Chapter Twelve

1 0 0
                                    


Today is Wednesday which is Type A Uniform na naman. Inayos ko muna ang pinaghigaan ko bago pumasok ng banyo para maligo, half an hour ng matapos na akong maligo kaya pagkalabas ko ng banyo ay deretso ako agad sa may walk in closet ko para isuot ang Type A Uniform ko and after ko magsuot ng uniform ay blinower ko na ang buhok ko tsaka nag-ayos ng sarili, pinusod ko ng katamtaman ng taas ang buhok ko tsaka naglagay ng beige na ribbon sa may top ng ponytail ko at ng makapag-ayos na ako ay siya namang bumaba ako to take my breakfast and kasabay ko si Tita. Nagkwe-kwentuhan lang kami ni Tita habang kumakain

"By the way, baby. Tumawag sa akin ka-gabi si Janeth and she told me na tapos na niyang gawin ang dress mo kaya idedeliver mamayang hapon para isukat sayo ganun rin sa isusuot ni Reyve" habang kumakain na sabi ng Tita ko

"Reall, tita?" hindi makapaniwalang tanong ko na may bahid ng excitement

"Yes, baby" nakangiting sagot naman ng tita ko 

"Owemji! I'm so excited" kilig na kilig na sabi ko

"Me too, baby" 

Nag-uusap lang kami ni Tita habang kumakain hanggang sa matapos kami. Palabas na kami ni Tita ng makarinig kami ng busina ng sasakyan and hindi ng ako nagkakamali dahil si Laxton nga ang nasa labas na naghihintay sa akin

"Tamang-tama ang dating ng manliligaw mo ha, baby" natatawang sabi ng Tita ko

"Kaya nga, Tita wala tuloy akong takas niyan" pang-aasar ko naman na siyang ikinatawa lang ng Tita ko

Pagkalabas namin ng bahay ay prenteng nakasandal si Laxton sa pinto ng driver seat na halata namang hinihintay ako habang nakapamulsa sa kanyang slacks at naka shades na mas nagpa-gwapo sa dating niya "Good morning, Tita/Good morning, Luca" nakangiti at may respetong bati ni Laxton

"Good morning, Laxton" nakangiting halos sabay naming bati ni Tita tsaka ako lumapit sa kanya and pagkalapit ko ay hinalikan niya ang noo ko na ikinangiti ko

"Alis na po kami, Tita" magalang na pagpapaalam ni Laxton

"Bye, Tita. I love you" nakangiting pagpapaalam ko 

"Sige, ingat kayo. I love you too, baby" sagot naman ni Tita tsaka kami tuluyang umalis ni Laxton

Panay lang ang kwentuhan at usapan namin ni Laxton hanggang sa makarating kami ng school. Masaya parin kami hanggang sa makarating kami sa room namin, hindi na kami masyadong kinakantsawan at inaasar ng mga kaibigan namin dahil sa sanay narin sila na palagi kaming magkasama ni Laxton maging sa paghatid at sundo niya sa akin. 

Natapos na naman ang dalawang subject namin sa umaga sa araw na iyon kaya breaktime na, ang bilis lang ng takbo ng oras at paglisan ng bawat araw. Masaya kaming magka-kaibigan na nagkwekwentuhan habang kumakain sa canteen hanggang sa napag-usapan namin ang about sa ball pero sa mga isusuot lang naman tsaka lang kami tumayo ng marinig namin ang tunog ng buzzer to remind us na time na

"Let's eat lunch together" nakangiting pagyaya sa akin ni Laxton habang tinatahal namin ang hagdan papuntang floor ng room namin

"Again?" pang-aasar ko

"Ayaw mo na ba akong kasama mag-lunch?" kunwaring nagtatampong saad ni Laxton

"Baliw! Di ka cute sa lagay na yan" natatawang pang-aasar ko ulit

"Bahala ka nga jan" saad nito tsaka naunang lumakad ng tinatahak na namin ang hallway sa floor ng room namin

"Hey" natatawang saad ko tsaka hinila ang laylayan ng suit niya na ikinakunot naman ng noo niyang paglingon "Oo na, tampo-tampo ka jan" naka pout ko namang sabi 

Still YouWhere stories live. Discover now