Life isn't red roses all the time. May mga pagkakataong natutuyo tayo and for the rose to bear flowers once more, we tend and water it. At iyon ang literal na ginagawa ngayon ni Pao. He is spending some time alone in this wonderful beachfront.
He is guilty like a highschool boy who cuts class. Hindi siya umuwi ng bahay after his night shift in a call center where he works as an operations manager.
He's literally worn sa bahay at sa trabaho and this escape is nothing but perfect. Saka na niya iisipin ang mundong tinakasan after niyang masulit ang maghapong pagpapakalayo-layo.
The sound of waves that bumps into the white sands is a melody to his ears. It soothes his soul. The feeling never grows old. Bata pa lang ay ganoon na ang kanyang nararamdaman every time na maririnig niya ang mabining hampas ng alon sa buhangin.
Lumaki si Pao sa probinsiya. Sa pampang dagat nakatayo ang kanilang kubo noon kaya naman kinalakihan na niya ang alon.
He loves swimming. Tinatanggal nito ang lahat ng negatibong emosyon, sama ng loob at pighati niya.
When his father died, he swam and swan until he got tired of it. Nang magbreak sila ng kanyang kauna-unahang girlfriend na si KC, ibinuhos niya ang himutok sa paglangoy. That temporarily eases his pain. And right now, all he wants to do us...
"Excuse me, sir. Sir, gusto n'yo magswimming?"
At lintek, naputol ang kanyang solitude dahil sa walang kwentang taong nasa kanyang harapan. Pinagtaasan niya ito ng kilay at walang salitang lumabas sa kanyang bibig.
"Magsuswimming kayo?" Muli ay tanong nito sa kanya.
"What if I want to swim?" Nabubugnot niyang wika. Ni hindi na ito tinapunan pa ng tingin. Para ipamukha niyang hindi siya interesadong makipag-usap.
Pao wants to be left alone and this heck pops out from somewhere taking it like a pro.
"Mukhang swim na swim na kasi kayo. Nakasuit pa man din kayo. Pwede kitang pahiramin ng board shorts ko at," Hindi nito itinuloy ang sasabihin saka kumamot sa leeg.
"And what?"
"Brief," mahina at tila nahihiyang wika ng kanyang kaharap subalit sapat iyong upang makarating sa kanyang tenga.
Nag-isang linya ang kilay ni Pao.
[Hmm. What do you think guys? I'll try to make this story as wholesome as possible. Please vote, comment and add this story to your library para updated ka. I will try to update as often as possible. Pero can I have 100+ reads before I post the next episode?☺️]