Ika-anim na ng hapon ngayon, at ako ay nasa bus terminal dito sa Buendia. Sabado ngayon, at dahil nga sa Pasay ako nag-aaral ay umuuwi ako tuwing Sabado ng hapon.
Grabe ang haba ng pila! alasingko pa ko nakatayo dito, pero nandito padin ako at naghihintay ng masasakyan. Yung sasakyan ko kasi na bus ay may ruta na pa Batangas pero dahil dadaan naman to sa amin sa Cavite at kunting lakad nalang ang aking gagawin papuntang bahay pagkababa ko sa bus, ay ito na ang patuloy kong pinipiling sakyan kahit mahaba yung pila.
Ngunit kahit ganito, di ko maiwasang magmasid, magmasid sa mga taong nakapila tulad ko. Mga taong pumipila sa araw-araw sa terminal para umuwi sa kanila-kanilang tahanan. May mga galing sa trabaho, may mga bumisita lang at uuwi sa kanilang probinsya at may mga estudyante din na katulad ko.
Tulad nga nung sinabi ko kanina, mahaba yung pila dito sa rutang pinipilahan ko kasi kung gaano kaunti yung bus na ganun yung byahe, sobrang dami naman ng pasahero ang naghihintay na makasakay. Pero ayos lang, dahil nga tipid sa pamasahe at mas malapit sa amin ang daan nito. Pinili ko pa ring maghintay.
Ang paniniwala ko pa naman, basta alam kong may hinihintay ako at sure na darating yun, hihintayin ko kahit gaano pa ito katagal.
Ayan na, dumating na ang bus! di na bago sa’kin ang tulakan, amoy ng pawis at usok, kaya nasanay na ako, pero ang pinaka kinaiinisan ko na bagay ay yung mga taong nasingit sa harap. YUNG MGA NANGBO-BOX OUT!
Pinas nga naman. Mga tao nga naman. Yung iba kakarating lang nauna pang sumakay. Nak nang tokwa.
Nakasakay naman ako ng bus, kaso STANDING nga lang, nakatayo ako sa gitna at sobrang siksikan. At dahil nga ang laki kong tao halos lahat sa paligid ko ay puro reklamo pero wala akong pake.
Sinuot ko nalang yung earphone ko, kahit na alam kong sira ito.
Kasi sa ganitong way basta may earphone ako parang nadadala ako sa ibang dimensyon may tugtog man o wala, sa ganitong way din wala ako naririnig sa kapaligiran ko.
Speaking of, bat nga ba nasira earphone ko, pesteng Rey yan.
Isang linggo na ang nakakalipas simula nung nakita ko yung misteryosong dilag sa parke.
*1 week ago,*
Patuloy padin akong nakatingin sa kanya kasabay ng patuloy na pagtugtog ng musika.
Nang biglang.
“Cuay! Tangina takbo!” hinila ako ng tukmol na’to palayo at sumabay nalang rin ang mga paa ko sa pagtakbo at sinundan na lamang sya.
Yung earphone ko nalaglag at naapakan ko, kaya napahinto ako at mabilisang pinulot ito.
Nang makarating kami sa liblib na parte ng Luneta Park ay tumigil na kami at parehas kaming tagaktak ang pawis at hingal na hingal.
“Tangina Rey ano ba nangyari? Bat tayo tumatakbo?” bulalas ko na may kasama pang pagubo.
“Puta par, yung ka meet up ko, nabasa ng jowa nya yung convo namin. Putang ina. IG na yun alam padin ng jowa yung acc nya. Ayun sinundan sya tas nahuli kami. Puta may kasama mga tropa, isang batalyon gugulpihin ako, mga taga Tondo pa hayuf. Hinabol ako tas nakita kita sinama lang kita para may kasama ako tumakbo” tuloy-tuloy nyang sabi habang nakalabas ang dila dahil nga sa hingal.
“Tangina mo, dinamay mo pako! Yung earphone ko nasira tuloy. Yan kasi alam ng may jowa na pinapatos pa. Isa ka talagang cancer ng lipunan. Tara na, ilibre moko ng balot para makabawi ka” ani ko sa kaniya
“Wow required bang bumawi? Tsaka na said din ako, ganda kasi ng timing nila, kung kailan naka-kakain na kami at napagastos nako, dun dumating! Wala na ngang eut, naubos pa pera, muntik pang mabugbog, umay naman” reklamo nya.
“Dapat lang sayo yan, dapat sa inyong mga pakboi ay sinusunog ng buhay sa harap ng rebulto ni Rizal,
pagasa ng bayan? Baka salot ng lipunan! Tara na nga at siguro naman tapos na ang booking ni Gerald” sabi ko sa kanya.
*end of flashback*
Hays, kung di ko lang kaibigan yun, ako na mismo bumugbog sa kanya.
Basta ako di ako nagkulang sa kanya bilang kaibigan nya, ilang pangaral at payo na ang aking nagawa
sadyang di lang talaga natalab sa makapal na balat ng dimuho nayun ang mga sinasabi ko.
Mahahanap nya rin ang katapat nya, titiklop din sya sa tamang tao na nakalaan sa kanya.
Alas-9 na nang nakarating ako ng bahay, dahil medyo matraffic ay natagalan ang aking paguwi.
Pag bukas ko ng gate, ay sugod agad sa akin ang dalawang alaga naming aso si Dragon at Mantis, mga aspin. Mahalin ang sariling atin! Oo di sikat na breed, pare-parehas lang naman silang aso kahit ano pang breed nyan. Kaya dapat pantay pantay na love and care din ang binibigay natin sa mga ito.
“Kuya ginabi ka na ah” bungad na salita ni mama sa akin
“Kumain ka na ba?” dagdag pa nya
“Kumain na ako ma bago umalis dun, may tira pang pagkain ng tanghalian yun nalang din kinain ko” sagot ko sa kanya
“Asan si Mia? Tulog na?”
“Oo tulog na kanina pa, anong oras na e”
Si Mia ang nakakabata kong kapatid, 10 years ang gap namin, so 8 years old na sya sa lunes. Sayang nga at di ako makakadalo dahil balik din agad ako bukas ng hapon, may pasok kasi kinabukasan.
Inayos ko lang ang mga gamit ko, nagpalit ng damit at agad na nagpahinga dahil maaga pa simba bukas.
Araw ng Linggo ngayon at buong pamilya kaming nagsisimba.
Isa din sa dahilan kaya nauwi ako tuwing Linggo ay para makasama sila sa maikling panahon and at the same time makapagbigay din ng time kay God, na makasama sya sa araw ng pahinga.
Kasalukuyan akong nasa altar ngayon, oo altar sa loob ng simbahan. Isa akong altar server, acolytes o mas kilala sa tawag na sacristan.
Almost 10 years nakong Sacristan, 7 years old palang ako nung nagsimula ako neto.
At nasa gitna ng sermon si Padre
“God always gave us what we need but not what we want”
Katagang binitawan ni Padre
“Binibigay lang sa atin ng ating Panginoon ang kailangan natin, at hindi lahat ng ating gusto ay makukuha natin. For example, ikaw ay nagdasal na sana magkaron ako ng kotse! Ang tanong kailangan ba natin? Humihiling ka na magkaroon ng kotse eh wala ka pa nga mapaparadahan ng sasakyan mo, wala kapang bahay na sarili, kung may bahay man wala pang parking lot, in short, hindi ibibigay ni God sayo ang di mo pa need! God always has a plan; God always have a valid reasoning! Lalo na sa ga bata ngayon, puro sana all may jowa, sana all crush din ni crush”
Sabay tawanan ng mga kabataan at busangot naman ang mga matatanda.
“They want someone to give them attention, hinihiling nila na sana may jowa ako, yung may magreregalo rin sa akin, bibilhan ako ng milktea. But the question is, is that really necessary? Kailangan ba talaga nila yun at the moment? Hindi naman di ba? Bagkus ang bibigay sa kanila ni God is yung need nila, ano yung need nila for now, first is yung guidance and endless love ng magulang, mga kaibigan na lagi mong maasahan at higit sa lahat ay gabay ni God sa atin. Yung magkaroon tayo ng healthy na mental health, healthy lifestyle at matibay na faith sa kanya, kaya sa mga kabataan at sa lahat nadin. Tama na ang kaka sana all. Dahil kapag para sayo at kailangan mo talaga bibigay sayo ito ni God ng walang alinlangan”
At natapos ang sermon ni Father.
Grabe tamang tama sa’min ang bawat binibitawang salita ni Padre.
At lahat naman yun ay totoo.
Siguro kaya di ako binibilhan ng bagong phone dahil di ko pa need sadyang gusto ko lang ng bagong phone!!
Pagkatapos ng misa ay pinatawag kaming mga sacristan.
