SWIM - 10

161 9 2
                                    

SWIM - 10

Matapos ang tatlong oras na pagdalaw sa ina ni Hanelle, naglalakad sila ng kanyang Inay palabas ng sementeryo nang may mahagip ang paningin niya na isang puntod na pamilyar sa kanya ang nakapangalan don.

Tumigil siya saglit para kumpirmahin kung tama nga ang nabasa niya. Baka kasi namamalikmata lang siya.

In loving memory of
'Ethyl Lopez'
May you rest in peace
Date of birth: April 22, 1973
Date of death: September 1, 2014

"Nay, dito rin po pala nakalimbing si tita Ethyl."

Napabuntong-hininga ang Inay niya. "Oo, apo. Ni isang beses, hindi man lang nadalaw ni Ethan ang kanyang ina dito."

Naglagay ito ng bulaklak sa tabi ng lapida ng ina ni Ethan na hindi pala niya napansin na may isa pang dalang bulaklak ang Inay niya.

"Hayaan nyo po, kakausapin ko siya tungkol dito."

Ngumiti ang matanda at kapagkuwan ay tumango. Ilang minuto pa silang nanatili ron at taimtim na nag usal ng dasal bago napagdesisyunang umuwi na.

Tahimik lang si Hanelle buong biyahe hanggang sa sila'y makauwi.

"Elle!"

Patakbong lumapit si Ethan nang makita si Hanelle saka ito binatukan.

"Para saan 'yon?"

Ngumuso ito na parang nagtatampo. "Bakit mo ko iniwan kanina, ha? Akala ko ba sabay tayo uuwi?"

"A-ah, sorry nakalimutan ko. Ang tagal mo kasing hindi pumasok kaya nakalimutan kong okay ka na pala."

"Aray ha. Pero teka... saan kayo galing?"

Magsasalita sa sana si Hanelle nang maalala ang ina ni Ethan. Kailangan nyang kumbinsihin itong dumalaw man lang kahit isa sa isang buwan.

"Ethan, pwede ba kitang makausap?"

Natawa ito. "Tulog ka ba? Nag uusap na tayo oh."

Napabuntong-hininga na lang siya. "Seryoso ako, Eth."

Ilang segundo bago makasagot ang binata. May pakiramdam itong wala sa mood si Hanelle na tumawa kaya nakisama na lang siya.

Pumayag siyang sa dating bahay nila Ethan sila mag usap ng masinsinan. Umupo silang dalawa sa duyan na hindi pa don inaalis.

"Ano 'yon?"

Huminga muna ulit ng malalim si Elle bago magsalita. "Bakit hindi mo man lang dinadalaw si tita Ethyl sa puntod niya?"

Halatang natigilan ang lalaki sa tanong niya. Hindi ito gumalaw o nagsalita. Nakatingin lang sa sariling paa na nilalaro ang buhangin.

"Eth--"

"Hindi ko pa tanggap." putol nito sa sasabihin niya. "Hindi ako pumupunta dahil hindi ko pa tanggap, Elle. Mahirap... mahirap pang tanggapin na wala na sya. Mahirap tanggapin na wala na si Mama."

"Eth,"

"Pero susubukan ko." malungkot itong ngumiti. "Susubukan kong puntahan sya para matanggap ko na talaga sa sarili ko na nasa mabuting kamay na sya."

Walang lumabas na luha sa mga mata nito. Siguro dahil pagod na siyang umiyak sa mga oras na wala siyang makakapitan. Pero dumating si Elle para manatili sa kanyang tabi sa mga araw na siya'y luhaan.

A Promise To Keep (Athlete Series #1) - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon