Chapter 6

54 6 1
                                    

Anie Veronica's PoV

Habang nagtatawanan kami napatingin ako sa bandang likod ni Yanna. At hindi ko inaasahang makita si Savannah kaya napatigil ako.

"Anie may problema ba?" Napansin siguro ni Yanna na napatigil ako.

"Guys. Si bestfriend oh." Sabay nguso ko sa bandang likod ni Yanna.

"O.M.G" Krystal

"Psh. Bagong alipores?" Jessica

"Bitchfriends 2.0" Yanna

Kahit sila nagulat din, kasi naman may mga kasama na sya. Eh dati lang diba sya lang lagi mag-isa? Tpos ngayon meron na.

"Tss. Wag nyo na yan pansinin masasayang lng oras nyo." Sabi ni Jess. At iniwas na ang tingin kay Savannah. Hanggang ngayon kasi galit parin kami sa knya. Hindi lang talaga namin akalain na kaya nya kaming iwan ng ganun ganun na lng. At iniwan nya pa kami ng walang dahilan. Halos tinuring na namin syang kapatid.

Nanlaki naman ang mata ko ng makita kong palapit sya dito sa pwesto namin.

"Oh! Hi girls! Nice seeing you here!" Savannah habang nakangiti pa. Plastik everywhere.

"Oh! Hi bitch! Not nice seeing you here." Sagot ni Krystal kay Savannah habang nakangiti din. Ginaya nya pa yung way na pagkasabi ni Savannah. Hahaha. That's our Krystal. Kung inaakala nyo na sobrang bait at tahimik nyang si Krystal, nagkakamali kayo. May tinatagong pagkamaldita yan. Mas maldita pa nga yan kesa kay Jess eh. Mas matapang lang si Jessica.

Si Savannah naman napasimangot ng sumagot si Krystal sa kanya. Hahaha

"Arrrgh. Com'on guys." Sabay irap nya samin at nagwalk-out kasama mga alipores nya. Huh buti nga sa kanya.

Nag-apiran naman kami paglabas ni Savannah dito.

"Nice one." Jessica

"Taray ng Krystal natin ahh" Yanna

"Bravo. Hahaha"

"Well." Sabi ni Krystal na parang nagyayabang pa. Nagtawanan na lng kami pagkatapos nya sabihin yun.

Krystal Venize's PoV

6 pm

Hayy! Nakakapagod. Ang sakit pa ng tyan ko kakatawa kanina. Super Enjoy!

Pauwi na ako ngayon, sana nga di ako paglitan eh.

Pagkapasok ko sa bahay nakita ko agad si daddy sa sala.

"Hi daddy!" Sabay hug. Sweet ako sa parents ko. Hehe.

"Hi baby!" Sabi ni daddy sabay kiss sa cheeks ko.

"Teka dad, bakit may nga maleta dito? Sino po ang aalis?" Tanong ko. Ang dami kasing maleta dito.

"Uhmm baby. Si daddy ang aalis. Pupunta ako sa france."

"Ha? Ilang days po daddy? Sama akooooo!"

"Di ka pwede sumama 3 months si daddy dun. Nag aaral ka pa. Sorry baby" halaaaa naiiyak akooo.

"Pero bakit po kayo pupuntang France? Bakit ang tagal? " Medyo teary eyed na ako. Ang tagal ng 3 months.

"Nagkaproblema kasi sa isang branch natin dun. Kailangan pumunta ni daddy para maayos agad. Pero pag naayos agad ni daddy uuwi kagad ako. Promise baby" Hindi ko na napigilan at tumakbo ako papalabas. Ayokong makita nilang umiiyak ako.

Pumunta muna ako sa park. Magpapahangin lang muna ako. Meron akong tambayan dun sa tabi ng puno dun ako humihiga at pinapanood yung stars.

Pagdating ko humiga na ako at tumingin sa taas. Haha. Ang OA ko ba? Simula kasi nung bata pa ako si daddy talaga ang pinakaclose ko. Daddy's girl ako eh. Dati kasi kapag umaalis siya saglit lang. Ang pinakamatagal na niyang alis is 1month. Iyak pa ako ng iyak nun. Eto pa kayang 3months. Sanay na ko na palagi siyang nandyan pag uuwi ako. Si mommy kasi palaging wala kasi panghapon ang trabaho nya, kaya di ko na siya naaabutan. Tuwing umaga lang pagkagising ko sya nakikita. Si daddy sabay kami pumasok palagi, siya din gumigising sakin every morning.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 27, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Priceless TreasureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon