Grabe ang init ng panahon! Sumabay pa amoy ng polusyon at tunog ng nakakarinding ingay ng mga sasakyan sa paligid. Totoo nga yung meme na nakita ko sa Facebook, yung naka-bilog ang Pilipinas sa picture tapos may caption na, "Earth is the living hell"
Napaka-init naman kasi talaga sa Pinas! tipong tag-ulan na mainit parin, partida 2019 palang pero ang lala na ng init paano pa kaya sa mga susunod na taon.
Pero aware din naman ako kung bakit. Well, bukod sa global warming at climate change eh malala din ang polusyon sa aking mahal na bansa, lalo na dito sa metro manila.
Ibang iba kaysa sa buhay sa probinsya.
Naalala ko tuloy yung bakasyon namin sa Bohol noong nakaraang taon. Sariwang hangin, payapang paligid, tapos nakakatuwa pa yung mga tao, pag nalaman na sa Manila ka galing e para ka nang artista, at daig pa nila reporter sa dami ng tanong. (kahit di naman talaga ako sa Manila galing haha) Di ko naman sila masisisi kasi ganun din ako sa kanila. Dahil nga wala din ako alam sa buhay probinsya at curious ako sa maraming bagay. Kahit na minsan ay hirap dahil sa language barrier, buti nalang nakakaintindi ako ng bisaya di nga lang nakakapagsalita.
Habang pinagmamasdan ko ang kapaligiran ay sinabi ko sa sarili ko na kapag naging matagumpay na sa buhay pipiliin ko talagang manirahan at mag settle sa probinsya.
Tanghali tapat ngayon, at kung sinusuwerte ka nga naman, natapat pa sa p.e namin. Kaya malala talaga! 1st year college na ako, kumukuha ng kursong Bachelor of Science in Marine Transportation. 18 yrs old. Opo maaga ako nag-aral, 6 na taon ako nung umapak ng grade 1 kaya kahit 18 palang ako ay nasa college na ako, dapat nga graduate na ako kung wala lang ang senior high, hay buhay!
BSMT, oo seaman. Seamanloloko? Seamanggagago? Alam ko naman yan agad napasok sa isip pag sinabi ang pangarap naming propesyon. Pangarap lang pala nila. Kasi hindi ako kabilang doon.
Mas pinili ko lang maging praktikal kaysa gawin ang totoo kong pangarap.
Family over passion, money over dream.
Doktor ang pangarap ko. Maging surgeon! General Surgeon! Kaso pre grabe naman ang haba ng panahon sa pag-aaral nun, at magastos. Di kaya ng pamilya ko. Siguro sa next life ko nalang
Itong kursong to ay napili ko, kasi, oo malaki sahod! Makakaikot pa sa buong mundo ng libre. San ka pa diba? Downside lang is malaki din ang tuition fee, pero ayos lang dahil nakakuha naman ako ng Scholarship kaya pang bayad nalang sa dorm at allowance ang gastos nila mama.
Pero mabalik tayo, oo seaman ang kursong tinahak ko, at napapamahal naman na din ako. Nasasanay na rin kapag tinatanong ang kurso ko, tapos Seamanloloko agad kasunod. Pero sa totoo lang marami talagang seaman or nag-aaral palang ng kursong ito ay babaero na. Yung iba nga di naman kagwapuhan nakakapagloko padin.
Subalit kasing rami din nito ang bilang ng mga seaman na niloloko ng taong mga mahal nila, habang naghihirap sa barko. Yung mga dapat kasama naman nila sa buhay ay nagpapasarap sa piling ni kumpare, habang sila nasa ilalim na ng hukay. Ang kanilang mga anak naman sa jowa inuubos ang perang pinapadala.
Mahirap ang trabaho sa barko, floating coffin pa nga ang tawag dito. Isipin nyo nalang kapag nasaktan yung isang tao na malayo sa minamahal nila tapos nasa barko pa, di mo alam kung ano kayang gawin nito. Mamaya tumalon nalang ito bigla sa dagat o kaya ay umimom ng nakakamatay na kemikal. Kaya nga ang maximum nalang na pwedeng magbarko ang seaman ay 9 months dahil nga sa mga issue-ng tulad nito. Di tulad dati na kahit 2 taon pang nakasampa sa barko ay ayos lang.
Pero para sa akin, di mo makikita sa propesyon, itsura o katayuan ang pagiging manloloko. Kasi kung gusto magloloko eh. Mangloloko ka talaga!! Hindi ka seamanloloko! Manloloko kalang! Pero Wag lahatin!
YOU ARE READING
Hirang.
General FictionHindi tipikal na kwento. Hindi tipikal na bida. Hindi kayang mapaliwanag ng salita Ito ay normal na kwento ng realidad. Kung ano ang tunay na buhay, at totoong nangyayari sa tunay na buhay