SWIM - 1

456 28 16
                                    

SWIM - 1

Matapos ang pag eensayo ni Hanelle at nang iba pa niyang kasamahan sa paglalangoy, masaya siyang nagtungo kung nasaan naghihintay ang itay niya.

"O, kumusta apo?"

Malapad na ngumiti si Hanelle. "Itay, tinuruan po muna ako ni coach Vic ng basic kase po baguhan pa lang ako."

Kaagad natuwa ang kanyang itay sa ibinalita ng apo.

Naglakad na sila pauwi sa kanilang maliit na bahay-kubo. Naghihintay na rin don ang kanyang inay.

"Itay, alam nyo po ba, may lumapit sa aking bata at nagpakilala sakin. Tapos sabi po niya, kung pwede daw pong makipagkaibigan kaya tinanggap ko po."

"Masaya ako apo na may kaibigan ka na." tugon ng kanyang itay.

Mula sa masayang mukha ni Hanelle kanina, sumimangot ito ngayon. "Kaso po, lumapit ako sa iba pero hindi nila ako pinansin." nagliwanag ulit ang mukha nito. "Kaya po masaya po akong makilala si Ethan."

"Ethan?"

Tumango siya. "Opo."

Nang makarating sila sa kanilang munting tahanan, naabutan nilang nag iihaw ng isda ang kanyang inay gamit ang mga panggatong.

Lumapit si Hanelle sa inay niya at niyakap ito habang nakatalikod. Bahagyang napatalon ang inay niya sa gulat.

"Nandito na pala kayo,"

Nagmano si Hanelle rito at umupo na sa kahoy na nagsisilbing hapag-kainan nila. Inihanda ng inay niya ang dahon ng saging na nagsisilbing naman nilang plato. Wala silang maayos na kagamitan katulad ng kutsara't tinidor kaya ang kanilang ginagawa ay nakakamay lamang.

"Inay, asaan po ang mga magulang ko?" kapagkuwang tanong niya habang kumakain ng hapunan.

Natigilan naman ang kanyang inay at itay sa tanong niya na tila hindi alam ang isasagot.

"Apo, bakit mo naman natanong?" itay niya ang nagsalita.

"Kase po yung mga bata kanina nung matapos po kaming lumangoy, lahat po sila nagtakbuhan sa mga magulang nila. Kaya po nagtatanong ako kung asaan po ang akin?" Inosenteng tanong ni Hanelle habang ngumunguya ng isda.

Nagkatinginan naman ang dalawang matanda at sabay na humarap kay Hanelle na may awa sa mukha.

Bumuntong-hininga ang kanyang itay. "Apo, saka na namin sasabihin kapag malaki ka na ha? Hindi mo pa kasi maiintindihan sa ngayon."

At si Hanelle, bilang Hanelle na maintindihin, ay tumango. "Okay, po."

Sa kalagitnaan ng pagtulog ni Hanelle nang sumapit ang alas otso ng gabi, nagising siya nang maramdamang naiihi at kailangang magtungo sa banyo na nasa labas pa ng kanilang bahay.

Lahat ng tao na naninirahan sa malapit sa kanila, ay duon rin gumagamit ng banyo kaya minsan, mahaba ang pila at kailangan magtiis.

Dahan-dahang siyang bumangon sa papag na hinihigaan at akmang lalabas na ng bahay nang marinig niyang nag uusap ang kanyang inay at itay. Hindi niya 'yon sinasadyang marinig ngunit nang marinig niya na binanggit ang kanyang pangalan, hindi muna siya umalis at nakinig sa usapan ng mga ito.

"Kailan pa natin sasabihin kay Hanelle? Kung kailan malaki na siya? Paniguradong magagalit yun kapag nagkataon," boses iyon ng kanyang inay.

"Hindi ganon ang apo natin. Maghintay na lang tayo sa tamang panahon." sagot ng kanyang itay.

"Antonio, kamumuhian tayo ng apo natin kung hindi pa natin sasabihin sa kanya ang totoo."

"Hindi. Hindi ngayon. Masyado pa siyang bata."

A Promise To Keep (Athlete Series #1) - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon