CHAPTER 2.
5 years ago...
3 P.M at the playground.
Nakangiti ako habang pinapanood ko lang na nakikipaglaro ang anak kong si Francis sa mga kapwa niya bata dito sa playground. Sinama ko siya dito tutal wala naman siyang pasok at para na rin makapamasyal siya at ma-enjoy niyang maglaro sa labas.
Si Francis ang baby namin ng ex kong si Fritz. Malaki na siya, 4 years old na siya ngayon, at malapit na siyang mag-five sa birthday niya.
Maya-maya habang naglalaro siya ay napansin kong nakakaaway na niya ang isang batang lalaki na kalaro niya. Kasing edad lang ito ni Francis kaya naman mukhang hindi sila magkasundo. Nakita ko na tinulak ng bata ang anak ko ng malakas kaya nabuwal si Francis sa sahig. Agad na akong tumakbo palapit sa anak ko at itinayo siya.
"Mommy inaaway po ako niyan." Sumbong ni Francis sa akin habang nakaupo ako para mapantayan siya, tinuro niya ang batang tumulak sa kanya.
"Sino ang magulang mo bata, bakit mo tinulak ang anak ko?" Mahinahong tanong ko sa kaaway ni Francis.
"Ako, bakit anong nangyari?" Sagot ng isang pamilyar na boses. Lumapit ito sa batang nakaaway ni Francis at hinawakan niya ang balikat nung bata.
"Sandra?"
"Fritz?" Hindi makapaniwalang tawag namin sa isa't-isa. Napatitig na lamang ako sa lalaking nang-iwan sa akin, ganun din siya hindi niya inalis ang tingin niya sa akin.
Tumayo ako habang hawak-hawak ko ang kamay ni Francis.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko kay Fritz. Napakurap naman siya nang magsalita ako at lumipat ang tingin niya sa anak namin, bigla akong kinabahan. Hindi pa alam ni Fritz na may anak na kami, hindi niya alam na buntis ako nung iniwan niya ako.
Kinakabahan ako dahil baka mapansin niyang malaki ang pagkakahawig nila ni Francis, baka isipin niyang anak niya ito na siya namang totoo.
Imbes na sagutin ni Fritz ang tanong ko ay iba ang sinagot niya.
"May anak ka na rin pala?" Tanong niya.
Ngumiti ako ng pilit sa kanya. "Oo, bakit ikaw lang ba ang pwedeng magkaroon ng anak?" Pabiro kong sagot sa kanya, tumawa naman siya ng mahina. Tawa na halata mong napilitan lang.
"Hindi naman. Ilang taon na siya? At anong pangalan niya?" Tanong niya sa akin.
"Hi pwo, sir. Athwo po si Francis Aligarme, 4 years old na po ako. Nice to meet you po." Sagot ni Francis. Minsan ayoko talaga ang ugali ni Francis na biglang sumasabat sa usapan ng matatanda. Nako po, sinabi niya ang pangalan niya baka maghinala na si Fritz sa akin.
"F-francis?" Ulit ni Fritz sa sinabi ng anak ko.
Tumangu-tango naman si Francis sa kanya. Tumingin sa akin ng makahulugan si Fritz. Francis kasi ang gustung-gusto niyang ipangalan sa magiging anak namin dati, at dahil anak niya talaga ito ay Francis ang ibinigay kong pangalan sa anak namin.
"Oo, Francis ang name ng anak ko. Ipinangalanan ko lang siya no'n dahil 'yun din ang gusto kong name ng magiging anak ko in the future. At ngayon ito na siya." Sambit ko at hinigpitan ko ang paghawak sa kamay ng anak ko.
"Talaga? Akala ko kasi dahil 'yun ang gusto kong name ng magiging anak sana natin noon." Sagot niya, umiling naman ako sa kanya at ngumiti ng peke.
"Hindi dahil do'n, hindi dahil sa 'yo kung bakit Francis ang ngalan ng anak ko." Pagsisinungaling ko. Dahil wala akong balak na sabihin sa kanya ang totoo.

BINABASA MO ANG
ANNIVERSARY
Short StoryIt's our anniversary, ang araw kung kailan niya ako iniwan. -Sandra ---- Anniversary Short Story Written by: Yeensheen