“Oh Marcelo alam mo na gagawin” sabi ni Padre sa’kin
“Pumila kayo simula ng isang linya maliit hanggang matatangkad”
“Hawakan nyo yung tenga ng nasa kaliwa nyo, sabay angat” dikta ko sa kanila
“Ang sakit” “Awww hapdi”
“Wag mo naman lakasan huuy” Awwwww” sabay sabay nilang sigaw dahil sa sakit.
“So anong kaso” tanong ko
“Kuya Cielo, etong si Nave ilang beses nilaglag yung bell, alam ng lahat yun, rinig na rinig ba naman e”
Sabi nung isa
“Itong dalawang to kuya Cielo, kitang kita ni padre nagkukurutan sa altar habang Ama namin”! Nakatingin na si Padre ayaw padin tumigil”
“kuya Cielo wala naman kami nagawang mali bat kasali kami sa parusa, huy ang sakit!” bulalas ni Aeron
“Dahil kasalanan ng isa, kasalanan ng lahat” si Padre ang sumagot sa kanya na saktong kakarating lang, pagka-alis kanina.
“Bakit natin ginagawa ito? Para madisiplina kayo at matuto sa pagkakamali na nagawa, ang Panginoon ang pinaglilingkuran natin at maraming nakakakita sa inyo sa Altar dapat lang na maayos kayo, at kaya lahat kayo ay damay dahil iisa lang kayo dito, pag mali ng isa dapat itama ng isa, sa pamamagitan nun pare-parehas kayong matututo. Alam mo na Aeron?”
“Opo Padre! Thank you!” masiglang tugon ni Aeron
“Sige Marcelo pauwiin na yang mga yan at maiwan kayo ni Jr. Dahil may binyag mamaya” sabi ni Padre sa akin.
“Sige po Pads” pagkasabi nito ay bumaling ako sa mga bata.
“Narinig nyo si Padre wag na ulitin ah, matuto sa pagkakamali, hindi maling itama ka, ang mali ay kahit alam ng mali ang nasa paligid mo ay pinapabayaan mo lang at umaaktong walang nakita o napansin. Maliwanag mga Acolytes?”
“Yes kuya Cielo!” tugon nila ng sabay-sabay
“Go evoparate na, magsiuwi na!” sabi ko.
Oo nga pala, kaya ako ang nagsasalita at namumuno sa kanila dahil ako ang Sacristan Mayor o ang pinaka mataas na Sacristan siguro na assigned ako dito dahil matagal nadin akong nagseserve.
“Jr maiwan tayo may binyag daw” sigaw ko kay Jr
“Noted kuys” sagot nya.
Patapos na ang araw at pabalik na naman ako sa dorm ko.
Ayun ang nakakalungkot na parte kapag sa malayo ka nag-aaral, bukod sa nakakapagod ang byahe, saglit na oras lang ang ilaan mo sa bahay niyo.
At ang mas nakakalungkot pa ay makikita mo nanaman ang sarili mo na inaayos ang gamit papasok sa loob ng bag mo upang maghanda nanaman umalis, ni hindi mo nakasama pamilya mo ng isang buong araw pero aalis ka na agad.
Pero kahit ganun ay malaking bagay na makasama ko sila kahit saglit lang. Sila kasi yung nagsisilbi kong charger. Kahit ilang oras lang kami nagkasama nabibigyan na nila ako ng bagong lakas para sa isang buong linggo na darating. Ngunit ang masaklap, minsan di ako nakakauwi ng linggo dahil minsan sobrang dami ng gawain lalo na ngayong buhay college na ko.
Pero kahit nakakalungkot, malaki itong parte ng aming pagsasanay bilang seaman. Yung malayo sa mga mahal sa buhay para iwas home sick, pag actual na nasa barko na kami.
Ang number 1 problem pa naman sa barko ay ang home sick lalo na pag baguhan ka pa lang. At pag lumala hahantong sa depression. Tapos pwede pang mag pakamatay ang tao sa sobrang lungkot sa buhay pagbabarko.
Ikaw ba naman nasa gitna ng dagat, palutang lutang, di mo kasama ang mga mahal mo sa buhay ng ilang buwan, sinong di mababaliw diba?
Pero buti na nga lang high tech na panahon ngayon, kasi may social media na di na malaking issue ngayon iyon. Sa mangilan-ngilan na lang, lalo na sa mga mahina ang loob at fragile talaga mentally.
