𝗖𝗵𝗮𝗽𝘁𝗲𝗿 01

20 13 0
                                    

***𝘀𝗼𝗿𝗿𝘆 𝗳𝗼𝗿 𝗮𝗹𝗹 𝘁𝗵𝗲 𝘁𝘆𝗽𝗶𝗰𝗮𝗹 𝗮𝗻𝗱 𝗴𝗿𝗮𝗺𝗺𝗮𝘁𝗶𝗰𝗮𝗹 𝗲𝗿𝗿𝗼𝗿***

Sophie Pov:

Ilang oras na ako dito sa sala kasi hinihintay ko si alexis na umuwi dito sa bahay para na nga akong tanga dito na naghihintay sa kanya. One week lang noong nagpakasal kami at sa kasalang iyong parang kasumpa-sumpa kasi hindi man lang ako naka wedding dress talagang simple lang ang kasal naming at both parent lang naming ang saksi.

Nakabangon lang ako sa tunog ng sasakyan sa labas kaya tumakbo ako para buksan ang pintuan pero laking gulat ko sa nakita ko. Yung asawa ko kasi harap harapang nakikipaghalikan sa isang babae. Hindi k alam kung sino ang babae pero nung napatingin sa gawi ko yung babae para akong pinatay kasi yung kahalikan ng aswa ko ay ang mismong kapatid ko pa na totoong nagmamayari sa puso nang asawa ko ngayon.

Nung pareho na nila akong nakita pumasok na sila sa bahay na parang hindi nila ako nakita at parang hangin lang ako.

Minsan nga naiisip ko kung may kulang ba sa akin bakit hindi nila ako magustuhan kasi sa pamilya ko si Sandra ang paborito nila kasi daw magaling ito sa lahat ng bagay at lahat g gusto niya nakukuha niya dahil maganda siya kaya nga pati asawa ko kinuha niya.

Pinahid ko na lang ang luha ko at sinara na ang pinto para umakyat na din sa guest room….. simula nung magasawa kami hindi pa din ako nakakapunta sa master bedroom kasi magagalit si alexis. Pero bakit kapag mga babe niya pwedeng pwede sa kwartong yun bakit sa akin hindi pwede.

Natulog na lang ako at hindi na naisip ang mga gumugulo sa isip ko. Ayokong saktan ang sarili ko.

Napunta lang naman ako sa ganitong sitwasyon dahil sa maling akala nila sa akin.

*****one week ago***

Nandito kami sa isang sikat na bar kasama ko ang nagiisa kong kaibigan na si diana kasi gusto ko siya samahan dahil may problema siya sa buhay. Hindi ko na napapansin na napaparami na din ako ng inom ng alak nung pauwi na kami hindi na kami nagsabay pa kasi may kanya kanya naman kaming sasakyan. Nung nasa parking lot na ako akala ko yung kulay red ang sasakyan ko na nakapark kaya binuksan ko iyon pero laking gulat ko nung may nakita akong lalaki na nakaupo sa driver seat kaya pumunta na lang ako sa likod ng sasakyan para doon maupo at dahil sa kalasingan ko nakatulog ako agad agad.

Nagising ako dahil sa ingay sa paligid nung minulat ko ang mata ko nakita ko na doon sina mama at papa. Na nakikipagusap sa isang lalaki.

“anong ginawa mo sa anak ko?” malumanay na sabi ni mama.

“wala po akong ginawa sa kanya siya p iyong pumask sa kotse ko kagabi” sabi namn ng lalaki.

Nung siguro naramdaman nila na nakabangon na ako humarap sila sa akin at yung sanang pagalala na makikita ko sa mata ni mama pero wala kundi panlilisik pa iyon.

“anong ginawa mo babae ka. Alam mo bang boyfriend ng kapaitid mo yan” sabi niya habang sinasabunotan ako.

Wala akong nagawa kundi umiyak lang ng umiyak.nung nalaman nila mr. mrs. Mandela sa nangyari sabi nila kailngan daw naming magpakasal at baka magbunga pa. kaya ganon nga ang nangyari.

