PROLOGUE

36 3 3
                                    


Iba ang dampi ng hangin sa aking mga balat, Dinig ang marikit na likhang huni ng mga ibon, Payapang nais ng lahat, maaari na dito mo malasap. Ibang iba talaga ang buhay sa probinsya.

"Tito" may tumawag sa akin at mukhang alam ko na kung sino to.

"Uy Rose nandito na pala kayo, asan ang ate?"

"Nasa labas pa po, binababa ang mga gamit sa sasakyan. Katulong nya po si papa"

"Ah ganun ba, ang laki mo na! Parang kailan lang eh neneng nene kapa"

" Tito naman, parang 3 taon lang ako di nakapagbakasyon, tsaka 17 palang ako tita! Bata padin" sabay pakawala nya ng ngiting napakaganda

"oo na, oo na. Malapit na ang birthday mo? Mag 18 kana, dalaga kana!"

" 7 months pa, matagal pa tito, wag excited! Sana naman ay pumunta ka tito, tagal mo na din di nakakapunta sa maynila, bat kasi mas pinili mo manatili sa tago at tahimik na lugar?, di talaga kita gets" nakabusangot nyang tanong.

"kasi nga tahimik, at payapa, tsaka masaya ako dito, masaya ako"

" pero tito. Ang boring padin dito, wala pang WI----"

"IKAW NA BATA KA, DI KA MAN LANG TUMULONG SA PAGBABA NG MGA GAMIT"

Sabi ng pamilyar na boses na miss ko ng ng sobra

" Ate, bat ngayon lang kayo nagbakasyon. I miss you all!, uy kuya kamusta!" bati ko sa aking bayaw

"kamusta ka? Okay ka lang?" tanong ni ate sakin.

"oo naman, ayos ako" sabay ngiti.

"Alam mo pag nakapagtapos na tong si rose at financially stable na kami, mas pipiliin ko rin manirahan sa probinsya, sariwa ang hangin, mayaman sa pagkain ang paligid at di ka magugutom dito" bulalas ni kuya Jeff

"Oo nga asawa ko, kaso matatagalan pa yun, sa sobrang busy nga natin ay ngayon nalang ulit tayo nakapagbakasyon, mabuti na din to ng mapahinga man lang natin ang ating katawan at isipan" sagot naman ni ate

"Kayo ay magsiligo na at magpahinga, gigisingin ko na lang kayo pag hapunan na. Alam kong pagod kayo sa byahe, papatikim ko din sa inyo ang masarap kong luto" pagmamayabang ko

Hindi na nakapaglinis ng katawan ang mag-asawa at dumeretso na sa kwarto at nagpahinga na, hinanap ng mata ko ang aking pamangkin, dahil bigla itong nawala.

Malakas na kalabog ang pumukaw sa aking atensyon at ito ay galing sa aking maliit na silid-aralan sa bahay.

"aray ko!" sigaw ni rose

"ayos kalang? Anong nangyare?" tanong ko

"na curious ako tito, then pumasok ako dito at naghahanap ng pwedeng mabasa, tas nung kukuha na ako sa bandang taas bumagsak sakin ito"

Turo nya sa isang kahon na puno ng papel at libro.

"may picture pa ng babae tito ah, ilang taon ka neto? Hala anong laman nito?"
Sunod sunod na tanong nya

"Wala yan,matagal ng nakatabi yan, di ko nga alam na nariyan pa pala yan" ani ko

"wow, di ko akalain na panahon nyo eh may mga ganito padin, sulat? Tula? HAHAHAHAH grabe 21st century na may ganyan parin pala. Waaaait! Kanino mo to binigay ha? Ha??? Waaaah ang corny mo tito pero at the same time nakakakilig HAHAHAH, Sorry tito mixed emotions HAHAHHAHA" sabi nya habang natawa padin

" Ibalik mo na yan, at magpahinga kana, alam ko pagod kadin sa byahe"
"okay tito!, ayaw pa mag kwento e tsk", ibabalik na nya ang kahon sa kinlalagyan neto nang may bumagsak ang isang pilas ng papel galing sa lumang kwaderno at may nakasulat na tula...

"Dinig ang tibok ng puso kong nangagambala
Sigaw netong waring nalulunod at gusto kumawala
Ikaw ang tubig sa nagbabaga kong nadarama
Nawa sa susunod, ako na tingnan ng maamo mong mga mata"
01.21.2021

15 taon na ang nakakalipas pero bat ikaw padin "Hirang"

Hirang. Where stories live. Discover now