Chapter 3

2 0 0
                                    

"Psst! Cardemy tulala ka na naman".

Nabalik ako sa huwisyo nang biglang magsalita ang katrabaho kong si Kamea.

Nandito kami sa opisina ngayon, lunch break pero tapos na kami kumain sa canteen kaya chikahan muna kami saglit.

Isang buwan na rin ang lumipas simula noong nakaingkuwentro ko ang dalawang mag among hilaw. At hanggang ngayon hindi ko pa rin nakakalimutan ang karumaldumal nilang ginawa sa akin.

"Hindi ka pa rin talaga nakaka move on? " tanong ni Kamea habang sumisipsip na naman ng paborito niyang strawberry lollipop.

Pagkauwi na pagka uwi ko dito sa Manila ay sinabi ko agad lahat kay Kamea ang naranasan ko sa kamay ng dalawang Mag among Hilaw na iyon, at tanging tawa lang ang isinagot niya sa akin.

Wala siyang kwentang kaibigan. Hmp!

Pagkatapos ng insidente ay umuwi rin ako kaagad kinabukasan dito sa Manila sa kadahilanang sira ang sandals ko at ang mga damit ko ay nadala nila na hanggang ngayon hindi pa nasasa uli sa akin. Sayang pa naman dahil ang daming damit at panty na bago dun sa maleta.

Lumingon ako kay Kamea bago magsalita.

"Hindi Kamea, Hindi ako mag momove on. At ikaw rin, hindi ka pwedeng magmove on. Walang magmomove on sa Pamilyang to!".

"Hala, nabaliw na." Bulong niya pero rinig na rinig ko pa din.

Sinira ng mag among hilaw na iyon ang bakasyon ko. Kaya sinusumpa kong sisirain ko rin isa isa ang buhay nila pag nagkita kami ulit.

"Huy! Kamea napaano yan si Saulceda?" pangchichimis naman ng katrabaho kong malamang sa malamang CHISMOSO.

"Nabaliw. " sagot naman ni Kamea.

Itong friend kong tu walang ka support support!

"Miss Cardemy--

Rinig kong tawag sa akin ng isang intern na may dalang mga papeles at akmang hahawakan ako pero agad ko namang pinigilan.

"Huwag mo akong hawakan! Galit ako! ". sigaw ko sa kaniya.

Naririnig ko na ang bungisngis ni Kamea at ng isa pang Chismoso kong katrabaho na si Batman. 'Oo, yan talaga yung pangalan niya kaya huwag kayong umangal! '.

"Huwag mong hawakan ang kamay ng baklang Cardemy, baka mahawa ka ng kabaliwan niyan! Hahaha! " sambit ni Batman na ikinataas ng kilay ko.

"Hala Bek! Lumayo na tayo dito! " pag aasar pa lalo ni Kamea.

Nagtataka naman akong tiningnan ng intern bago magsalita.

"Paano mukha ng galit Miss?" sambit niya na lalo kong ikinainis.

"Galit na yan! Galit na yan! Galit na yan! " pagcha-chant ni Batman na agad rin namang sinabayan ng intern at ni Kamea.

"Galit na--

"Shut up! ". sigaw ko.

Ngunit maling ideya yata ang ginawa kong pagsigaw dahil halos lahat ng tao dito sa opisina ay nakatingin na sa gawi namin.

"Shhhh." suway nila.

Sabay namang napatakip ng bibig ang tatlo.

Mga walangya!

--

"Cardemy, anong tinitingin tingin mo diyan sa likod? " takang tanong ni Kamea.

Nandito kasi kami sa gilid ng kalsada kumakain ng fishball at nag aabang na rin ng jeep para sasakyan pa uwi.

The S2ry Of Us : WHEN YOU CAME. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon