Chapter Sixteen

3 0 0
                                    


Alas onse y media na ng maka-uwi ako sa bahay at sakto namang si Nanay Azon lang ang nakita ko sa kusina na nagpre-prepare ng mga ingredients para sa lulutuin nila

"Oh anak! Hindi ka nagsabi na uuwi ka, pinadala ko na lahat kay Liza ang kanin at ulam sa clinic ng Tita mo"

"Okay lang po, Nay Azon. Hindi pa naman po ako gutom tsaka mag o-oatmeal nalang ako kapag nagutom ako" nakangiti kong sabi "Sige po, matutulog lang muna ako at pakigising nalang po ako kapag meron na sila Tita Janeth

"O siya sige at inihahanda ko naman ang pang-meryenda nila" 

Ngumiti ako tsaka tuluyan ng umakyat sa taas ng bahay namin at pumasok sa kwarto ko. Pagkapasok ko inalis ko na lahat ng dala ko ganun narin sa mga suot ko maliban sa bra at panty ko tsaka binagsak ang katawan ko sa kama.

After 2 hours ay nagising rin ako ng hindi ako ginigising ni Nanay Azon kaya sa tansya ko ay wala pa sila Tita Janeth kaya naglagay muna ako ng tubig sa bathtub at buble soap tsaka inalis ang suot kong panty at bra bago nagbabad. Mahigit 15mins na akong nagbababad ng marinig ko ang boses ni Ate Liza sa labas ng kwarto ko

"Luca?" tawag ni ate Liza

"Ate, andito po ako sa banyo. Bakit po?" malakas ko namang sabi para marinig niya

"Meron na na yung mag-aayos sayo" sagot naman ni Ate Liza habang nasa labas ng banyo ko

"Sige po, Ate. Pakisabi nalang po na pababa na ako"

"Sige"

Umahon na ako sa bathtub tsaka ito drinain bago ako nag half bath. It takes a couple of minutes ng matapos na akong mag half bath, hindi na kasi ako naligo dahil para hindi na masyadong mabuhaghag ang buhok ko sa blower. Nagsuot ako ng spanx undie-tectable thong at cotton knee-length bathrobe para hindi na ako mahirapan na isuot ang dress ko later, binun ko lang ang buhok ko bago lumabas ng kwarto ko.

Nagderetso ako sa veranda sa likod ng bahay paharap sa pool area, pavilion at mini garden dahil narinig ko na doon nang-gagaling ang matitinis na boses. "Good afternoon, Tita" bati ko kay Tita Janeth pagkarating ko sa gawi nila tsaka siya niyakap at nakipag beso-beso 

"Good afternoon, darling" nakangiting balik bati naman ni Tita Janeth 

"Good afternoon, Ate Rose and Ate Daisy" bati ko rin sa dalawa niyang kasamang bakla na naging official hair and make-up artist ni Tita tsaka nakipagyakapan sa kanila

"Good afternoon too, Luca" malanding bati rin ni Ate Daisy at Ate Rose na ikinangiti ko 

"Sorry po kung pinaghintay ko kayo" paghingi ko naman ng paumanhin

"It's okay, darling" nakangiting sagot namn ni Tita Janeth na siyang ikinangiti naman ng make-up at hair stylist niya na siyang ikinangiti ko narin

Nagu-usap muna kami nila Tita Janeth with her make-up and hair stylist about sa mga color at designs ng susuotin ko para mai-bagay ang make-up at ayos ko ng biglang dumating ang Tita ko

"Good afternoon, people" masiglang bati ni Tita pagkapasok sa likod ng bahay

"Good afternoon, sissy" balik bati naman ni Tita Janeth tsaka nakipag beso-beso kay Tita

"Rose and Daisy, gawin niyong pinaka maganda ang pamangkin ko ha" 

"Don't worry, Tita. Keri naman ng beauty ni Luca kahit hindi na ayusan" sagot naman ni Ate Daisy na ikinatawa namin ng mahina

Pumunta si Tita at Tita Janeth sa may pavilion para mag-kwentuhan habang kami naman nila Ate daisy at Ate rose ay pumuntang guest room para doon ako ayusan dahil narin sa nasa guest room ang gown ko at mga susuotin ko para sa ball. Prom make-up for burgundy dress, gold and rose gold combination ang klase ng make-up na iaayos sa akin habang sa hair ko naman ay ang large top bun and some locks down na ideal hairstyle ko.

Still YouWhere stories live. Discover now