"Music Room 2012"
Vicencio's POV
Simula nung Sinabi ko sakanya yun bigla nalang syang tumakbo at hindi na ako kinausap
May Mali ba Sa sinabi ko ?
Gusto ko lang naman syang Ligawan bawal ba yun ?
Hayss Babae nga naman 😪
Lunes ng umaga agad kong hinanap tong babaitang to dahil kahapon pa hindi ako kinakausap o kahit manlang text
Sa sobrang pag iisip ko nakabunguan ko pa si Cherrylyn na kanyang kaklase"Oh cencio ikaw pala bakit parang lutang ka?"
Tanong nito ng makabalik naman ako sa wisyo at agad ko siyang tinanong"Nakita mo ba si Jeckira ?"
"Oo nasa Faculty nila Mr. Rosita"
Sagot nito saakin ng aakmang magtatanong pa kung bakit bigla nalang akong tumakbo at sumigaw para magpaalam sakaniyaHapong hapo ako ng makarating ako sa Faculty kung saan siya naroon walastik naman kase tong school na to sa 4th floor pa nilagay yung faculty
Ng papasok na ako sa Faculty ay narinig ko ang isang bagay na sinabi ni Mr Rosita na talaga namang nagpakulo ng aking Dugo dahilan para masuntok ko ito
"Ms Abuela bagsak ka Gusto mo ba makapasa?"
"Sir paano naman po ako babagsak mataas naman po ang mga score ng test at quiz ko" wika ni kira
"Kulang sa proyekto iha, gusto mo ba makagraduate?" Wika ng guro
"Pasensya na ho sir wala po talaga akong pambili ng mga kailangan eh"
Humawak sya sa braso ni kira at sinabing
" Pwede naman natin gawan ng paraan yan para tumaas ang grado mo basta magmomotel tayo kagaya ng Pinsan mo"Doon nakita kong namutla si Kira at dun ko na sinuntok si Rosita dahila para tumilansik siya sa kanyang pagkakahawak ke Kira
Sabay Hablot ng kamay at bag niya tumakbo na kami at nagtungo sa Music Room kung saan kami nagtago upang di kami masundan ni Rosita kung sakaling itoy makabangon
"Bakit sinuntok mo kagad di pa ako ready tumakbo" bulong niya saakin habang nagtatago kami sa gilid ng organ
"Tang inang Rosita na yon sinasabi ko na nga ba eh siya yung SD ni Mary Joy eh"
Hapong hapo kami ni Kira habang pasulyap sulyap ako sa pintuan upang tingnan kung nasundan ba kami ni Rosita
Nang lumipas ang ilang minuto pa ay nanatili kaming walang imik at napagpasyahan ko nang tumayo sa palagay ko ay safe naman na kami."Hoy lalake ano yung sinasabi mo patungkol kay Majoy ha ? Saka pano mo nalaman yung mga ganong bagay?" Pagbubunganga niya saakin habang umupo naman ako sa tapat ng organ
"Matino dati si Majoy simula nung naging teacher niya si Rosita nagbago lahat ng kilos niya hanggang sa may nakapagsabi saakin na ganon nga at base narin sa narinig ko kanina" sambit ko sakanya