Cassette 1998Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon