Chapter 3

156 6 2
                                    

Yan na po yung cast :D

Red Velvet ♡♡♡♡

₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪

Jessica Kate's PoV

"Sabi na nga ba at dito ka namin mahahanap eh!" Nakita namin siya sa canteen na punong-puno ng pagkain ang table niya.

"H-ha? Di naman ako nagtatago ah."

"Yanna, may nangyari ba? May problema ba? You can always count on us" Kilala kasi namin si Yanna kapag may problema sya dinadaan nya sa pagkain.

"Aber! Ano yung kaninang pagdadabog mo ng pinto sa classroom?" Anie

"Nakita rin kita kanina tumatakbo para ka ngang umiiyak eh." Krystal

"Anong bang nangyari Yanna?"

Yanna Mae's PoV

"Anong bang nangyari Yanna?" Jess. Halaaa! Anong sasabihin ko? Dapat yung maniniwala sila. Dapat nakakahiya. Ah! Alam ko naaa.

"A-ano kasi mauutot na ako nun eh tapos feeling ko mabaho yun, kaya tumakbo nako palabas."

"Eh bakit ka tumatakbo?" Krystal. Ayan na nga ba sinasabi ko eh!

"U-uhhm may nakita kasi akong babae na naglalakad tapos may dalang Red Velvet Cheesecake. Syempre baka maubusan ako kaya tumakbo na ako papunta dito." Napatigil sila kaya bigla akong kinabahan.

"Ganun ba? Hahaha akala ko naman kung ano" Jess.

"Ikaw talaga pinagalala mo pa kami!"

Phew! Buti nalang naniwala sila.

"Sorry na hahaha." Napansin ko parang di kumikibo si Krystal.

"Bili lang kami ahh" Jess. Tumango naman ako. Sa totoo lang hindi ko na talaga mapigilan pagpatak ng luha ko kanina kaya dumiretso ako sa canteen para kumain ng madami kasi yun ang nagpapasaya sakin. Di ako makapaniwala nawala ang first kiss ko ng dahil lang sa bubblegum?! Bwisit yung lalaking yun!

Krystal Venize's PoV

Actually, di ko alam kung maniniwala ako kay Yanna, kasi nakita ko talagang umiiyak siya eh. Tska diba Red Velvet Cheesecake lang ung nakita nya? Eh bakit sanda-makmak na pagkain ang meron dito sa lamesa nya? At isa pa wala din Red Velvet Cheesecake sa table nya. Kanina pa ako naghahanap pero kahit anong hanap ko wala talaga. Its either ubos na o wala talagang ganun dito at dinahilan nya lang yon.

"Hoy Krsytal! Ano pang tinu-tunganga mo dyan? Mag-order ka na!" Jess.

"H-ha? Ay sorry. Halika order na tayo." Naglakad na din ako kasama sila para maka-order. Pero humiwalay din ako sa kanila. May hahanapin lang ako.

"Wait lang guys ah. Dito ako pipili ng pagkain. Mauna na kayo."

"Sige. Bilisan mo lang ah." Anie.

"Oo" Sagot ko at dumeretso na. Lumapit ako sa counter kung saan nandoon yung babaeng nagtitinda.

"Ate, mayroon po ba kayong tindang Red Velvet Cheesecake?" Tanong ko kay ate. Gusto ko lang makasigurado kung totoo ba yung sinabi ni Yanna samin.

"Ay ineng wala kaming tindang Red Velvet Cheesecake dito. Kahapon pa walang stock. Siguro next week pa uli magkakaron." Sagot ni ate sakin. Walang Red Velvet? Akala ko ba?

A Priceless TreasureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon