'Totoo talagang nakabuntis si Sir no?'
'Ang swerete ng girl. Sana all'
Napatingin ako sa dalawang babaeng nag uusap tungkol kay Sir Solomon habang papasok pa lang ako ng building sa S. E. T.
Tatlong araw na simula noong kumalat ang balitang may nabuntis daw si Sir Solomon. Noong una hindi ako naniniwala, pero nang magpost siya sa instagram ng ultrasound picture ng baby niya at may caption'ng "greatest gift" jusme! mapapa sana all ka na lang talaga.
Ang taray rin kasi ni Kamea may lahing chismosa.
Napapairap na lang ako nang makitang maraming babaeng umiiyak sa hallway na nadadaanan ko dahil broken hearted daw 'kuno' kasi may jowa at anak na daw ang Sir Solomon. Ang aarte ni hindi nga kilala ni Sir eh!
"Bakla! Your here! Thanks for coming!" sambit ng ingratang Batman.
"Anong Thanks for coming!?" nalilito kong tanong.
Ano na naman kayang kabalastugan ang naiisip ng bakalang Batman na to?
Kumembot kembot siya sa harapan ko na animo'y kandidato ng Miss Universe at ikatlong beses siyang pumalakpak bago muling lumingon sa akin.
"Thanks for coming to our Annual Meeting for Sir Solomon's broken hearted fans!" maarte niyang sabi.
"Gaga" napapailing ko nalang sabi.
Ang bababa naman kasi ng IQ nila hindi man lang nag isip ng paraan para makalapit kay Sir. Tamang tili lang kung dadaan sa hallway hindi man lang gumagawa ng first move para mapansin, kung ako isa sa mga babaeng nagkakandarapa kay Sir? Aba hindi ako papayag na hindi siya mapasa akin. Lalandi kung kailangan, magpapakatanga kung mahal. Kung gusto ko, akin! Ganern dapat!
Pero hindi ko sila masisi kung magsiiyakan sila. Hindi ko rin naman kasi alam ang nararamdaman nila.
I mean hindi naman sa hindi ako nagkaboyfriend no! Dalawa ang naging ex ko, yung una inereto ni Nanay Rita sa akin kaso mabaho yung hininga kaya hiniwalayan ko. Yung pangalawa naman ang takaw takaw palaging ubos ang pera ko dahil palagi niyang inuutang. Halos lahat ng mga pagkain na makikita niya bibilhin kaya ayun pinabayad ko muna sa mga utang niya bago hiniwalayan. 'stone girl ako no?' ganyan talaga pag maganda.
Balik tayo sa topic, ayun na nga like I said hindi ko alam kung anong nararamdaman nila kasi wala pa akong siniseryoso.
"Miss Saulceda, tawag ka daw ni Sec." sabi sa akin ng isang intern pagakapasok ko sa office. Tumango lamang ako sa kaniya at sinabing susunod na.
Kumuha muna ako ng ipit sa drawer at inipitan ang buhok ko bago maglakad patungo kay Secm
Ano na naman kaya ang iuutos ni Sec.?
Namimihasa na siya sa kakautos sa akin ha! Hmp.
Nang makaabot ako sa opisina niya, syempre kumatok muna ako bago pumasok. Malay ko, baka may kahalikan si Sec pagpasok ko! Ang awkward nun!.
"Hello, Secretaryang maganda?" nakangiti kong bati sa kaniya.
Nakaupo lang siya sa sosyal niyang upuan habang nagtatype ng something sa laptop niya.
Saglit siyang tumingin sa akin.
"Wala ako sa mood Cardemy". wala ka emo-emosyon niyang sambit.
"Wala ka sa mood, because?" pang aasar ko.
"Peste." bulong niya pero rinig na rinig ko.
"Huy! Anong---minumura mo na ako?" madrama kong sambit.
BINABASA MO ANG
The S2ry Of Us : WHEN YOU CAME.
Romance"Don't beg for love Cardemy, because you are someone's prayer request" - Axel "Dati yun Axel, but everything changed WHEN YOU CAME." - Cardemy Book 1 of 2 -IvyMochi