"Teka lang Manong bitawan niyo siya!" rinig na rinig ko ang matinis na sigaw ni Kamea sa gitna ng kaguluhan.
Maraming ng empleyado ang nakapalibot sa amin. Nagsisigawan at nagsisinghapan sa ginawa ko. May mga empleyadong masama ang tingin sa akin at ang iba naman ay pinagchichismisan ako.
Fyi, deserve nila yan! Masyado silang mayabang!
Napangiwi ako nang makaramdam ng sakit sa bandang pulsuhan kaya napatingin ako sa taong mariing nakahawak sa akin.
"Ano ba bitiwan niyo nga ako! Wala akong kasalanan! Yang mga gago'ng yan ang masama!" pagpupumiglas na sigaw ko sa guard na pilit akong pinupusasan.
Ang dalawang mag amo nasaan?
Ayon nasa sahig nakasalampak!
Deserve naman nila yan eh!
Pagkatapos kasi ng nagbabagang sapak ko kay Amerikanong hilaw, si Kuyang Manong Tarsier naman ang sinabunutan ko.
Kung hindi lang siguro kami inawat ng mga guard dito siguro ubos na ang buhok ng driver na yun at syempre pira piraso na ang mukha ni Amerikanong Hilaw. Kaso may mga kj! Maghihigante lang naman ako! Sobra naman silang natakot! As if naman papatayin ko sila, sasapakin ko lang sila uy!
Napabaling ako kay Amerikanong Hilaw nang makitang unti-unti siyang tumayo. Si Kuyang Manong Tarsier naman kahit na ngumingiwi na sa sakit inalalayan parin ang amo niya.
Wow! Concern?
Tumingin siya sa gawi ko at mariin akong tiningnan.
"Yang sabunot at sapak kulang pa yan sa ginawa niyo sa akin!" pagwawala ko. Hindi na ako makalapit sa kanila dahil napusasan na nga ako ng mga guard.
"What the hell Miss? Ano bang ginawa namin sayo?!" dumagongdong ang malalim na boses ni Amerikanong Hilaw sa canteen.
Aba!?
Gusto kong lumapit sa kaniya at sapakin siya ulit kaso mahigpit talaga ang hawak sa akin ng guwardya kaya isinigaw ko na lang ang lahat ng sama ng loob ko.
"Hah! May amnesia ka na? Ano kailangan bang ipaalala ko sayo kung anong ginawa niyong dalawa sa akin?" matapang kong saad. Kumunot lang ang noo niya. Ah? Wala ka talagang maalala? Pwes, ipapaalala ko sayo.
Kumalma ako saglit at humarap sa mga tao. Nakita ko naman si Kamea sa gilid nakatulala lang sa akin.
"Mga kaibigan! Gusto ko lang pong isalaysay ang brutal na ginawa ng mag-among hilaw na to sa akin nung nagtravel ako sa Palawan!" malakas kong sigaw. Nakuha ko naman agad ang atensyon ng lahat. May iilan akong nakitang mga ka officemate ko, pati sila naguguluhan. May kumukuha na rin video at picture namin.
Yan! Ipatrend niyo ako!
"Pumunta ako ng Palawan para makapagpahinga dahil pagod at gusto kong takasan ang problema ko sa pamilya, kaso pagdating ko doon nanakawan ako ng selpon" madaming napasinghap sa sinabi ko.
Sinulyapan ko naman si Amerikanong hilaw na mariing nakatitig lang sa akin. Habang yung driver niya naman nasa gilid umiiyak na hinahaplos ang buhok.
Ngumisi ako at muling humarap sa mga tao. Revenge ko na to, kaya susulitin ko na!
"Tapos nakita nila ako! Yang mag among yan!" turo ko sa dalawa. "Dinala nila ako sa prisinto kasi daw ako yung kumuha ng selpon niya! Tapos iniwan nila ako sa prisinto at ninakawan pa nila ako ng bag! Masy--
BINABASA MO ANG
The S2ry Of Us : WHEN YOU CAME.
Romance"Don't beg for love Cardemy, because you are someone's prayer request" - Axel "Dati yun Axel, but everything changed WHEN YOU CAME." - Cardemy Book 1 of 2 -IvyMochi