The Girl With A Purple Scarf

161 11 34
                                    

Author's Note

Just a heads up, this is going to be a hell of a ride. This one's a complicated plot because ginawa ko siyang movie style. It requires critical thinking para maintindihan ang kwento.

So this is inspired by Taylor Swift's All Too Well at dedicated itong akda na 'to sa lahat ng mga iniwan sa ere, kasama na ang author nito.

Para sa atin 'to. 🥂

⊱ ──────ஓ๑♡๑ஓ ────── ⊰

"ISA dalawa, tatlo.." Kumawala ang malulutong na hagikhik mula sa bibig ko nang halikan ni Gabe ang aking hinlalato. Hinalikan niya ang bawat dulo ng mga daliri ko at matapos nun ay ikinulong niya ang kamay ko at dinala sa pisngi niya. Hinalikan niya ang palad ko at tumitig sa akin, "I love you, Brooke."

Sumilay ang matamis na ngiti sa mga labi ko dahil sa narinig. Kinikilig pa rin ako sa kanya kahit na ilang beses pa niya iyon sabihin sa isang araw. We're in a relationship for three years now yet he's still got that magic that swept me off my feet the day I fell in love with him.

"Ay nginitian lang ako. Wala bang 'I love you too' diyan?" he said with puppy eyes.

I pinched his nose in response, "You know that I'm not the type of person who says 'I love you' too much. Hindi ako ganyan so dapat expected mo ng hindi kita sasagutin ng 'I love you too'." I giggled when I saw him pouted his lips, "but.." binawi ko ang kamay ko sa kanya at ikinulong ang mukha niya sa mga kamay ko, "but because of you, that changed. You made me an 'I love you' person.." I paused and smiled, "At kahit na ang mushy-mushy mo hinding-hindi ako magsasawa sa kakasagot sa 'I love you' mo." Then I planted him a kiss.

"I'm in love with you, Gabe. And I guess kahit na tumanda man tayo, this magic that I am feeling right now will never ever get old. I love you. I will always love you," dugtong ko.

He cupped my cheeks and wiped my tears. What? I'm just happy. A lot of people are struggling to find something like this, but us? We didn't look for it. Love found us.

"Dang tamis! Talaga lang ha? Halika nga dito." Kinabig ni Gabe ang balikat ko at inihilig sa dibdib niya habang pinapanood namin ang paglubog ng araw, "Balang araw babalik tayo dito sa burol. Tapos kasama natin ang mga anak natin. Maglalaro sila habang tayo naman naghahanda ng pagkain. Siyempre hindi mawawala ang fried chicken, ikaw pa 'e mukha ka ng manok."

Kinagat ko ang braso niya sa sinabi niya. Nang-aasar na naman kasi. Sweet nga si Gabe pero walang araw na hindi niya ako inasar. Kumawala ako sa pagkakaakbay niya at tinanggal ang scarf sa leeg ko para ihampas sa kanya, "Nakakaasar ka!"

"Tama na. Lalo lang ako nai-in love sa ka-sweetan mo 'e," aniya na tumatawa pa rin habang pinipigilan ako sa panghahampas sa kanya. Hawak-hawak niya ang magkabilang braso ko at itinapat iyon sa dibdib niya.

Binawi ko ang mga kamay ko at pinagkrus ang braso, "Ewan ko sayo! Nang-aasar ka na naman."

"Ay pikon. Si Brooke pikon," patawa-tawa niyang dagdag sa pang-aasar na inirapan ko lang, "Oh siya titigil na. Sorry na."

Paanong hindi lalambot ang puso ko kung ganito naman kagwapo ang manghihingi ng sorry? Gabe is the only guy who can brings out both the best and the worst in me. He's actually my batman yet the bane of my existence. That's how much control he has over me.

The Girl With A Purple ScarfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon