Chapter Five

3 0 0
                                    


After ng ilang minutong byahe ay nakarating narin kami ni Reyve sa mall na kung saan ay nandun ang main branch at pinakamalaking shop ni Tita Janeth. Pinark muna ni Reyve ang kanyang sasakyan sa may parking lot ng mall tsaka ko naman inayos ang pagkaka pusod ng buhok tsaka ko isinuot ang round shades ko bago lumabas ng sasakyan. Pagkalabas ko ay siya namang paglabas ng pinsan ko mula sa driver seat na naka shades rin ng aviator na mas bumagay sa suot niya na ikinangiti ko naman sa huli tsaka kami sabay na naglakad papuntang entrance ng mall habang walang pakealam sa mga tingin ng tao na nasa paligid namin

Pagkapasok namin sa mall ay sumakay kami sa escalator papuntang 2nd floor para kumain sa may food court.

"Saan tayo, kakain?" tanong ng aking pinsan habang kami ay naka sakay sa escalator

"Ikaw ba kung saan ang gusto mo" sagot ko naman "Treat kita, bayad ko sa pagiging driver mo" natatawang sabi ko

"Ako mag tre-treat sayo, baliw" natatawang sabi ng aking pinsan "Nakakahiya naman na babae manlilibre sa akin. Ang pangit tignan sa gwapo kong ito" dagdag na sabi ng aking pinsan

"Tarantado! Apaka piling mo" natatawang sabi ko naman "Pero apaka bait mo rin. Nakatipid ako eh" nakangising sabi ko

"Gaga, babayaran mo ako pag-uwi natin" natatawang wika ng aking pinsan

"Ang gago mo talaga" naka pout na sabi ko

"Biro lang" natatawang sabi ng aking pinsan "Halikana nga" tsaka ako inakbayan pagkarating namin sa second floor at sabay kaming pumasok sa may Beefy Hauz

Pagkapasok namin ay madali lang kami nakahanap ng mauupuan namin kasi hindi naman ganun karami ang kumakain dahil past lunch time naman na. Pagkaupo naming magpinsan sa pangdalawahang pwesto ay lumapit na sa amin ang waiter para kunin ang order namin

"Good afternoon, Sir and Ma'am. Here's your menu" magalang na bati ng waiter tsaka binigay sa amin ang menu at umalis saglit

Pagkabigay sa amin ng menu ay namili na kami ng kakainin namin. After lang ng ilang minutong pagpipili ng kakainin namin ay lumapit na sa amin ang waiter.

"May I take your order, Ma'am and Sir" magalang na sabi ng waiter habang naka ngiti

"Give me a medium well steak with caesar salad and iced tea" pormal na sabi ni Reyve sa waiter

"Noted, sir" balik sagot ng waiter "How about you, ma'am?" pagkuha ng waiter sa order ko

"Give me a well done steak with mashed potato and fresh pineapple juice" nakangiting sagot ko sa waiter

"Noted, ma'am" wika ng waiter "How about your dessert, Ma'am and Sir?"

"Blueberry cheesecake for me" sagot ni Reyve "And, vanilla strawberry tiramisu for me" sabi ko naman

"Noted, ma'am and sir" wika ng waiter bago umalis

I and reyve are talking about the upcoming graduation ball while waiting our foods. After 5 minutes, dumating na ang pagkain namin

"Enjoy your food, ma'am and sir" nakangiting sabi ng waiter pagka serve sa aming pagkain tsaka umalis

Habang kumakain ang mag-pinsan ay nagtatawanan at kwentuhan sila. Sa kwentuhan at tawanan nila ay hindi nila namamalayan na tapos na pala silang kumain kaya after nilang kumain ay sinenyasan na ni Reyve ang waiter para sa presyo ng kinain nilang mag-pinsan. Inabot ng waiter kay Reyve ang presyo ng kinain nilang mag-pinsan tsaka naman kinuha ni Reyve ang wallet niya at naglabas ito ng isang libo at isang daan na paper bill tsaka inabot sa waiter kasama ang papel na naglalaman ng presyo ng kinain nila. Pagka-abot ni Reyve ay nag thank you ang waiter bago umalis, pagka-alis ng waiter ay umalis narin silang mag-pinsan sa may mesa nila tsaka nilisan ang restaurant

Still YouWhere stories live. Discover now