End of flashback

Nagising ako dahil sa sikat ng araw na tumatama sa bintana ng kwarto ko. Pumunta ako sa kusina nung nadatnan ko doon sina alexis at Sandra na sweet na sweet sa hapag. Nung nasa tapat nila may narinig pa ako.

“I love you hon” sabi ni Sandra.

“I love you too babe” sabi naman ng aking asawa.

Hindi ko na lang sila pinansin at dumeretso na lang ako sa ref para uminom ng tubig. Nung natapos na silang kumain saka na lang ako kumain magisa parang katulong lang ang peg ko dito pero ang kaibahan lang hindi ko sila pinagsisilbihin.

Nung natapos akong kumain pumasok ako ulit sa kwarto ko para maghanda na para pumasok sa trabaho.

Graduate ako bilang isang journalist sa isang sikat na paaralan nila alexis. Noong nagaaral ako kailangan ko ng suportahan ang sarili ko kasi yung mga magulang ko ayaw nila akong suportahan dahil ayaw nila sa kursong kinuha ko dahil daw cheap itong course na ito. Pero hindi ako nakinig sa kanila kaya ang ending ako mismo ang nagsupurta sa sarili ko.

Nung natapos na akong magbihis agad na din akong umalis para pumasok na.

“ buti nandito ka na kanina ka pa kita inaantay” sabi ng isa niyang katrabaho.

“medyo traffic lang kanina” tipid kong sabi.

Inakay niya na ako para pumasok na kami sa office namin.

~~~~~~~~~~~~~

Ganon lang ang daily routine ko everyday hanggang hindi ko namamalayan na one month nap ala kaming nagsasama nila Sandra at alexis sa isang bubong pero nung isang araw biglang pinatawag ni papa si Sandra para daw siya ang pumunta sa America para sa isang project ng kompanya naming doon. Kaya ngayon wala si Sandra ito sa bahay.

Si alexis naman hindi ko na siya nakikita dito sa bahay. at alam ko ang dahilan niya…kasi wala na dito yung pinakamamahal niya kaya hindi na siya umuuwi dito sa bahay.

Napatigil ako sa ginagawa kong journal nung nagring yung phone ko. Kaya dali dali kong kinuha at sinagut ang tawag.

“sophie nagyaya si lhai na magbar tayo kasi daw birthday niya ngayon” sabi ni lissel

“hindi ako pwede ngayon may ginagawa pa ako” alibay ko sa kanya.

“hindi daw pwede sophie kasi gusto niya na makasama niya tayo” sabi niya.

“okay sige saan bang bar yan” suko kong sabi.

Nung tapos na kaming magusap binaba ko na ang tawag at naghanda na para pumunta sa bar na sinabi ni lissel sa akin. Ilang minuto lang natapos na akong magbihis kaya dumeretso na ako sa sasakyan ko

Nandito na ako sa bar at agad kong hinanap kong nasaan sila lissel. Nung nakita ko na sila agad din ang lumapit at umupo sa tabi niya

“buti nandito ka na sophie kala ko i-indiyan mon a kami” sabi ni lhai.

“sorry kanina may ginagawa lang akong journal” sabi ko.

“okay lang at least nandito ka na kasama namin” ngiti naman niya.

Sa totoo lang hindi ako mahilig uminom kaya juice lang ang i-norder ko pero dahil mapilit si lhai napainom na din ako.

Hanggang sa hindi ko na namamalayan na tinatamaan na pala ako ng alak at yung mga kasama ko nakatulog na din sa sofa dito sa bar.

Ilang minuto lang nung may naramdaman akong bumuhat sa akin at dinala kung saan. Magsasalita pa sana ako pero hindi ko na talaga kaya at tuluyan na akong natulog. At hindi na alam kung ano ang nangyari.

𝗔/𝗡:  𝗮𝗻𝗼 𝗸𝗮𝘆𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗻𝗴𝘆𝗮𝗵𝗮𝗿𝗶 𝗸𝗮𝘆 𝘀𝗼𝗽𝗵𝗶𝗲..🙃

𝐈𝐦 𝐇𝐢𝐬 𝐃𝐢𝐫𝐭𝐲 𝐖𝐢𝐟𝐞Where stories live. Discover now