CHAPTER 1.
Ako si Sandra Aligarme, a graduating college student. I have a long time boyfriend, he is Fritz Manzaro. Limang taon na kami and now is our Anniversary.
Aaminin kong hindi perfect ang relasyon namin pero kahit na dumaan kami sa maraming away at mga pagsubok, nananatili pa rin kami sa matatag. At masasabi kong masaya kami sa isa't-isa.
Tuwing monthsarry and anniversary namin, siya ang laging gumagawa ng mga sorpresa para sa akin, ma-effort siyang boyfriend at palagi niya akong pinapasaya. Kaya naman ngayong ika-limang taong anibersaryo ng aming relasyon, naisipan kong ako naman ang gagawa ng sorpresa para sa kanya. Ako naman ang babawi kay Fritz.
Naghanda ako ng dinner date naming dalawa dito sa resort ng isa naming kaibigan. Nilagyan ko ng mga dekorasiyon ang buong paligid. Mayroong mga balloons, banner, letters, mga picture namin na magkasama ang nakasabit, may mga candle lights, and petals of roses din sa paligid. Ako rin ang nagluto ng mga putaheng nakahain sa mesa, na ngayon ay inayos ko ng maganda.
Pinag-baked ko rin siya ng cake at nilagyan ko 'yun ng greeting, 'Happy 5th Anniversary, Hon'.
Ginawa kong romantic ang lahat, ang buong lugar para pagdating niya ay magustuhan niya lahat ng 'to.
Tin-ext ko na siya na puntahan niya ako dito sa resort, nag-ayos na ako ng sarili at hinintay ko siyang dumating.
At habang wala pa siya ay inilagay ko ang isang paper bag sa gilid ng dinner table. Nakalagay sa paper bag na iyon ang regalo at pinaka-sorpresa ko sa kanya ngayong araw ng anniversary namin.
Ngunit nagtaka ako dahil na-late pa siya ng mahigit 30 minutes, pero baka na-traffic lang sa daan kaya hinayaan ko lang. After a moment ay dumating na rin naman siya sa wakas.
Pagdating niya ay bakas sa mukha niya ang pagkagulat nang makita ang inihanda ko. Pero masaya ko siyang sinalubong ng yakap at halik sa pisngi.
"Happy Anniversary, Fritz-honey! I love you!" Bati ko sa kanya habang nakayakap sa kanya. Hinila ko siya papunta sa tabi ng mesang inihanda ko.
"Nagustuhan mo ba?" Tanong ko sa kanya.
Tumango siya at ngumiti ng pilit, kaya napansin ko agad na parang may mali, na parang hindi siya masaya?
"M-may problema ba, hon?" Tanong ko.
Hindi siya sumagot agad, hinawakan lang niya ang kamay ko at seryosong tumingin sa akin.
"Hey okay ka lang ba, hon? May problema ba?" Tanong kong muli at hinawakan ko ang pisngi niya pero umiling siya. Pumikit siya at humugot ng malalim na hininga bago nagsalita.
"Sandra." Simula niya. "Thank you for doing this for me." Sambit niya na alam kong ang tinutukoy niya ay itong ginawa ko.
Nakangiti pa ako sa kanya nang sabihin niya iyon.
"But i'm sorry, h-hindi ko na kayang tanggapin 'to." Sambit niya. Napakunot noo naman ako sa sinabi niya. Sa isang iglap nawala ang ngiti ko.
"A-ano, honey?" Tanong ko sa kanya. Anong-bakit hindi niya kayang tanggapin? "Anong ibig mong sabihin?"
Huminga muli siya ng malalim, halatang kabado siya at parang may gusto siyang sabihin sa akin, nag-aalangan lamang siya.
"Hindi ko kayang tanggapin 'tong surprise mo kasi... i, i'm breaking up with you, Sandra. I'm sorry."
Sa mga salita niyang iyon, feeling ko sinaksak ako sa puso ko. Para akong pinagsakluban ng langit at lupa, parang nawalan ako ng gana sa lahat. Parang tumigil ang mundo ko at nalowbat ako bigla.

BINABASA MO ANG
ANNIVERSARY
Short StoryIt's our anniversary, ang araw kung kailan niya ako iniwan. -Sandra ---- Anniversary Short Story Written by: Yeensheen