Iba ang ruta ko pag pabalik ng dorm, sumasakay ako ng jeep pa Alabang at sumasakay ulit ng jeep pa Baclaran. Mas mabilis at mas tipid din sa part ko.
Hanggang maaari kasi nagtitipid ako, sa ganung way man lang matulungan ko sila Mama.
Minsan nakakasabay pako kay Papa kaya libre kung minsan, kaya tipid talaga! Jeepney driver si Papa at yung ruta nya ay Carmona to Alabang vice versa.
Alas-8 na ng makarating ako ng dorm, napatigil ako nung bubuksan ko na ang lock. May narinig kasi ako sa loob.
Ungol ng babae. Bigla sumagi sa isip ko, oo nga pala di umuwi si Reymart, malamang sa malamang may dinala nanaman na babae, pakboi nga naman talaga.
Kaya imbis na pumasok sa loob, ay umalis na lang ako. Iniwan ko na lang yung bag ko sa labas ng dorm. Di naman mawawala yun dun.
Napagpasyahan ko mag-Mcdo dahil di pa din naman ako kumakain. Sumakay ako ng Jeep pa Cartimar dahil gusto ko din tumingin ng mga sapatos at may Mcdo naman malapit dun.
Nang papasok na ako ng Mcdo ay may napansin akong pamilyar na mukha.
“Randolf!” sigaw ko
“Uy Marcelo ikaw pala yan, bat ka nandito?” tanong nya sakin
“Siguro mag huhugas ng pinggan? Syempreee kakain! Ikaw talaga oh!” sagot ko.
“Raulo! Hanggang ngayon pilosopo ka padin!”
“Kamusta par? Kamusta PNU? Taena miss ko na tropahan. Bihira nalang magkita dahil busy lahat sa college.”
“Ayos naman, mahirap! Wala naman atang madali! Taena miss ko na kayo, sabihin mo sa kanila set din minsan, kwentuhan ganun” sagot nya
“Oo nga e, tae dito pa talaga tayo nagkita. Bat ka napadpad sa Cartimar?” tanong ko
“Bumili ako Black shoes, alam mo naman na mahilig ako sa ganung sapatos, tsaka nagmeeting kami dito magkakaorg! Well, sipag-sipagan padin ako HAHAHA, umuwi na sila e, eh nagutom ako kaya kumain muna ako, then yun may nakita kong baboy” pang-aalaska niya.
“A ko lang naman kilala mong pogi na baboy, kumain ka na nga, hintayin mo ko oorder nadin ako”
Matapos ang matagal na usapan ay nagpasya na kami umuwi. Naglakad kami pa Buendia at Nag LRT na kami parehas sa kabila nga lang sya at ako naman ay pa-Baclaran.
Nauna syang nakasakay ng train, at bigla ko naaalala na titingin pa pala ako ng sapatos.
Sa paglalakad ko ay nakita ko ang aking kaklase na patawid ng kalsada
“ Ismael!!” tinawag ko sya ngunit di nya ata ako narinig dahil patuloy lang sya sa paglakad.
Nakabili rin ako ng sapatos. Sira na kasi yung Black shoes ng ginagamit ko kaya bumili ako. Mura lang naman halagang 250, pang life time na, charot.
Nagpasya na kong umakyat ng Station, bumili ng ticket at nagabang ng train.
Ang lamig, rinig ko narin ang ingay ng tren na paparating.
Anak ng tokwa nawawala yung ticket ko, need pa naman yun mamaya bago ka makalabas ng next Station. Mataranta kong hinanap ito at nung nahanap ko na ay paalis na Train na sasakyan ko dapat, maghihintay nanaman ako!
Sa mabilis na pagandar ng Train ay napansin ko ang pamilyar na pigura ng isang babae. Yung babae
sa parke! Yung babaeng may mga matang nakakakuha ng aking atensiyon. Yung mga matang nagsasabi ng totoo nyang nararamdaman, mga matang di kayang magsinungaling kailanman.
“Alam kong di ka ayos, at magiging ayos agad.
Pero kilala kita, walang bagay na di ka nausad.
Ika’y tila puno sa gitna ng tag-araw at tag-ulan.
Wala kang di kinakaya at kakayanin, aking hirang. “
Jan 15,2020
YOU ARE READING
Hirang.
General FictionHindi tipikal na kwento. Hindi tipikal na bida. Hindi kayang mapaliwanag ng salita Ito ay normal na kwento ng realidad. Kung ano ang tunay na buhay, at totoong nangyayari sa tunay na buhay