Vicencio's POV
Matapos ko dumaan sa room 310 kung saan kami nagtipon tipon mga student council noong high school kami ay nagpatuloy ako sa paglalakad sa corridor upang alalahanin ang iba pang mga alaala ng nakaraan.
Mga ilang saglit lamang ay napadaan ako sa school gym at nakita ko ang isa sa mga kaibigan na kanina lamang ay inaalala ko..
"Gerald ?" Tawag ko sa lalaking nakatayo sa tapat ng ring at may hawak na bola..
"O.. nakabalik kana pala cencio napakatagal din natin di nagkita .." kasama ng pagngiti niya at pagharap ang mga katagang pagbati niya saakin
"Oo 9 na taon na ang nakakalipas Nakabalik din sa Pinagmulan" bangit ko sakanya habang tuluyan na siyang lumapit at ipasa saakin ang bola..
"Canada huh? Ano naman ang Naging Buhay Mo doon matapos ang mga nangyari?" Tanong niya saakin
"Ayos naman Ang naging buhay ko doon kasama ang aking tiyuhin, kahit sobrang hirap na lumisan ay kelangan ikaw kamusta ang buhay sa PBA ?"
tugon ko sa kanyang tanong"Hahah ayon di parin nagchachampion gusto mo maglaro ?" Paanyanya saakin
"Sige Hanggang 6 points lang mahirap umaatend ng reunion ng amoy pawis" sagot ng nakangiti
At tuluyan na kami naglaro at natalo nya ako hindi padin siya nagbabago sa laro i wonder how hindi siya binibitawan ng koponan"Di ka padin Nagbabago Kugkug kapadin Haha"
pang uuyo nya saakin"Ano naman Alam ko sa Bola Eh tanging Gitara lamang Ang hawak ko noon" sambit ko
"Nakakapagtaka nga eh, Akalain mo Yun Nagustuhan ka nya eh inidiidolo nya si Caguioa Haahah"
Di ko alam kung maiinsulto ba ako sa sinabi nya o matatawa na lamang
"Siraulo iba ang Player Kesa sa Realidad" sagot ko nalamang sa pang uuyo nya
matapos ng konting pag papahinga nagpaalam na muna ako sa kanya at nag simula na din ako muling umikot sa aming paaralan
"Mauna na Muna ako saiyo at may pupuntahan pa ako" paalam ko sakanya
"sige cencio magshoshower muna din ako at baka maamoy ako ni misis eh baka makasalubong mo lang din siya"
sambit nya at nagpatuloy na muli ako sa paglalakad
*Flashback*
"Ano ba yan Cencio ang hina mo naman"
"Eh ano magagawa ko Hindi naman ako basketbolista Edi ikaw na may 10 points"
"May Utang ka Saaking Kwek Kwek ah Tsaka Coke float"
"wala kabang magulang at puro ka palibre"
"Meron Ikaw Tatay Kita eh hihihi"
"tss"
naalala ko nanaman yung unang beses nya ako niyayang maglaro ng basketbol kase natalo daw yung Ginebra ng Alaska
eto yung mga panahong aalis ako ng bahay na kahit wala pa akong mumog eh hahatakin ako palabas ng bahay para lang magpunta sa Gym ng paaralan namin kase walang practise sila Gerald
,"Cencio, Gising Kana di mo na ako Nilibre ng Kwek Kwek kanina kapa nakahiga sa hita ko >//<"
pag iinarte nya
sabay umalis ako sa hita nya at lumipat sa sahig.
"maya maya onti Kirapots napagod ako sa laro"
sambit ko saknya
"Ano ba yan -_-"
pagmamaktol nyamaya maya pa ay sinusundot nya ang ilong ko at bahagyang nilapit nya ang kaniyang mukha saka niya sinambit ang isang bagay na nagpatalon sa aking puso ng sandaling iyon..
"Ang tangos pala ng Ilong Mo Cencio, Ngayon ko lang Napagtanto Ang Gwapo mo pala"
Himbis na pabulong nyang nabangit sa sarili eh napalakas ata.hinablot ko sya ng bahagya sa may kaniyang batok at ng bahagyang magkalapit na ang aming mukha eh sinambit ko ang isang katanungan na hindi ko makakalimutan sa buong buhay ko,
"Kira Noon pa man Mahal na kita Buti napansin mo na ako Pwede ba kitang Ligawan ? pwede bang ako nalang Ang Maghatid at Sundo sayo araw araw pwede bang protektahan at Alagaan kita?"
*End Of Flash back*
Sa Aking Pagmumuni muni ay Napadaan Ako Kung Saan Tinugtog ko ang Isang Awitin sa Piano nang Araw na sagutin nya ako..