Entry #23

217 12 8
                                    

Sana Isang Araw

By Thatania Styles(aka ThatieStylesGarfield)

        Habang dahan-dahang naglalakad ay lumilinga-linga ako sa paligid, nagbabakasaling baka kasi makita ako ni Boss Pedro. Baka masapak na naman ako 'nun, at saka, malamang sa malamang ay diretso sa lupa na ang diretso ko. Nang makarating ako sa pintuan ng kwarto ni Boss Pedro ay dahan-dahan kong inikot ang sedura ng pinto. 'Pag bukas ko ay agad sumalubong sa akin ang napaka-laking globo na nasa gitna ng kwarto ni Boss Pedro. Gwa ito sa purong ginto at diyamante  na siyang sumasalamin sa mundo, malamang globo ng 'di ba? Kapag iniikot mo ang ulo mo sa silid ay puro ginto at hiyas. Ang ganda talaga dito.

        Umupo ako sa gitna at kumain ng paborito kong ubas. Lagi naman akong ganito, palaging tumatakas na pumunta dito sa kanyang kwarto para mapagmasdan kung paano namumuhay ang mga tao. Habang nakatitig sa globo at kumakain ng ubas, tatlong magkakaibang tao ang naka-agaw ng atensyon ko. Isang matandang lalaki na nagnanakaw sa loob ng bangko, isang batang lalaki na nambu-bully at isang teenager na lalaki (na mukhang ka-edad ko lang) na binubugbog ng isang lalaking. Napailing na lang ako habang tinititigan sila. Mga tao nga naman. Tiningnan ko paang ibang nasa globo, pero tila nangingibabaw talaga sila.

        Maya-maya'y nakarinig ako ng sipol. Nabitawan ko ang dala-dala kong ubas at saka ko napag-tanto, patay, parating na si Boss Pedro! Naghanap ako ng matataguan, at kung minamalas ka nga naman, walang mapag-tataguan sa silid ni Boss. Nakita ko na may espasyo pa sa ilalim ng globo. Agad ko itong tinungo at isiniksik ang sarili ko. Papalapit na ang mga yabag at sipol! Mas lalo kong binilisan at hindi na ininda na tabingi na ang globo. Maya-maya'y narinig kong bumukas ang pintuan at iniluwa nito si Boss San Pedro.

          Sa hindi inaasahang pagkakataon, biglang nalaglag ang globo at narinig ko kung paano sumigaw si Boss Pedro. Maayos pa naman ang globo. Tatayo na sana ako na para wala lang nangyari kaso hindi ko naituloy dahil nakatingin na ng pamatay si Boss, wala na lang akong ibang nagawa kundi ngitian siya at bigyan ng peace sign. 'Wag kang sumigaw, 'wag kang sumigaw. Pilit kong sinasabi sa utak ko. Pero mukhang wala naman atang epekto.

        "ARIA!" ayan na. Patay na talaga ako!

*****

        Naka-upo ako ngayon dito sa lugar ng pinaglilitisan. Nandito si Cupid, Phsyche, ilang mga anghel na gaya ko at ilang mga propeta. Sana naman 'wag nila akong pababain sa lupa. Lahat sila ay naka-upo sa harapan ko. Bale ako ang nasa gitna. May judge 'din at tagapagtanggol.

        "Aria, ilang beses ka na ba naming binalaan tungkol sa pagpunta sa opisina ko?" nakakatakot at nakasisindak na sabi ni San Pedro. Kumpleto kaya lahat sila dito. Kulang na lang ay si Bathala.

        "Hindi ko na po mabilang hehe..." sabi ko na lang. Nagbulong-bulungan naman silang lahat. Napabuntong-hininga na lang ako.

        "'Yun naman pala Aria, hindi na mabilang. Pero bakit patuloy mo pa 'ring ginagawa? Ha?" muling tanong ni San Pedro.

        "Maganda po kasi doon." naka-yukong sabi ko. Sana lang talaga 'wag nila akong ipadala sa lupa. Sabi ko sa utak ko.

        "Pero hindi ka pa rin makikinig kahit na patawarin ka namin ngayon 'di ba? Gagawin at gagawin mo pa rin ang ginagawa mo. Kaya ngayon, makaka-tanggap ka ng isa sa pinaka-mabigat na parusa na maaring ipataw sa isang anghel na kagaya mo." sabi ni Gabriel.

WRAWH Valentines Day Writing Contest Entries(TRAGIC EDITION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon