Chapter 4

479 9 9
                                    


Chapter 4


"Hanggang kailan ka riyan?" Sandro asked me in a cold tone. It's been three days since nung ma-discharge ako at ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob na tawagan siya.

Naiintindihan ko kung galit siya sa akin. Hindi ako nagpaalam na sasama ako kay Papa at alam kong masakit sa parte niyang basta ko na lang siya iniwan.

"I'll finish my college here. After graduation ay diyan ulit ako titira"

"Ang tanong, papayag ba ang Papa mo na bumalik ka ng Bicol?"

"Oo naman. He will let me visit Nanay every vacation. Hindi ko nga alam kung anong pumasok sa isip ni Nanay na basta na lang ako pinasama kay Papa"

"Kung hindi pa ako pumunta sa inyo, hindi ko pa malalaman na sumama ka na sa Papa mo" disappointment is evident in his voice.

"I'm sorry Sandro. Si Nanay kasi... Kahit ayoko ay pinilit niya ako..."

"Hindi mo man lang sinuway ang Nanay mo?"

"It's too complicated kasi. Hindi ko alam kung ano ang totoong rason pero kung gusto niya talaga akong pumunta rito para mas gumanda ang future ko, then so be it. Kahit nakakatampo yung ginawa niya, I still believe in her"

"Ako? Hindi mo man lang ba ako inisip?" tumaas na ang boses niya.

"Sandro..." sinubukan kong ikalma ang sarili ko.

"Sana man lang nagpaalam ka sa'kin! Alam mo ba n'ong sinabi sa'kin ni Tiya Mer na naaksidente ka raw ay halos gusto kong pumunta riyan. Ilang araw na ang nakakalipas pero ngayon mo lang ako tinawagan. Pakiramdam ko ay hindi ako kasama sa mga priority mo"

"That's not true!"

"It is, Vanessa!" ramdam na ramdam ko ang galit mula sa boses n'ya. "Tatawagan mo lang ako para magpaalam ay hindi mo pa nagawa. Anong susunod? Hahanap ka ng bagong boyfriend diyan?"

"No! Why would I do that?! Ikaw ang boyfriend ko! I may be gone but I didn't leave you!"

"Siguraduhin mo lang.."

"You know what? Mag-usap na lang kaya tayo kapag hindi na mainit ang ulo mo. I am trying to explain my side pero heto ka't nag-iisip ng kung anu-ano!" hindi ko na siya hinintay pang magsalita. Agad kong binaba ang phone ko. Gusto ko nga sanang itapon kaso sayang dahil mahal pa naman ito.

Gusto ko lang na maintindihan niya ang sitwasyon ko pero heto siya't pinaghihinalaan pa ako. What happened to my Sandro? Siguro ay masakit lang talaga sa loob niya na hindi ako nagpaalam agad sa kan'ya.

"Wow. May boyfriend ka pala? Buti pinatulan ka" nagulat na lang ako na nasa tabi ko na pala si Vince. "Kaso mukhang maghihiwalay na ata kayo" ani niya sa'kin sabay kagat sa hawak niyang apple.

I'm pretty sure that he heard everything. Doon na lang pala dapat ako sa kwarto ko kaysa rito sa garden lalo na't pasulpot-sulpot na naman ang lalaking ito.

"Why do you care? Parte na ng relasyon ang mag-away. Samantalang ikaw, puro sarap lang ang gusto" why is he here again? Hindi na naman matatahimik ang buhay ko.

"Romantic relationships are shitty and boring" I rolled my eyes at him. What would I expect of him? He's a goddamn playboy. "Makikitulog ako rito ha" he said as he took another bite of apple.

Iniwan ko siya sa garden at pumasok sa loob ng bahay. Iniisip ko pa rin si Sandro. Sana naman ay lumamig na agad ang init ng ulo niya para sa next time na pagtawag ko ay makapag-usap na kami ng masinsinan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 26, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Downfall of VanessaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon