note: happy third anniversary to me here in wattpad! happy reading, everyone!
---
S I D
Why did we not become friends before?
Earlier, I'm just writing confidently on a blank paper but after reading the contents of it, it felt nothing. I had a bunch of crumpled papers in front of me since then. I just realized how an awful writer I could be.
But when that question popped up, I've been asking that to myself for hours, and here I am, staring into this new blank paper, not knowing what to write.
Should I just confront her?
Hindi.
Hindi ko kaya.
Fine. I'll just find the answer to that question.
But it's been hours.
Wala akong ibang maalala kundi si Reese na laging nakatungo, hindi nagsasalita, at palaging may kaharap na libro.
Yung katabi ko sa klase simula kinder hanggang junior high school na kahit kailan hindi ko nakausap kasi sa tuwing free time, lagi akong hinahatak ng mga kaibigan ko sa canteen para kumain o 'di kaya sa kalagitnaan ng klase, kunyari iihi pero magka-cutting pala.
Napamasahe na lang ako sa ulo ko. Good old days.
Mabuti na nga lang, nakapagbago agad ako, kung hindi – hindi ko sana naranasan ang Espanya.
Napasandal ako sa kinauupuan ko, siguro wala talagang rason.
Walang rason kasi hindi pa yun ang timing namin.
Hindi talaga ako naniniwala sa destiny pero... dahil sa istorya ng mga magulang ko, mukhang totoo.
Siguro hindi talaga yung mga magulang ko ang para sa isa't isa, siguro yung nanay ko talaga at yung tatay ni Erika ang nakatadhana, hindi lang nila pinilit noon, pero siguro kung pinili ng nanay ko na tuparin yung pangarap niya kasama yung tatay ni Erika, wala ako rito sa mundo ngayon bilang ako.
Napapikit ako.
Siguro nga, wala talagang rason.
Plano ko sanang umidlip pero napatingin ako sa phone ko nang ang tumunog na kasunod sa pinapatugtog ko ay yung Tahanan ng Munimuni.
Hindi ko alam pero para akong tinamaan, kaya naisipan kong kantahin yun. Isang araw ko yun pinag-aralan, pagdating ng hapon bumili ako ng walkman at tape, dumidilim na nang mai-record ko yung pagkanta at paggigitara ko bago ako sumulat ng liham para sa kanya.
Inabot ako ng madaling araw pero ayos lang. Sanay naman na akong mapuyat. Hindi na bago.
Pumunta ako sa terrace ng unit ko. Tumingin ako sa mga tala sa langit, hindi ko alam kung tinutupad ba nila ang mga hiling ng tao, pero maniniwala ako sa kanila ngayon. Wala naman akong ibang hiling.
Siya.
"She's here," Erika told me as soon as she stepped out of Mom's room.
Sumilip ako sa loob ng kwarto at nakita kong nakatingin sa akin si Mommy, nginitian niya lang ako. It seems like her talk with Erika went well now.
That's a relief.
"Who?" I asked Erika and looks at her.
"Reese," she answered. "She's been here three days ago, I thought she already found you, but she's still not here with you," she added, disappointedly.
"Can I borrow your phone?"
"Where's yours?"
"Naiwan ko sa QC."
"What a shame." She rolled her eyes and handed me her phone.
"What an attitude," I whispered as I log in to my account on Facebook.
"Just thank me that I brought her here."
I glance at her. "Ikaw nagdala sa kanya dito? Tapos hindi mo pa ako itinuro?"
"She'll find ways to find you if she really wants to."
Wala akong nakitang post niya sa Facebook kaya sa Instagram naman ako nagtingin, and there, I saw her.
I immediately went where she was.
I still caught her in front of a bonfire she posted on her Instagram.
So, I replied to her.
It took her a minute before she turned around.
Minura pa ako.
Pero masaya ako.
Masaya ako na nandito siya.
Masaya ako na mahal niya rin ako.
Tumingin ako muli sa mga tala, nagpasalamat ako. Ito pa lang ang simula ng aming kwento. Wala pa kami sa gitna, pero kung dadating man ang wakas, siya pa rin ang pipiliin ko.
Sisiguraduhin kong ito na ang una at huling pagtatagpo ng aming linya. Huli, dahil hindi ako papayag na maghiwalay pa ang nagtagpo na.
BINABASA MO ANG
Along Parallel Lines
Ficción GeneralAPL | AN EPISTOLARY Parallel lines have a lot in common, but they never meet which is pretty sad. But little did they know, they meet at exactly one point. --- Started: December 31, 2019 Completed: April 19, 2020