Chapter 1

139 5 2
                                    

¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤

6 YEARS AGO
(4th Year -1st Day of Classes)

Krystal's POV
"Tumahimik na nga kayo! Hehe" sabi ko sa mga kaibigan ko na kanina pa nagbabangayan. At kanina ko parin sila pinapatigil pero ayaw nila makinig sa akin.

"Ibalik mo na kasi sakin yan!" Yanna

"What if I don't want to? Haha!" Anie

"Hala Anie umuusok na yung ilong ni Yanna. Look oh, pati cheeks nya lumolobo--KYAAAHH TAKBO! HAHAHA!" Jessica

At ayun nagsimula na silang tatlo maghabulan. Hindi ba sila nahihiya? Duhh nandito kaya kami sa school ground. Madaming nagkalat na estudyante. Hindi ba sila naiilang na may nakatingin o may nakakapansin sa kanila? Grrr. Nakatanaw lang ako dito habang sila andun sa gitna at naghahabulan. Ayoko nga makisali sa kanila. Nakakahiya kayang tumakbo sa gitna ng grounds.

Ay oo nga pala. I forgot to introduce myself. So, I'm Krystal Venize Orellana. 17 years old. And studying in Diamond Academy. Mayaman, maganda at mahiyain. Hindi ako mahilig maki-socialize sa ibang tao. Sa mga ka-close ko lang talaga. 

"Why so bagal Yanna? Hahaha!" Siya si Anie. Anie Veronica Valverde. 18 years old. Ang pinakamatanda saming magkakaibigan. Conyo, maarte, kikay, at higit sa lahat ubod ng hilig sa mga lalaki. Basta usapang lalaki? Hindi pwedeng mawala ang isang Anie Valverde dyan. Ewan ko ba dyan kung bakit sobrang nahilig sa mga lalaki. At take note lalaking Bad Boy ang looks.

"Hahaha! Tinatanog pa ba yan? Halata naman oh. Tignan mo nga siya. Ang liit liit. Kaya malamang mabagal talaga tumakbo yan." At siya naman si Jessica Kate Herrera. 17 years of age at Aprhodite ang section niya dito sa Diamond Academy. Magka-section lng kami ni Jessica. Mabait, palabiro, makulit, pala-asar, matapang at palaban si Jessica. Siya madalas yung nagtatanggol samin kapag may nambubully sa amin. Lagi din siyang Positive. Na parang lahat ng darating na problema sa mundo may solusyon.

"Ughh. I Hate you guys. I HATE YOU!!" And last but not the least, si Yanna. Yanna Mae Villalobos. Siya yung madalas naming pagtrip-an. Pikon kasi ehh. Madaldal, makulit, at matakaw. No, scratch that SOBRANG TAKAW nya. Ang daya nga eh kasi kahit anong kain nya hindi sya tumataba. Kayangalang napupunta lahat sa pisngi nya yung taba. Hahaha. Kaya sobrang cute nya eh. Si Yanna din yung tipong Happy Go Lucky. Basta may dala syang pagkain, masaya na sya.

Ay teka. Napahaba ata yung pagkwe-kwento ko sa inyo. Kailangan na naming bumalik sa classroom. Magta-time na kasi.

"Guys, tara na. Tigilan nyo na si Yanna. Magbe-bell na. Balik na tayo sa classroom." Sabi ko sa kanila. Napatigil din naman sila sa kakahabulan nila.

"Akin na kasi yan eh" Nakabusangot na sabi ni Yanna.

"Hahaha! Ibalik mo na Anie. Kawawa naman si Yanna. Baka mangayayat yung pisngi nyan. Hahaha!" Sabi naman ni Jessica. Teka, nangangayayat ba ang pisngi?

"Ohh, here na." Sabay abot ni Anie kay Yanna. Buti naman binigay na nila yun kay Yanna. Curious ba kayo kung ano yung kinuha nila Jessica kay Yanna? Edi ano pa? PAGKAIN. Nakita kasi nila yung Blueberry Cheese Cake ni Yanna sa tabi nya. Edi ayun. Pinagtrip-an nila. Kinuha nila habang hindi tumitingin sa kanila. Alam nyo naman si Yanna, pagdating sa pagkain sobrang maingat. Kaya kinukuha agad nya kasi daw baka malaglag.

*Bell Rings*

Ayan na nag bell na. Kailangan na namin bumalik sa classroom. Baka malate pa kami. Ayoko nga mapagalitan. Nakakahiya yun!

At ayun naghiwalay na kami ng landas.

"Bye guys! See ya lateer!"

"Jess kinakabahan akoooo! Ayokong magpakilalaa!!"

A Priceless TreasureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon