Sophie pov:
Nagising ako kinabukasan sa hindi pamilyar na kwarto. Kaya agad agad akong bumangon at dumeretso na ako sa labas para pumunta sa parking lot para umuwi na baka hinahanap na ako.
Pagkauwi ko ng bahay nadatnan ko sina mama,papa at si alexis sa sala na para bang naguusap sila. Nung napansin nila ako sabay sabay silang tumingin sa akin at hindi na bago ang tingin nila dahil nanlilisik ang tingin nila sa akin.
Winalang bahal ko na lang iyon at lumapit ako sa magulang ko pero laking gulat ko nung bigla akong sampalin ni mama at mahigpit na hinawakan naman ako ni alexis sa braso.
“b-bakit po mama?” taking sabi ko dito.
‘tinatanong mo talaga yan” sabi niya.
Biglang may binato sa akin ang tatay ko at nung tignan ko ito mga larawan ito na kuha lang kagabi.
“m-magpapaliwanag po ako tungkol dito” nagmamakaawa kong sabi sa kanila.
“hindi na sophie dahil malinaw na malinaw na isa kang maruming babae” sabi ni mama.
Kaya yun hindi na nila ako pinakinggan at hinusgahan na nila ako si alexis naman harap harap niya akong sinabihan ng mga masasakit na bagay kesyo daw p@k p@k ako na hindi na daw ako virgin at marami pang iba.
Hindi ko akalain na ganito pala sila magisip tungkol sa akin....hindi naman nila alam kahit isa tungkol sa akin at ganito na sila para bang hindi nila ako anak.
“b-bakit ganito kayo sa akin mama at papa?” lakas loob kong tanong sa kanila.
“gusto mo talagang malaman. Sige sasabihin ko sayo” aniya ni mama.
“huwag mo nang sabihin” tutol naman ni papa.
“gusto niyang malaman kung bakit ganito tayo sa kanya pwes sasabihin ko” mtigas na sabi niya.
“hindi ka namin gusto kasi hindi ka naming kadugo inampon ka lang ng aming ina nung nabuubhay pa siya dahil nakita ka niya sa bahay ampunan na malungkot at dahil mabait ang akig ina inampon kaniya at tinuring bilging apo at pinakiusapan kami na kami ang magaalaga sayo kung mawala man siya” linya ni mama.
Kahit hindi masiyadong detalyado ang sinabi niya alam ko na ang dahilan nila kung bakit hindi nila ako matanggap.
“at ang pagiging mrs. Mandela mo ay isang hiling na naman ng lola ni alexis na ikaw dapat ang papakasalan ni alexis”
“pero hindi ka naman panghabang buhay na magiging mrs. Mandela. Hanggang lang mailipat na kay alexis lahat ng ari arian ng lola niya at agad din siyang mag file ng annulment paper para sila ng TUNAY KONG ANAK ang pagpakasal”
Nasaktan ako sa mga nalaman ko at lalo nung ipagdiinan niya ang ‘tunay kong anak’ sa pagmumukha ko. Umiyak lang ako sa harapan nilang tatlo at tinignan silang lahat pero walang mababakas na awa o lungkot sa mga mukha nila.
Hindi na ako nagpaalam sa kanila at naglakad na lang ak papasok sa kwarto ko at umupo sa kama. dun ko lang binuhus ang lahat ng hula ko. Ngayon alam ko na kung ano ang dahilan nila para naman akong isang bagay na pinakinabangan lang nila at pagkatapos gamitin tapon na lang basta basta.
Kinabukasan maaga akong nagising kasi gusto kong ipagluto si alexis kahit isang beses lang. patapos na akong magluto nung nakita ko siya papasok na dito sa kusina.
“kumain ka na” sabi ko sa kanya.
“no thanks. I don’t like to eat” tipid niya sabi at umalis na.
Para naman akong napahiya ganon ba ako ka walang halaga kasi hindi man nila akong tinuring pamilya. Ako na lang kumain sa niluto ko pagkatapos niligpit ko na ito.
Hindi ako pumasok ngayong araw kasi kailangan kong maghanap pa ng isa o dalwang part time jod ko bukod sa pakiking journalist ko. Simula nung sinabi nila sa akin yung totoo hindi na nila ako binibigyan ng allowance at naka freeze na din yung ATM na binigay nila sa akin.
Nakasuot lang ako ng simpleng t-shirt at jeans at handa nang lumabas. Sa mga restaurant ako pumunta para magtanong kung may available ba silang trabaho. Hindi naman ako na hirapan sa paghahanap ng trabaho dahil nung pang lima kong pinuntahan talagang kulang sila ng waiter kaya tinanggap na nila ako agad.
“every 7-12 pm ang routine mo dito okay lang ba?” sabi ng nag interview sa akin.
“okay lang po maam” nakangiti kong sabi.
“magsisimula ka mamayang 7 dahil kunti lang kami kapag gabi na kasi”
Tumango ako sa kanya at nagpaalam na din para umuwi. Sa katunayan hindi ko naman kailangan ng pera dahil wala naman akong binubuhay pero may gusto lang akong gawin pagdating ng panahon at sigurado ako na kailangan ko ng pera.
Nung nakauwi na ako ng bahay dumeretso na ako sa kwarto para magpahinga ng kunti at babalik na agad sa restaurant para magtrabaho na.
Unang sabak ko palang ngayong gabi at masasabi kong napahirap kasi kaliwat kanan ang pagorder ng mga customer at may iba pang hindi makapag-antay ng kanilang order.
“sophie pwede bang ikaw muna ang kukuha ng order ng customer sa table 15?” sabi ni ate mel.
“sige po ate wala pong problema sa akin” at kinuha na yung paple at ballpen at lumabas na para pumunta sa table 15.
“what is your order maam sir” sabi ko.
Nung nagsalita yung lalaki agad akong kinabahan at nung tignan ko sila hindi nga ako nagkamali sina Sandra at alexis ang mga nandito sa harapan ko.
Hindi ako mapakali nung sinasabi nila yung order nila kasi yung kamay nanginginig at yung mata ko parang gusto nang maglabas ng luha.Nung natapos ko nang kunin yung order nila tumakbo ako papunta sa kitchen para hindi nila Makita ang mga luha ko. Ang sakit sakit pa lang harap harap sayong ipamukha na wala kang kwenta at walang nagmamahal sayo. Kaya sarili mo lang ang kakampi mo.
Hindi na ako yung naghatid ng pagkain nila kasi nagpaalam ako nagdahilan lang ako na masakit ang ulo ko kaya pina-out na nila ako. Hindi ko alam kung saan ako uuwi ngayon parang ayaw ko ng umuwi sa mansion dahil masasaktan lang ako
Kaya nung umuwi ako ng hating gabi nahiga na ako sa kama at natulog na lang kahit wala pa akong bihis.
Kinabukasan pumasok lang ako sa trabaho ko at ginugol ko na lang ang sarili ko para mawala sa isip ko yung mga taong iyon.
𝗔/𝗡:𝘀𝗼𝗿𝗿𝘆 𝗳𝗼𝗿 𝘁𝗵𝗲 𝘁𝘆𝗽𝗶𝗰𝗮𝗹 𝗮𝗻𝗱 𝗴𝗿𝗮𝗺𝗺𝗮𝘁𝗶𝗰𝗮𝗹 𝗲𝗿𝗿𝗼𝗿❣️
